Chapter Twenty Three: Too Late

1.1K 50 3
                                    

(Regine POV)

Ilang linggo na rin ang lumipas pero ngayon lang namin nabuo ang pinaplano namin. Pano naman kase si Marilyn ayaw kaming lubayan.

"Finally, problem was solved!" masayang sabi ni Trishia.

"Mamaya na ang operation na gagawin natin kaya magpahinga na muna tayo at mag ipon tayo ng lakas." paalala ni Ceds.

"Makakasama na natin ulit si Lean kaya galingan natin!" - Sam

"Mawawala na ang multong sumanib kay Lean. Konting push nalang." - Me

Nagsi appear naman sila. Kala mo naman tagumpay na kami agad.

Nagsialisan na rin kami sa basement. Oo. Dito ang hideout namin. Nagmakaawa pa kami sa janitor para ipahiram ang susi nito ng walang may nakakaalam.

So ayun na nga. Nagsibalik na kami sa mga kwarto namin at nagsitulog. Sana maging successful ang gagawin namin mamaya.

**

"Guys! Andyan na ang mga pulis!" ginising kami ni si Lads. Oo nga pala. Natawagan na namin ang mga pulis para hukayin ang mga bangkay nila Marilyn at iba pa sa likod ng building.

Malakas ang kutob namin na yun ang dahilan kaya hindi matahimik ang kaluluwa nila.

"Letse naman Lads. Makayugyog ka naman e. Pati utak ko nadadamay." - Irish

"Magsibangon na kayo dyan. Bilis bilis!"

Bumangon na kami at nag ayos saka bumaba.

Ang daming estudyante na nagkukumpulan.

"Ang dami palang bangkay na nakalibing dyan." - student 1

"Gosh! Grabeh naman yung naglibing. Sa sako lang nilagay ang mga bangkay." - student 2

Ngayon ko lang napansin na may mga nahukay na.

Nahagip ng tingin ko si Marilyn na nasa may gilid lang. Tahimik lang syang nanunuod sa paghukay ng mga bangkay. Napansin ko rin ang pagpahid nya sa luhang tumulo mula sa mga mata nya saka sya tumalikod at umalis.

"Guys, saglit lang hah." paalam ko sa mga kasama ko.

"San ka pupunta Regine?" tanong ni Sam.

"C.r lang." tumango naman sila kaya umalis na rin ako.

Sinundan ko si Marilyn. Ng makita ko sya sa may garden ay hindi muna ako nagpakita. Napansin kong may kausap sya pero wala naman akong may nakikitang kasama nya.

Lalapit pa sana ako para makinig sa sinasabi nya kaso hinila ako ni Irish.

Ng makalayo na kami, saka ako pinagalitan. "Sinasabi ko na nga ba na hindi sa c.r punta mo. Wag ka na ngang lumayo samin. Baka makahalata pa yung multo sa pag iispiya mo ee. Tsaka magsisimula na ang ritual na gagawin natin. Tara na!"

Wala na rin akong nagawa kaya sumunod na.

(Marilyn POV)

Kasama ko si Joanna ngayon. Ewan ko ba. Pumunta ako banda dito para mag emote tapos makikita ko nalang sya dito.

"Kamusta ka na?" napatingin naman ako sa kanya. Kala mo naman di nya alam nangyayari sakin.

"Okay lang." matipid kong sagot.

"Sa wakas nahukay na ang mga bangkay natin. Magkakaroon na tayo ng matiwasay na libing." napayuko ako sa sinabi nya.

Yun kasi ang dahilan kung bakit kami naandito parin.

"Marilyn, hindi ka parin ba talaga matatahimik?" hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pero siguro tama na rin 'tong panggugulo ko sa buhay ng mga bata.

"Napapagod na ako Joanna. Gusto ko ng mamahinga." naiyak na lamang ako ng niyakap nya ako.

"Tahan na Marilyn. Naiintindihan naman kita e. Ayoko rin na nakikita kang nasasaktan." bumitiw sya sa pagkakayakap at tiningnan ako.

"Iwan mo na ang katawan na iyan at pwede na tayong lumisan sa lugar na ito."

"Tama ka Joanna. Sapat na sakin na nahukay na mga bangkay natin. Pero pwede mamaya nalang ako aalis sa katawan ni Lean? Gusto ko lang sana magpaalam kay Paul. Huli na 'to. Promise!"

"O sige. Bilisan mo hah. Naghahanda na rin mga kasama nating multo sa pag alis."

Nginitian ko sya at umalis na ako.

Buong maghapon kong hinanap si Paul pero nasaan ba sya at hindi ko sya makita.

Nagtungo na muna ako sa rooftop at umupo sa tabi. Sana makapagpaalam muna ako kay Paul bago lang man ako tuluyang mawala.

"Gusto ko na silang patayin lahat. Naiinip na ako!"

"Konting panahon na lang ang hihintayin natin kaya pwede ba. Habaan mo pa yang pasensya mo."

"Bilis bilisan mo rin kasi ang paggawa ng plano."

Sumilip ako sa pader at nanlaki ang mga mata ko sa dalwang taong nakita ko.

"All this time, akala nilang multo ang pumapatay. Well, multo naman talaga. Yun nga lang, mga multo na nasa katawan ng mga tao. Hahahaha."

"Sshh. Wag ka ngang maingay. Baka may makarinig pa sa'tin. Mabuti pa bumaba na tayo at maki join sa mga tanga dun."

"Let's go."

Ng makaalis na sila tsaka ako napatayo. Hindi ko akalaing sila ang pumapatay sa mga estudyante dito.

Kailangan may gawin ako. Kailangan malaman ito ng mga kaibigan ni Lean!!

Bago pa ako tuluyang makalabas ng pintuan ay wala na ang kaluluwa ko sa katawan ni Lean.

Hindi maari. Hindi 'to pwede. Unti unti naring nawawala ang kaluluwa ko.

"A-anong nangyayari?"

"Marilyn! Malaya na tayo!" Napatingin ako kay Joanna. Tuwang tuwa sya habang pinagmamasdan ang kaluluwa nyang unti unting lumalaho.

"Hindi pa tayo pwedeng umalis Joanna! Nanganganib ang buhay nilang lahat!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kilala ko na kung sino ang tunay na pumapatay nito. Kailangan nila yung malaman!"

Sinubukan kong saniban ng paulit ulit ang walang malay na si Lean pero hindi ako makapasok.

"Paumanhin Marilyn. Pero huli na. Hindi na tayo maaari pang magtagal dito. Dahil isinasagawa na ng magkakaibigan ang ritual para sa pag-alis natin."

Napahandusay ako sa sahig at saka naiyak nalang.

"Wala lang man akong nagawa para mailigtas sila."

Yun na lamang ang huling salitang nasabi ko at tuluyan na nga kaming naglaho.

(a/n: sorry again sa matagal na pag update. Lol. Nasa bakasyon sa province pa kasi ako nung gumagawa ako ng panibagong chapters at hindi ko ma published dun kasi mahina ang signal. Hahaha. Thank you. Ayun lang. Happy new year guys! ^^)

Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon