Chapter Thirty Four: Action Point

924 31 0
                                    

(Cedrics POV)



Andito pa rin kami sa loob ng hidden room ni sister Elsie—nagsasayang ng oras. Walang may nagsasalita sa amin simula nung kumain kami ng hapunan. Kasi sa totoo lang, hindi na namin alam kung anong susunod namin na gagawin. Kahit ako naguguluhan at natatakot sa kung mo man ang mangyayari sa amin dito. Hindi ko inakala na mararanasan ko ang ganitong trahedya sa buhay ko.



Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Irish. Hindi naman na ako galit sa kanya pero ayoko na muna syang kausapin baka kasi mainit pa ang ulo nya. Tsaka sino ba kasi ang hindi maiinis pag yung kasama mo puro reklamo?



Lumapit si Lean sa'kin. Namumugto ang mata nya, kanina pa kasi sya umiiyak. "Ceds." tiningnan ko naman sya at hinintay ang sasabihin nya.



"I'm sorry for leaving you guys." umupo siya sa tabi ko.



"Wala yun. Naiintindihan ko naman."



"Tsaka yung nangyari kay Trishia. Sorry kung naging pabaya kami." tumulo ang luha nya at agad nya namang pinunasan yun.



Sinubukan ko na pakalmahin ang sarili ko at wag ipakita na nag-aalala ako ng sobra. Baka mas lalo lang ma down si Lean. Sa ngayon, kailangan kong mag pakatatag at tumayo bilang kuya ng mga kaibigan ko.



"Wag mo ng isipin ang tungkol dun. Mahahanap natin si Trishia at siguradong walang masamang mangyayari sa kanya. Makakaalis tayo dito ng buhay." I said nonchalantly.



Namalayan ko nalang na nasa tabi ko na si Irish at laking gulat ko ng inakbayan nya ako.



"Lean, pwede kami naman ang mag-uusap?" tumango naman si Lean kay Irish at tsaka umalis.



"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya ng nakatungo lang. Ang awkward kasi. Mas okay na yung di nya na ako kausapin habang buhay. Pero syempre ayoko naman talaga ng ganun.



"Ceds." tawag nya tapos tinanggal na nya yung kamay nya sa balikat ko. "Yes?" yun nalang nasabi ko. Feeling ko natatakot ako sa sasabihin ni Irish.



"I'm deeply sorry." hindi ko alam kung anong dapat na reaction ko sa sinabi nya. Tiningnan ko sya at nakatingin sya sakin.



"Sorry rin, Irish." I smiled at her to lightened up the mood. Binatukan nya naman ako. Aray!

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now