Chapter Seventeen: Possessed by The Ghost

1.6K 60 8
                                    

(Marilyn POV)


Nakakatuwa ang mukha ni Regine kapag nakikita nya kaming magkasama ni Paul. Hahaha. Wala. Natatawa lang ako. Nakikita ko kasi na mamatay matay sya sa selos. 


"Lean, may time ka ba? Pwede ba kitang makausap?" umupo si Lads sa tabi ko. Kaming dalwa lang ang nandito sa kwarto. Ano nanaman kaya sasabihin ng isang matabang nilalang na 'to??


"Tungkol saan pag-uusapan natin?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok ko.


"Sabi kasi ng mga kaibigan natin, kausapin raw kita." ngumiti naman ako sa kanya. Pag ganito na mga sitwasyon, si Regine lagi ang tinutulak nilang kumausap sa tao so I guess, tungkol ito kay Regine. That bitch.


"Go ahead." sabi ko. "Parang may nagbago kasi sayo Lean. Dati naman lagi kang masayahin, mapang-asar tsaka close sa aming lahat lalo na kay ni Regine." huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.


"People change, Lads. Hindi ko kayang maging mabait ngayon, lalo na kay Regine. Ahas kasi sya. Kaya ako ni reject ni Paul noon, yun ay dahil inakit na nya si Paul." tumayo ako at nagkibit balikat. Seryoso ang mukha ko ngayon at halata kong natatakot si Lads saken.


"H-hindi nya sinasadya yun Lean. Tsaka kahit naman nagawa nyang mahalin yung taong gusto mo, magkaibigan pa rin naman kayo di ba?"


"Noon yun. Hindi na ngayon. Hindi na kaibigan ang tingin ko sa kanya." kinamumuhian ko sya!!


"Lean, nakalimutan mo na ba mga pinagsamahan ninyo?"


"Hindi Lads. Pero hindi ko na inaalala pa ang mga yun. Maling mali na naging kaibigan ko sya. At kung pabor kayo sa kanya, edi magkampihan kayo. Dyan naman kayo magaling."


"Wala kaming may kinakampihan Lean."


"You better be at my side. Ako ang nauna kay Paul. Akin lang sya. Sabihin mo yan lahat sa mga kaibigan mo especially sa ahas na si Regine! Tapos na ang usapang ito." lumabas na ako ng kwarto at sinara ng malakas ang pinto. Huh!


Gusto kong kitilin ang mga buhay nila lalo na ang Regine na yun!! Kailangan mapa sa akin si Paul!


Nakasalubong ko sa daan ang weirdo na si Chinee. Psh. Inirapan ko sya at binangga.


"Ang clumsy mo!" sigaw ko sa kanya. "Sorry.. hindi kasi kita nakita." paumanhin nya habang pinupulot ang mga gamit nya.


"Whatever. Ang lampa lampa kasi!" sabay sabunot ko sa buhok ni Chinee.


"Lean, masakit. Aray!!" hindi ko sya pinakinggan.


"Lean!" nilingon ko ang tumawag saken. Look who's here. It's Regine the bitchy witchy girl.


"Itigil mo na yan!" lumapit sya. Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa maduming buhok ni Chinee.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now