Chapter Forty-Four: Guilt

778 32 3
                                    

(Sam's POV)




Ang tagal naman ni Lean! Hindi ba sya sumunod sa akin? Niyakap ko ang mga tuhod ko.




Nasa ilalim ako ng mesa na ginagamit sa mass. May kalakihan naman kaya siguradong kasya kaming dalawa ni Lean. May mahabang puting tela na nakaharang kaya natitiyak kong hindi kami makikita ni Cabeya dito. Pero wala pa rin si Lean!




Hindi nga talaga siya sumunod. Baka nagtago sya sa ibang area ng oratory. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko sa takot. Na trauma ako sa mga pinaggagagawa ni Cabeya.




Narinig ko ang pagbukas ng pinto at may nagsalita na babae, si Cabeya.




"Nasaan sila?!" sigaw nya.Kinakabahan ako, baka anong gawin nya kay sister Elsie.





"Tama na Cabeya! Wala silang kasalanan sa mga nangyari sayo noon. Kung meron ka mang dapat pahirapan at patayin, walang iba kundi ako. Ako nalang ang patayin mo!!" - sister Elsie. Pinahid ko ang tumutulong luha sa mata ko. Akala noon masamang tao si sister Elsie. Halos isumpa namin sya magkakaibigan, pero hindi pala. Mabuti syang tao. Hindi lang man yun nakita ng kapatid nya.





"Sila muna ang papatayin ko bago ikaw. Oras na mahuli ko sila, hindi ako magdadalawang isip na tapusin ang mga buhay nila." - Cabeya




"Wag mo na silang idamay. Parang awa mo na.."





"Tumigil ka nga Elsie! Naawa ba kayo sakin noon? Hindi naman di ba?"





"Matagal na na panahon ang lumipas Cabeya. Tama na. Marami ka ng napatay. Matuto kang magpatawad!"





"Wala sa bokabularyo ko ang salitang tawad. Hindi ako titigil Elsie. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nauubos at napapatay lahat ng tao sa paaralan na ito. Isasama ko kayong lahat sa impyerno!!!"





May narinig akong ingay, mukhang may nahulog na mga gamit. Fuck. Si Lean ba yun?!! 





Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Sana hindi si Lean ang may gawa ng ingay na yun. SANA HINDI SYA MAHULI NI CABEYA!!






"Cabeya!!" sigaw ni sister Elsie. 





"There you are bitch." narinig kong sabi ni Cabeya. 




"ARAY! BITIWAN MO KO!!" boses ni Lean yun. Shit.






"Nasaan sila? Sabihin mo kung ayaw mong gilitan ko sa leeg ang batang to." tanong nya kay sister. 





Haunted AcademyWhere stories live. Discover now