Chapter Three: Boys' Room

2.5K 91 5
                                    

(Cedrics' POV)



Natapos lang ang chapter two ng hindi lang man ako nagpapakilala.



I'm Cedrics. Pero Ceds lang ang madalas na tinatawag saken ng mga baliw kong kaibigan. One of the girls ako pero hindi ako bakla hah. Mas gusto ko lang na babae mga kasama ko. Parang mga kapatid ko na rin sila ee. Gusto ko silang protektahan.



Pero hindi ako ganun kabait. Hahaha. Bully din naman ako lalo na dun kay Trishia. Inis na inis ako sa kaartehan ng babaeng yun.



Kaya din ako lumipat dito dahil sa ayoko ng makita yung pagmumukha ng babaeng nang busted saken. Kaya ko mabuhay ng wala sya. Kala mo naman kawalan sya.



Nasa kwarto lang ako ng mag isa. Nakaupo ako sa higaan ko habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kwarto. Grabeh. Antique na mga gamit dito. Mukhang mas matanda pa mga gamit dito kesa sakin.



Bumukas ang pinto kaya napatingin ako. Pumasok ang lalaki. Sya yung nakasabay namin sa jeep. Humiga sya sa higaan nya.



"Nakakabagot dito." bulong nya sa sarili pero narinig ko. Hindi naman siguro ako bakla kapag nakipagkaibigan ako dito.



"Yo. Ako nga pala si Cedrics. Ikaw?" wala kasi akong kausap. Di ako sanay. Ang dadaldal kasi ng mga kasama ko lagi.



Tiningnan naman nya ako. At nagpakilala rin sya. "Paul." matipid nyang salita.



"Nice meeting you pare." inabot ko kamay ko pero tiningnan nya lang ako. Okay. Tama na pakikipag fc mo dyan Ceds. Nagmumukha ka ng bakla.



"Kaibigan mo ba yung babae kanina na naka white na t'shirt? Tapos may tatak na Exid sa harap?" nagulat ako ng nagtanong sya. Teka. White t'shirt na may Exid sa harap? Kaibigan ko?



Ayh oo. Kilala ko na. "Yas. Kaibigan ko nga yun. Lean pangalan nya."



"Hindi ko tinatanong pangalan nya." ang cold lang ng pagkakasabi nya. Ipagsama ko kaya sila ni Irish. Isang mainitin ang ulo at isa namang nagyeyelong ulo.



"Ba't mo ba tinatanong?" naintriga ako. Nakakabakla talaga tong ginagawa ko. Pero ba't nga ba sya interesado kay Lean?



"Kung makatitig kasi yang kaibigan mo parang balak akong tunawin." ano raw? Nagpipigil ako ng tawa. Si Lean? May gusto dito? Masyadong halata naman ang isang yun. Hahaha!

Haunted AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora