Chapter Forty-Six: She's Gone

865 36 7
                                    

(Irish's POV)






SIGE CABEYA. HABULIN MO KO! HUH! ATHLETE ATA TO!!





Kanina pa ako takbo ng takbo. Kung saan saan na ako nababangga dahil di ko na pinapansin dinadaanan ko sa sobrang pagmamadali. Mabuti na lang malaki at malawak ang library. Pero inaamin kong, nauubusan na ako ng oxygen sa katawan. Naghalo halo na ang matinding pagod at gutom. Umakyat ako sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng library.





Sinubukan ko pang tumakbo pero mukhang kailangan ko na atang magpahinga saglit at huminga ng malalim, mag ipon kahit konti na lakas.





Huminto muna ako sa pagtakbo. Napahawak ako sa dalawang tuhod ko sabay hingang malalim. Rinig na rinig ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Basang basa na ako ng pawis. Kinakapos na ako ng hininga.


Lumingon ako upang tingnan kung malapit na si Cabeya, pero hindi ko sya nakikita.





Tumayo ako ng maayos pero hinihingal pa rin ako at pumunta sa may fences para silipin sa baba kung asan si Cabeya.





Nakita ko syang nakatayo lang sa baba. Napansin kong may usok na lumalabas mula sa mga kamay nya. Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa noo ko at napangiti. Ibig sabihin lang nito ay nagsisimula na sila Rendell sa pagsasagawa ng ritwal.





Napawi ang ngiti ko ng makita kong naglalakad si Cabeya palabas ng library. Saan naman sya pupunta? Kailangan ko syang pigilan!!





"Cabeya!! Ano suko ka na? Habulin mo ko!! Wala ka pala e!!!" ang lakas ng pagkakasigaw ko pero parang wala syang may naririnig. Lagot na!





Inikot ko ang tingin ko sa paligid ko.





Kinuha ko ang maliit pero makapal na libro sa mesa na nasa gilid ko at binato kay Cabeya. Nag babakasakaling makuha ko ang atensyon nya.

Shit. Hindi ko sya natamaan.

Hindi lang man umabot ang libro na binato ko kahit lang man sa pinakadulo ng buhok nya.





Tuluyan na nga syang nakalabas ng library. FUCK!! Masama na 'to.





Dali-dali akong bumaba ng hagdan para habulin sya. Ng makarating ako sa may pinto ay bigla itong sumara.





"SLLAAAMM!!*





Nagulat ako sa lakas ng impact ng pagsara ng malaking pinto! Sa lakas ay pati mga libro sa shelves ay nagkanda bagsak. Ginalaw galaw ko ang doorknob gamit ang dalawa kong kamay pero shit! Ayaw bumukas!! Lecheng pinto to!!





Kailangan kong makagawa ng paraan. Siguradong pupunta si Cabeya sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.





Mag isip ka Irish! Mag isip ka!





Napatingin ako sa mga upuan at binaling ang tingin ko sa pinto na may salamin na transparent. Sa mga sandaling iyon ay nagkaroon ako ng idea para makalabas dito.





Kumuha ako ng upuan. Binuhat ko ito at putangina!! Binaba ko muna. ANG BIGAT!! Pero di bale na. Kailangan kong basagin ang malaking glass ng pinto.





"AAAAHHH!!!" sigaw ko para mahugot lahat ng lakas ko. Binuhat ko ang lecheng upuan na ito at sabay bato ng malakas sa pinto!





*BAAANNGG!!*





Leche!! Automatic na napakunot ang noo ko. Nag crack lang ng konti yung salamin!! Ang titibay naman ng mga gamit dito!! Nakaka tangina talaga!! Psh! Okay! Isa pa!!





Haunted AcademyWhere stories live. Discover now