Chapter Nine: A Mystery

1.7K 71 4
                                    

(Irish POV)


Ano ba ang sekreto meron ang school na ito? May napapansin akong kakaiba. Hindi ko alam kung nababaliw na ako dito pero parang may mali talaga.


FLASHBACK..


"Walang'ya ka Sam. Pagkatapos kitang samahan sa pagdala ng mga test tubes sa lab kanina ako naman ang hindi mo sasamahan?" nasa may hallway kami ni Sam. Nauna na mga kasama namin sa kwarto. Sinamahan ko pa kasi si Sam sa laboratory ee.


Naiwan ko yung sapatos ko sa locker. Kailangan ko pa naman din yun bukas. 8:50 pm na. -_-


"Bukas nalang Irish. Lights off na. Paano nalang kapag nahuli tayo ni sister Elsie?" pero kailangan ko talaga yung black shoes ko. Hayss.


"Sigeh na nga. Mauna ka na. Wala kang kwentang kaibigan." salita ko sa kanya habang nakapamalikat. Nakakainis.


"Haha. Di mo ko makukuha sa ganyan Irish. Matulog na kasi tayo. Hahaha." binatukan ko naman sya. Napaka walang kwenta talaga.


"Psh. Pumasok ka na nga sa kwarto. Babalikan ko sapatos ko sa locker." tumalikod na ako sa kanya.


"Pero Irish, baka mahuli ka. Alam mo namang--" di ko na sya pinatapos sa pagsasalita.


"Kaya ko na sarili ko." naglakad na ako.


Pakialam ko sa rules ng school na 'to? Nakakairita na kaya. Ginawa na nga nila kaming katulong tapos ang dami pang bawal. Nasaan ang hustisya? Tss.


Bumaba ako sa first floor kung saan naroon ang locker room. Tahimik na ang paligid. May nakikita akong mga nuns na nag i'inspect sa mga hallways pero mabilis akong nakakatago.


By the way, habang papunta ako sa locker, magpapakilala muna ako.


I'm Irish Myers. Laging mainit ang ulo ko. Hindi ko ma control sarili ko ee. Kung anong nasa isip ko, yun din lumalabas sa bibig ko.


Hindi ako pabebe at lalong hindi ako pa girl. Kairita ang ganun. Hay.. Yun na yun. Nakakatamad magpakilala.


Nakarating ako sa locker. Pumasok ako at isinira ko na muna ang pinto. Binuksan ko ang ilaw. Kinuha ko na rin ang black shoes ko.


Palabas na sana ako pero may narinig akong may umiiyak sa loob ng c.r ng locker. Boses ng isang babae.


Tumingin tingin ako sa paligid. Sa c.r nga nanggagaling ang boses. Tapos bigla nalang nagsitaasan ang balahibo ko. Nanlamig ako bigla. Bakit may umiiyak sa loob?


Huminga muna ako ng malalim. *inhale..exhale..*


Baka estudyante lang din ang nasa loob. Hindi ko nalang pinansin.


Hindi na rin ako nag aksaya pa ng oras. Binuksan ko na ang pinto para lumabas at pagbukas ko, saktong bumungad saken si sister.. Elsie.

Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon