Chapter Six: Group Activity

2.1K 75 19
                                    

(Lads POV)

Isang linggo na ang lumipas at ganun parin ang ginagawa namin araw araw. At habang tumatagal, mas lalo silang humihigpit. >_<


"Bulag ka ba iha? May mantsa pa ang damit na 'to. Labhan mo ulit." tinapon ni sister Elsie ang damit saken.


"Yes sister." yun nalang nasabi ko at bumalik na sa pwesto ko.


Nadatnan ko sila doon na hirap na hirap na.


"My hands! Ang dami ko ng scars sa hands ko. So mahapdi. T^T" reklamo ni.. sino pa ba? Si Trishia.


"Araw araw ba naman tayong pinaglalaba, malamang magkakasugat sugat mga kamay natin." agree ako kay Irish. Kumukusot sya ng pants.


"Hinaan nyo lang mga boses nyo." salita ni Sam.


"Wala na rin naman si sister Elsie e. Lumabas na sya." salita ko naman.


Hindi namin kasama si Ceds gawa ng laging pinaghihiwalay ang mga boys sa girls. Si Lean naman, ayun buntot ng buntot sa crush nya.


"Guys, chill lang kayo. Kaya natin to. Okay?" hindi talaga pinanghihinaan ng loob si Regine.


Grabeh. Pumapayat na ako dito. ^3^


Dumating naman si Lean na hindi maipinta ang mukha.


"Anyare sayo?" tanong ni Irish kay Lean.


"Ang cold nya parin saken. Tsaka, kanina lang.. Ano.. Sinabi nya na hindi nya raw ako kahit kelan nagustuhan."


"Sabi na sayo ee. Hindi ka gusto nun." siniko naman ako Regine at sinamaan ng tingin.


Sabi ko nga ititikom ko bibig ko.


"Guys, pwede ba? Wag muna ngayon. Ang sakit kasi e." naiiyak na sabi ni Lean.


Niyakap sya ni Regine kaya mas lalo syang naiyak. Kami naman nila Sam, Trishia at Irish ay nakatingin lang. Malungkot din dahil sa nangyari.


"It's okay Lean. Iiyak mo lang yan." sabi ni Regine habang tinatap ang likod ni Lean.


Habang nag mo'monent sila, pinuntahan ko sa kabilang side si Ceds. Sya ang may kasalanan kung bakit umiiyak si Lean.


"Makahila naman Lads. Bakit ba?" tss. Gusto ko syang sapakin.


"Totoo ba talaga mga sinabi mo kay Lean noon?" tanong ko.


"Anong sinabi ko sa kanya?" hay nako. Kahit kelan talaga.

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now