Chapter Thirty Five: Subterfuge

741 36 2
                                    

(Lean's POV)



Nagsimula na kami sa pagbabaybay sa tunnel na sinasabi ni sister Elsie. Iilang flashlights lang ang dala namin. Maraming sapot at mga maliliit na gagamba sa mga sulok ng poste at may kalumaan na talaga ang mga gusali dito. Parang yung mga tunnel lang sa mga pelikula ang itsura ng tunnel dito sa Hill Academy na sobrang luma na. Nanginginig ako habang naglalakad dala ng sobrang takot. Ang dumi dumi na rin ng mga uniforms na suot namin. Ang lagkit lagkit na. 

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Paul sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya Seryoso lang ang mukha nya na nakatingin sa dinadaanan namin habang hinahawakan nya ang kamay ko. Ang gwapo nya talaga. Kahit ang messy na ng buhok nya ang gwapo nya pa rin tingnan. Naka open pa ang polo nya revealing his white t'shirt na basa na rin ng pawis kaya humurma ang built ng katawan nya. Gosh. He's so hot!! Napatingin sya sakin at agad kong iniwas ang tingin ko. 



Teka, bakit niya ba ako hinahawakan? Hmmm. Pero mas mabuti ng ganito. Nabawasan ang panginginig ko. I suddenly feel safe knowing I'm with him.



"Bilisan pa natin ang paglalakad." salita ni Cedrics.



Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na mapansin ang mga pagbabago na nangyari sa amin ng mga kaibigan ko. Sa isang iglap ay naging matured kami hindi gaya noon. Kung dati puro biro at mga sarili lang namin ang iniintindi namin, ngayon hindi na. At some point, marunong na rin kaming mag seryoso sa ibang bagay. 



"Nakakapagod na. Takte." reklamo ni Irish. Pawisan na kaming lahat. Kanina pa kami naglalakad.



"Malapit na tayo. Konting tiis nalang." salita ni Ceds.



Inakyat namin ang napakataas na hagdan at lumabas kami sa wall na nakapalibot—sa gilid ng gate. Tanging liwanag mula sa buwan ang source of light namin maliban sa mga flashlights na dala namin. Nakakatakot na pagmasdan ang paaralan dahil sa kalumaan nito at napakadilim ng paligid. Mistulang abandonadong school kung titignan ito ngayon.



"Guys, look. The gate is open." wika ni Regine. Napatingin kaming lahat sa gate. Bukas nga ito.



"Bukas naman pala ang gate. Dun pa tayo sa tunnel dumaan. Tss." salita naman ni Irish na nakapa mewang.



Ang haba kasi talaga ng nilakad namin tapos bukas lang rin naman pala ang gate. Teka, bakit nga ba nakabukas yun? Baka naman may dumating na tulong?



"Umalis na tayo dito." madiin na sabi ni Ceds.



"Teka Ceds, baka may ibang tao na dumating. Baka tutulungan nila tayo." pigil ko sa kanila.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now