Chapter Twenty Five: Christmas

1.2K 53 5
                                    

(Lean POV)

Katatapos lang ng holy mass ngayong Christmas at nagkakatipon lahat sa auditorium.

Nakaupo lang lahat ng estudyante at kanya kanyang daldalan.

"Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung nag Christmas last year." sabi ni Regine.

"Ang pinagkaiba nga lang, malayo tayo ngayon sa mga pamilya natin." dagdag naman ni Ceds.

"Bakit kasi hindi lang man tayo binigyan ng Christmas vacation. Tss." reklamo naman ni Irish.

"Guys, look around." sinunod naman namin ang sinabi ni Trishia kaya napa look around rin kami.

Napansin namin na naging kaunti nalang ang mga students.

"Parang kailan lang, ang dami dami pa natin." salita ni Sam.

Nakakapagtaka nga. Last na general assembly medyo madami dami pa.

May nagsalita na sa mic kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat. Si sister Elsie ang magsasalita. Malamang sya yung principal dito.

"First and for most. MERRY CHRISTMAS TO ALL OF YOU." nagpalakpakan naman kaming lahat at nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Before kayo mag enroll sa school na ito ay alam nyo naman na hindi kayo pwedeng umuwi sa mga bahay nyo sa lahat ng special occasions."

Napalitan ang saya namin ng lungkot.

"Pero wag kayong mag-alala. Dahil sa araw na ito, bibigyan ko kayo ng freedom na gawin ang mga gusto nyo pero dito lamang sa loob ng campus at walang mag-aaway. May unlimited foods sa canteen kaya anytime na nagugutom kayo or gusto nyong kumain ay pwede kayong kumain doon."

Nagsipalakpakan ulit kami lalo na si Lads. Unlimited foods ba naman! Sana may pasta! Lord please! Kaytagal ko ng di nakakakain nun!

"But, until midnight lang kayo pwedeng magsaya. On 12, lights off na. Are we all clear?"

Waahh. Si sister Elsie ba talaga 'to? Sinapian din ba sya ng mabait na multo kaya nya nasabi yan lahat? Ikaw na talaga sister!

"Yes sister Elsie." sagot naming lahat.

"Dismiss." pagtapos nun sabihin ni sister ay nagkagulo na ang mga estudyante at nagsilabasan.

"Wooahh! Grabeh. Freedom! Ngayon lang kita ulit mararanasan!" ang OA ni Ceds.

"Freedom ba yun?! Yung freedom na sinasabi nya e dapat pwede tayong lumabas sa letseng paaralan na ito!" hay nako. Si Irish talaga walang araw na pinipili. Likas na pagiging masungit nya. -_-'

"Dun nalang tayo buong araw sa canteen. ^^" si Lads talaga. Pero agree naman ako dun.

"Tara kumain na muna tayo!" yaya ko sa kanila. Wala naman ng nagreklamo kasi nagugutom na kaming lahat kaya nagsi marcha na kami papuntang canteen.

May nadadaanan kaming nagkakantahan, nagkukulitan.

May tahimik lang sa tabi. Nagpapaka emo.

Di pa rin nawawala ang nag aawayan. Paskong pasko nagpapaka bitter.

Ang daming naiisip na gawin ng mga ka schoolmates namin. Samantalang kami, matik ng tsibugan gagawin namin.

**

Nasa canteen naman na kami ngayon at grabe! Parang fiesta sa dami ng pagkain!! May Carbonara guys!! Mapaparami kain ko nito!

"HEAVEN!" salita ni Lads na kumikinang pa ang mga mata.

"Ano pa hinihintay natin? Kainan na!" - Ceds

At saka kami nagsitakbuhan para kumuha ng eating utensils.

Habang kumakain kami, natatawa nalang ako habang nakikita ang mga plato namin. Parang ilang taon kaming di nakakain.

"Hoy kayo. Siguraduhin nyong muubos nyo yan. Walang magtatapon." paalala ni Irish. Ang dami rin nga ng kinuha nya.

"Oh My G talaga! My diet is masisira this day!" - Trishia

"Ay uso ba diet sayo? Hindi halata." salita naman ni Ceds.

"I'm not asking for your opinion. Kaya quiet ka nalang dyan."

"Pano kung ayaw ko?"

"Ceds! Could you please just stop ruining my day this time?"

"Of course, No. This day is perfect to bust your day." sabay smirk ni Ceds.

"Woah! Ang galing mo mag english Ceds!!" sabay appear ni Lads at Ceds. Mga mungga talaga.

"Wag nyo ngang pinagtutulungan si Trishia. Ibigay nyo na ang araw na 'to sa kanya. Pasko naman e." pagtatanggol ni Regine.

"Thank you Rege. ^^" - Trishia

"You're welcome. ^^" - Regine

"Oo na. Bukas nalang namin sya bibwisitin." salita ni Ceds kaya sinamaan sya ng tingin ni Trishia. Yung kapag nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa nakahandusay sa sahig si Ceds.

"Awat na. Mag pray na tayo ng makakakain na." nag agree naman kami kay Regine. Nagsimula na rin syang magdasal.

Ang saya naman neto. Ganitong ganito kami sa dati naminh school.

Matapos mag pray ni Rege ay nagsikain na kami.

"Wag kayong mag expect na may regalo ako sa inyo hah. Alam nyo naman na wala namang mabilhan dito sa loob." - Sam

"Lahat naman tayo walang regalo kaya okay lang yan." salita ko naman. Medyo napapanis na rin kasi laway ko.

"Sus. Utang yun kala nyo. Pagkalabas natin dito diretso tayong mall at mag exchange gifts tayo dun. Hindi pwedeng wala." ang daldal ni Ceds. Pero magandang idea yun. ^^

So ayun. Pagkatapos kumain namasyal sa loob lang din ng campus tapos kumain ulit tapos nagbigayan nalang kami ng letter.

Nakakaiyak yung letter ni Regine. Actually naiyak talaga ako.

Dear Lean,

Where do I even begin? I suppose saying "I'm sorry" is a start.
I'm sorry Lean. I did something stupid and I wasn't the friend that you expected me to be. Even if I explain my actions, it still doesn't justify that I did some hurtful things.
Our friendship is more important than anything else that's why I threw all my feelings for Paul away. I treasure our friendship and all the things we've done and been through. I hope you two will end up with each other.
I'm happy to see you happy. Merry Christmas! Wish you all the best this coming new year. Love yah!"

Love,
Regine Scott

Pagkatapos kong mabasa yun ay lumapit ako agad sa kanya at niyakap sya.

"I'm sorry Regine!"

"Ano ka ba. Wala ka namang kasalanan ee."

Bumitiw ako sa pagkakayakap at pinalo sya ng mahina sa balikat.

"Wag ka nga. May kasalanan din naman ako."

"Whatever it is, kalimutan na natin yun. ^^"

Tumango naman ako at biglang dumating sa eksena yung mga kaibigan namin.

"Dahil dyan, kumain na ulit tayo!" yaya ni Lads.

"Kaya ka tumataba e." sabi ko sa kanya kaya ayun nahawaan ng pagka sadista ni Irish. Batukan ba naman ako.

At yun. Tuloy pa ang kulitan hanggang sa midnight na.

May maganda rin pala na nangyari samin dito sa Hill Academy. Yun ay mas lalong naging matatag ang pagkakaibigan namin.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now