Chapter Thirty Nine: A Painful Farewell

742 34 2
                                    

(Sam's POV)




Minulat ko ang mga mata ko. Mula sa pagkakasandal ko sa pader ay inayos ko ang pag upo ko. Lumiliwanag na ang paligid —  umaga nanaman. Iginala ko ang paningin ko, natutulog pa ang mga kasama ko. 




Lumamig ang dugo ko ng makita ko ang naninigas na bangkay ni Karl. Wala na itong ulo at kitang kita ko ang laman sa leeg nito. Biglang bumukas ang malaking pinto ng kwartong ito at naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko na parang nilulunod ako sa takot. Magsisimula nanaman ang kalbaryo namin. Pumasok si Cabeya na suot ang nakakakilabot nyang ngiti. 




"Hoy!! Magsigising kayo!" lumapit si Cabeya sa mga kasama ko at pinagtatadyak ang mga ulo nito, kaya naman nagising sila.




"C-cabeya. Nakikiusap ako. Wag mo na silang idamay. Itigil mo na ito." walang tigil na paki usap ni sister Elsie.  Namamaga na ang mga sugat nya sa mukha at sa ilang parte ng katawan nya.




"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong balak tumigil hangga't hindi ko kayo napapatay lahat? Pasalamat pa nga kayo dahil pinapatagal ko pa mga buhay nyo." nanggigiit na bigkas ni Cabeya. Demonyo sya. Wala syang puso!!



"Chinee!" tawag nya sa isa pang demonyo na si Chinee. "Kunin mo nga yan." sabay turo sakin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Anong gagawin nial sakin? 




"Teka! A-anong gagawin nyo sakin?" nanginginig ang boses ko sa takot. Papatayin rin ba nila ako? Lumapit si Chinee at pilit akong tinatayo. 




"Cabeya, wag mo syang papatayin!" sigaw ng mga kaibigan ko. Hindi ko na namamalayan ang pagtulo ng luha ko. Ayoko pang mamatay! 




"Bitiwan mo ko Chinee!! Parang awa mo na!!" pagmamakaawa ko. "Sumunod ka nalang, pwede ba?!" sigaw nya sakin pabalik. 




"Samantha, right?" tanong ni Cabeya sakin. Lumapit sya at hinawakan ang chin ko. Tumama ang tingin namin, hindi ako makatagal. Nakakakilabot ang tingin nya parang hinihigop nito ang kaluluwa ko. 




Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at nagpatuloy sya pagsasalita. "Hmmm. Ang payat payat mo, hindi ka pwede." tumalikod sya. "Chinee, iwan mo na yan dyan. Dalhin mo sa kusina ang isang.." huminto sya sandali at tumingin-tingin sa mga kaibigan ko. "Yun. Yung isang yun!" napatingin ako sa direksyon na tinuturo nya, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang tinuturo nya, si Lads. Dire-diretsong lumabas si Cabeya ng kwarto.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now