Chapter Forty-Two: A Broken Piece

906 36 16
                                    

(Regine's POV)




Nagising ako sa pagbukas ng pinto at bumungad sa amin si Chinee. Binuksan niya ang mga ilaw kaya lumiwanag ang paligid. Mukha na kaming mga taong grasa. 




Ngayon ko lang rin napansin na malapit na palang gumabi.




Nagulat ako ng hawakan ako ng mahigpit sa braso ni Chinee. "Saan mo ako dadalhin?!" I said with a trembling voice.




"Wag ka ng matanong. Sumama ka nalang ng maayos." unti-unti nya akong hinihila na parang basahan sa sahig.




"Chinee! Wag mong kukunin si Regine!!" sigaw nila Lean pero hindi sila pinapansin ni Chinee.




Nakalabas na kami sa kwarto. Dahil payat ako ay madali lang nya akong biwasin.




"Chinee, parang awa mo na. Pakawalan mo na kami." pagmamakaawa ko sa kanya.




Hindi siya nag sasalita. "Ano ba Chinee? Naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?!"




Napansin ko na wala na ang mga bangkay sa paligid. Napalitan ng pulang bulb ang mga ilaw kaya medyo madilim. Mas lalo akong na takot ng pinasok nya ako sa isang kwarto. Naroon si Cabeya, nakatingin sa labas ng bintana habang umiinom ng wine sa wine glass na hawak nya.




"Andito na sya." salita ni Chinee habang tinutulak ako sa tabi.




"Good. Itali mo lang sya dyan at hintayin mo na makabalik ako." humarap sya sa amin at nilapitan ako.




"Gustong gusto na kitang patayin." hinila nya ang strand ng buhok ko na ikinadahilan ng pagliyad ko. Ang sakit! "A-aray!"




"Wala pa yan sa sakit na daranasin mo pagbalik ko." binitawan na nya ang buhok ko tsaka sya tumayo ulit ng maayos.



"Babalik ako kaagad dito oras na nabili ko na ang mga kakailanganin ko sa pag torture sa babaeng yan." ibinaba nya sa mesa ang baso nya.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now