Chapter Nineteen: The Exorcist

1.5K 61 11
                                    

(Irish POV)


"Paupo ako. Di ko makita sa likuran." paalam ni Rendell.


Bwiset! Ang sikip na nga dito, makikisingit pa. Leche!


"Geh pare upo ka lang." - Ceds


Makapaupo e kala mo may space pa. Bwiset 'tong si Rendell. Siniksik pa talaga sarili nya. Nakakainit ng ulo!


Ang haba pa ng pinapasulat ni teacher. Sya kaya pasulatin ko ng ganyang kahaba. Psh. Iniwan nya kami dito para lang magsulat! Napakatamad magturo!!


"Dalwang linggo din na wala si sister Elsie. At dalwang linggo rin na walang may nangyayaring kababalaghan dito." panimula ni Sam habang nagsusulat kami sa Filipino.


Akala lang nila yun. Bwiset naman kasi. Ba't ako lang nakakakita ng nga kababalaghan?


"Oo nga e. Malakas kutob ko na sya ang killer." pag-sang ayon ni Lads na panikretong kumakain ng burger. Kakakain lang namin kanina, kumakain nanaman sya. -___-#


"Nakoo. Wag na syang babalik dito." singit ni Ceds na naka tunganga lang.


Sa tingin ko hindi si sister Elsie yung nasa likod ng krimen. Nakita ko palang yung babaeng naka mask at may hawak na kustilyo kahapon. Imposibleng si sister yun.


Tahimik lang si Regine habang nagsusulat. Si Lean naman panay ang titig kay Paul.


Halos buong araw ko pinagmamasdan ang kilos ni Lean. Ibang iba sya sa dati na parang ibang tao ang kasama namin.


Bigla namang nagsalita si Rendell. "Hindi si sister Elsie ang may gawa nun. Nakakasiguro ako." natigil ako sa pagsusulat at tiningnan sya.


"Anong alam mo?" walang ganang tanong ko.


"Akala ko dati si sister may kasalanan pero nagtuturo sya samin ng may nangyaring krimen sa kabilang building kaya siguradong hindi sya." tama si Rendell. Paano magagawa ni sister na pumatay ng mga estudyante samantalang nai'commit na nya sa Diyos ng kanyang buhay.


"Pero huling nakita si Balby na pumasok sa office ni sister Elsie. Malupit din sya magparusa. Hindi natin alam na baka may sira sya sa ulo." singit ni Paul. Parang sigurado ang isang 'to na si sister Elsie ang killer.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now