Chapter Thirty Seven: Loss of All Hope

742 30 0
                                    

(Regine's POV)




"Sister!!" tawag naming lahat sa kanya.




Ang dami nyang sugat at halos mabalot na ng dugo ang buong katawan nya. Punit punit na rin ang damit nya at halos hindi na namin ma recognize ang mukha nya sa dami ng sugat.




"P-patawarin n-nyo ako.. P-patawad.." aniya habang patuloy sa pag-iyak. "Sumosobra na talaga si Mercy!" galit na wika ni Cedrics.




"Hindi.. Hindi sya si Mercy. Sya si Cabeya. M-matagal na siyang patay pero.." hindi na nya tinapos ang pangungusap nya. Cabeya? Sino yun? 




"Sinong Cabeya sister?" tanong ni Lads. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kay Lads kanina. It's more like she betrayed Sam.




"Kambal ko. Matagal na na panahon ang nakalipas ng kitilin nya ang sarili nyang buhay sa harap ko. S-sinubukan ko syang pigilan noon pero.. tinuloy nya pa rin." she's speaking in quavering voice. Patuloy syang nagsalita. "Matindi ang galit nya saken. Bumalik sya para maghiganti. P-patayin nya ako. P-pati na rin kayo. Wala syang ititira sino  man sa atin dito." 




"Hindi mangyayari yan." sambit ko. Hindi pwedeng mamatay nalang kami dito!




"I'm sorry Ms. Scott. P-pero sa tingin ko, hindi na tayo makakaalis dito. Malakas sya." sagot ni sister.




"Eto na nga ba ang sinasabi ko. Mamamatay tayong lahat!" sabat naman ni Irish. She's not giving up on saying that.




"Tama na yan Irish." salita ni Ceds tsaka tumingin ulit kay sister. "Sister, kung yung si Cabeya ay matagal ng patay, ibig sabihin kaluluwa nalang sya na sumanib sa katawan ni Mercy?" tumango naman si sister.




"Rendell!" tawag ni Ceds kay Rendell na nasa sulok lang. "Yung ritual na ginawa natin." tama. Yun ang sagot sa problema namin.




"Pwede naman nating gawin yun pero pa paano? Hindi tayo makaalis dito at ang dami pa nating gamit na dapat hanapin." salita ni Rendell.

Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon