Chapter Twenty One: Another Ghost

1.3K 73 33
                                    

(Regine POV)

"Mukha kayong mga zombies. Lumayo nga kayo samin!" sigaw ni Ceds habang pinapaypay kami paalis.


"Wag mo kong sinisimulan Ceds hah! Wala pa akong tulog! Bwisit to!" sigaw naman pabalik ni Irish.


"Wag nga kayo magsigawan dito. Masakit sa tenga." reklamo naman ni Sam.


"Edi umalis ka kung naiingayan ka. Ang laki ng problema mo!" lumalala si Irish kapag walang tulog. Kahit ako din walang tulog. Nilapa kami ng mga lamok sa selda kagabi.


"So what's our agenda na ba? I want to get out of here na. It's like I'm nasusunog na." salita ni Trishia.



Nasa oratory kasi kami ngayon maliban kay Paul at Lean. Kasama din namin ngayon si Rendell na natutulog sa tabi. Dito pa talaga namin naisipan na magpulong.


"We need your help." panimula ko.


"Di kayo naka review para sa exam natin mamaya noh? Kokopya kayo?" sinabunutan ni Irish si Lads.



"Iyo na sagot mo. Kala mo naman mangongopya kami. Magtigil ka Lads!" - Irish



"Ouch.. nagbibiro lang naman. Sorry naaaa." - Lads



"Magbiro ka na sa laseng, wag lang sa wala pang tulog. Hahahaha!" makatawa naman si Ceds. Sinipa sya ni Irish sa tuhod.



"Aray! Napaka sadista mo talaga. Saket." daing ni Ceds habang hinahawakan tuhod nya.



"Isa ka pa e. Wag ka ngang tumawa. Seryoso ako dito tapos tatawa tawa ka?" nag peace sign lang si Ceds.



"Okay that's enough. Let's get down to business." pag awat ko.



"Wow taray. English! 👏" pang-aasar ni Lads.



"Simulan mo na Rege! Ang tagal!" reklamo ni Irish. Sya kaya mag kwento. Sila 'tong daldal ng daldal e. >3<



"Tungkol ito kay Lean. Yung kasama nating Lean ay hindi si Lean." naintindihan kaya nila sinabi ko?



"Ha? Ano yun?" tanong ni Sam na nagkakamot pa ng ulo nya. 



"How do I say this.." - me



"May sumapi sa katawan ni Lean." - Irish



"Huwaaat?" sabay sabay nilang reaction. 



"Sino sumapi sa kanya?" - Ceds



"Kelan pa?!" - Lads



"Paano nangyari yun??" - Sam



"O-M-G!" - Trishia



Si Irish na ang nagkwento. Nakinig na kaming lahat habang si Rendell ay natutulog parin.



"Nagsimula yun nung nagbago pakikitungo nya sa'tin. Naabutan ko sya sa bathroom nun na nakaharap sa salamin nang ibang mukha ang nakita ko sa reflection nya. Nung una, inisip ko na namalikmata lang ako pero sinubukan kong tingnan nung nasa classroom na tayo gamit ang salamin ko at dun ko napatunayan na may ibang nilalang na nasa katawan ni Lean."


Tumigil muna sya saglit. Nakakapanindig balahibo naman yung kwento nya. Lahat kami ay tahimik lang at nagpapakiramdaman. Nakakatakot!!!



Haunted AcademyWhere stories live. Discover now