Chapter Five: First Day

2K 75 13
                                    

(Lads POV)

"Guys. Ayaw magising ni Sam." salita ni Regine samin. Nakaayos na kaming lima para sa Holy Mass maliban kay Sam na natutulog parin.


"Iyugyog nyo!! Ilaglag sa sahig! Kung ayaw pa magising, buhusan nyo na ng isang baldeng tubig! Leche!!" nainip na si Irish.


Sinampal sampal ni Regine si Sam kaya yun nagising na.


"Teka. Ba't ba ng iistorbo kayo ng tulog? Ang dilim pa nga sa labas. Gabing gabi ee nang gigising kayo!" sabay higa ulit nya sa higaan.


"Hoy Sam! 5 am na ho!! May Holy Mass pa! Bwiset!" iritadong sabi ni Irish.


Napatayo agad si Sam at dumiretso na ng bathroom.


"Ang aga naman." salita ni Sam bago pumasok ng bathroom.


Nakakaantok pa. *hikab*


"I'm sleepy parin." nakaupo lang si Trishia sa kama nya.


Nakatunga-nga lang kami sa loob habang hinihintay si Sam. Ano kaya breakfast namin mamaya?


"Lads, mukhang masikip yang uniform mo sayo. Hahaha!!" salita ni Lean habang nakatingin sa malaking salamin.


"Di kaya. Sakto lang nuh. Sabunutan kita dyan ee." mang-asar ba? Tumawa naman ang bruha.


"First day natin ngayon kaya walang gagawa ng kalokohan hah. Di natin alam kung gaano ka strict mga nuns dito." salita ni Regine habang inaayos ang palda nya.


Ang cute ng uniform namin. Isipin nyo nalang yung uniform sa Korean series na Dream High. Ganun uniform namin. Malamig kasi dito gawa ng nasa top hill ang school.


Bumukas ang pinto at tuloy tuloy na pumasok si Cedrics dito.


"Kwarto mo Ceds? Di ka ba marunong kumatok?" salita ni Irish.


"Di na uso yun. Oh tara na? Pa V.I.P pa kayo dyan." sagot ni Cedrics habang nakapamulsa.


"Ayos porma Ceds aa. Mukha kang ewan. Hahahaha!" mapang asar talaga tong si Lean kahit kelan.

 

"Siraan kaya kita kay Paul?" nanalamin si Cedrics at inayos ang buhok nya.


"Bagay nga sayo Ceds. Gwapo mo." salita ni Lean.


"Alam ko na yan." salita naman ni Ceds.


"So yabang." narinig namin na sinabi ni Trishia kaya napatingin kami sa kanya.


"What?" inosenteng tanong nito.


"May sinasabi k ba kanina?" tanong ni Cedrics na nakaharap kay Trishia.

Haunted AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora