Chapter Forty-Seven: The End

88 6 0
                                    

(Regine's POV)

Isang taon na ang lumipas nung natapos ang kalbaryo namin sa Hill Academy o Haunted Academy sa pagkakaalam ng marami. Mahirap magsimula ulit, mahirap makalimutan, mahirap tanggapin na wala na ang tatlong kaibigan namin: Lads, Lean at Irish. Nagkaroon ako ng PTSD na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.

May iilan na naniniwala sa kwento namin tungkol sa totoong nangyari, meron din namang hindi.

Simula ng makabalik kami, hindi na kami tinantanan ng mga reporters. Naging laman kami ng  balita sa mga dyaryo at news sa tv. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming ininterview sa mga tv shows. Instant celebrities ika nga. Kaya kinailangan ko pang magsuot ng face mask at cap kapag lumalabas para hindi ako makilala ng press at mga tao. In fact, ilang bwan din akong hindi lumabas ng bahay. Pakiramdam ko kasi nasa tabi lang si Cabeya, at ang tanging lugar lang na safe para sakin ay ang bahay namin.



Araw-araw, gabi-gabi kong naaalala ang mga nangyari na parang nandun pa rin ako sa lugar na yun, na parang hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaalis doon. Tandang tanda ko pa rin ang brutal na sinapit namin doon: mga bangkay na nagkalat sa hallway, matinding iyakan habang chinachopchop ang katawan ni Karl sa harap namin, ang pagkain namin sa patay na katawan ni Lads, ang pagpatay ko kay Chinee, ang pagslice ni Cabeya ng daliri ni Ceds, si Lean na tuloy tuloy ang pagbuhos ng dugo mula sa kanyang leeg, ang pagsaksak ni Cabeya sa leeg ni Irish.



Maraming hindi naniwala sa mga pinahayag namin sa press na walang kasalanan si Mercy. Na multo ang may gawa ng lahat. Kaso nga lang lahat ng evidences kasi ay si Mercy ang tinuturo. Nag match ang DNA nya sa mga deadly weapons at katawan ng mga namatay gaya nila Irish. Iniisip pa ng iba na kasabwat kami sa pagpatay dahil pinagtatanggol namin si Mercy. Yung iba naman tingin samin drug addicts. Hindi na nga kami nagbubukas ng social media accounts sa dami ng nangbabash, sa dami ng hateful comments. Sumailalim pa kami sa drug tests para mapatunayan na hindi kami mga adik.

Dinala si Mercy sa DSWD dahil underage pa sya at hindi pa pwedeng ikulong. Ang huli kong balita ay nilipat sya sa isang mental institution sa Mandaluyong dahil nawala ito sa sarili o sa tamang pag iisip matapos makatanggap ng samot saring reklamo, masasakit na salita, pagbabanta mula sa mga taong naapektuhan sa pagkamatay ng mga nakasama namin sa Hill Academy. Napakahirap din ng sitwasyon nya. Pinagbabayaran nya ang kahindik hindik na kasalanang hindi nya naman ginawa.




"Sa tabi lang po." salita ko ng marahan ng makita ko na yung gate ng bahay nila Ceds. Binigay ko na yung bayad sa taxi driver at bumaba. Nakakalabas na ako kahit papaano ngayon sa tulong ng therapist ko.



Umalis na ang taxi at naiwan ako sa tapat ng bahay nila Ceds. May kalakihan rin ang bahay nila. Contemporary ang designs at makikita mo agad dito sa labas ang malawak na swimming pool nila. Naalala ko pa bago kami umalis noon papunta sa Hill Academy, nagpapool party si Ceds. Kompleto pa kami, masayang nagtatawanan, normal pa ang lahat. Naalala ko pa nga nung umihi nun si Lads sa pool lahat kami nagsiligo agad. Nakakatawa pero nakakalungkot na isipin na hindi na ulit mangyayari yun.




Nag doorbell ako at maya maya lang ay lumabas si Ceds. "Regine, pasok ka. Ayan kompleto na tayo." sabi nya habang binubuksan ang malaking kulay navy blue na gate. Ngumiti ako. Malaki ang pinayat ni Ceds, naka oversized white tshirt sya at mapapansin mo agad ang pag mature ng itsura nya. Nabalitaan ko noon nagka infection ang kamay nya dahil hindi agad nagamot ang pagkaputol ng daliri nya. "Sorry na late ako. Hinintay ko pa kasing umalis yung mga tao sa bahay." paumanhin ko. "Wala yun. Kararating lang rin naman nila, mga 5 minutes ago." ngumiti ako at pumasok na. I'm happy kasi makakasama ko ulit sila. Mahirap din ang pinagdaanan nila. Lahat kami na traumatized sa nangyari.



Haunted AcademyWhere stories live. Discover now