Chapter Forty-Five: Almost There

540 25 2
                                    

(Rendell's POV)




"Shit!" hiyaw ko ng may naramdaman akong may tumusok sa kanang paa ko. Sa sakit ay napa upo ako at nabitawan ang mga dala ko. Napatingin ako sa paa ko na may nakatusok na malaking lansang. Ba't may ganitong kalaking lansang dito? Buti nalang hindi malalim ang tama ko.




Habang hinuhugot ko ang lansang ay napaisip ako. Hindi kaya, may inilatag na patibong si Cabeya?




Matapos kong tanggalin ang lansang ay agad kong pinulot ang mga dala kong nagkalat.  Tumayo na ako at tumakbo na ulit. Kahit kumikirot ang paa ko, binilisan ko pa rin ang pagtakbo. Sana maabutan ko pa sila sa oratory.




Nakarating ako sa oratory na hingal na hingal. Tuloy tuloy ang pagtulo ng pawis ko at basang basa na talaga ako ng pawis. Bumungad sa akin ang mga malungkot nilang mukha. Namumugto ang mga mata nila lalo na si Sam na walang tigil sa kakaiyak. Wala ng oras para tanungin ko sila kung anong nangyayari. Baka hindi.. baka hindi na namin maligtas si Irish.




"Guys, kompleto na ang mga gamit na kakailanganin natin. Kailangan na nating magmadali." paliwanag ko habang kinukuha ang lighter sa drawer.




  "Where's Irish?" nag-aalalang tanong ni Trishia. 




 "Nasa library sya. Hinahabol sya ni Cabeya." paliwanag ko.




"Iniwan mo sya? Rendell, bakit mo sya iniwan dun?" tanong ni Regine na halata mong galit.




"Sya ang may gustong iwan ko sya. Teka, wag na kayong matanong. Kailangan na nating bilisan to." Ang sama ng tingin nila sa akin pero di ko na pinansin. napatingin ako sa sahig. May nakahiga sa sahig na nakabalot ng puting tela. Tanging mga paa lang nya ang nakikita ko.




"Sinong natutulog?" tanong ko sa kanila. "Gisingin nyo na sya. Kailangan na nating simulan ang ritwal." salita ko ulit habang nilalapag ang mga gamit sa sahig.




Walang may nagsasalita at walang may sumunod sa sinabi ko.

Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon