Chapter Thirty Three: Exasperation

1.3K 55 7
                                    

(Cedrics POV)



Pinapanuod namin ngayon sila Lean palabas ng kwarto hanggang sa nakalabas na sila.



"Pigilan natin sila Cedrics!" sabi ni Regine na niyuyugyog pa braso ko.



Naglakad naman sa harapan namin si Irish. "Hayaan nyo nga sila! Ang duduwag naman ng mga yun e!"



"Pero hindi pa rin tama na maghiwa'hiwalay tayo." pangangatwiran ni Regine.



Nagsalita naman si Paul. "People have different perceptions, Regine. Respetuhin nalang natin ang pasya nila."


Napaupo nalang sa upuan si Regine na hindi pa rin maipinta ang mukha.



"Ano ng plano natin ngayon? Tara na! Lusubin  na natin mga panget na killers na yun!!" G na G si Irish. Hindi ako makapag isip. Nag aalala ako kila Trishia.



"Hoy Cedrics!!! Wag mong sabihin na tutunganga nalang tayo dito!!" ang sakit pa sa tenga ng boses ni Irish. Laging galit. Nyeta.



"Hayaan na muna natin syang mag-isip." awat ni Rendell sa laging high blood na si Irish.



"Jusko naman kasi! Gusto ko ng makalabas dito!! Naiinis ako!! Uulit nanaman tayo ng isang taon sa pag-aaral!! Akala ko ga'graduate na tayo! Letse!!" ayun naman pala ikinagagalit nya. Sa bagay. Nakakagalit rin talaga. Parang napunta lang sa wala lahat ng paghihirap namin dito.



"HOYY!!!" sigaw ni Irish sa may right ear ko kaya napatayo ako sa gulat. "Makasigaw naman! Parang magkalayo tayo aa!"



"Sinisigawan mo ba ako??"



"Hindi. Nagpapaliwanag lang."



"Bwisit! Wala naman pala tayong plano! Lecheng buhay 'to!!"



"Pwede ba Irish huminahon ka nga." salita ni Regine.



"Kanina pa tayo andito!! Sa ginagawa natin, mauuna pang makakakilos  ang kalaban natin." - Irish



Pumagitna ako sa kanila. "May naisip na akong unang hakbang."

Haunted AcademyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu