Chapter Forty-Three: Madness

967 41 27
                                    

(Lean's POV)





"Bilisan na natin!!" sigaw ni Paul habang nagmamadaling kinakalagan si Rendell. 





Mabuti nalang at nagawang labanan ni Regine si Chinee. Kahit ako rin kasi nawalan na ng pag-asa na makakatakas pa kami, pero hindi na ngayon.





Busy sila sa pag untie sa mga kasama namin. Kailangan na naming makaalis dito bago pa kami maabutan ni Cabeya.





"H-hindi ako sigurado kung napatay ko ba si Chinee. P-pero baka napatay ko nga sya." napatingin ako kay Regine na sobrang guilty sa nagawa nya kay Chinee. Nanginginig ang mga kamay nya habang kausap si Trishia. Hindi ko rin naman sya masisisi. Napakabuting tao ni Regine kaya sobrang grateful kaming lahat dahil naging kaibigan namin sya. Sa wakas, makakaalis na rin kami sa nakakasulasok na kwartong ito.





"It's alright Rege. You did well." niyakap ni Trishia si Regine. 





Sana tuluyan ng namatay si Chinee. Napakasama nyang tao!





Napatingin ako sa labas ng malaking bintana, nakita kong naglalakad si Cabeya sa ground. Nakasuot ito ng itim na coat. Madilim dahil sa gabi na pero alam kong sya yun. May hawak syang flashlight at kung ano anong mga plastiks.





"G-guys, andito na sya." I started to panic!





"Bilisan na natin!" sigaw ni Ceds habang tinatanggal ang tali ni Sam sa kamay.





Matapos makalagan ang lahat ay dali dali kaming tumakbo palabas ng kwarto. Inaalalayan nila Paul at Rendell si sister Elsie. 





Pagkalabas namin, ay konting ilaw lang ang nakabukas. Nakakakilabot ang ihip ng hangin at ambiance ng lugar.  Wala na rin kaming may nakikitang mga patay sa daanan. San kaya nila dinala mga yun?





Takbo lang kami ng takbo, kahit wala naman kaming direksyon na sinusundan. "Wait! Tigil muna!" sigaw ni Sam na hinihingal na.





Nahinto rin kami sa pagtakbo. 





"Saan tayo pupunta?" natataranta na tanong ni Sam. Nakahawak sya sa dalawang tuhod nya habang humihinga ng malalim.





"Sa hideout ni sister." suhestiyon ni Regine. Itinali nya ang mahaba nyang buhok at pinaypay ang sarili.





"Hindi tayo doon pwedeng pumunta. Alam na nila Cabeya ang lugar na iyon. Pati na rin ang tunnel na dinaanan nyo." paliwanag ni sister.





"What are we going to do?" tanong naman ni Trishia na naka pamewang at sobrang worried na.





"Kailangan natin silang labanan." madiin na sambit ni Cedrics. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. 





"We need to split up." salita pa nya. Nagulat kaming lahat. Ano raw? Nakita kong napailing iling si Sam.





"Maghihiwa-hiwalay nanaman tayo? Okay ka lang?" salita ni Irish na ngumingiti sarcastically.





"Okay na okay ako Irish." Irish just shooked her head na hindi makapaniwala sa plano ni Ceds. 





"Rendell." tawag ni Ceds kay Rendell na kasalukuyang naka alalay kay sister Elsie.  "Isama mo sila Sam, sister Elsie, Irish at Lean. Maghanap kayo ng pwedeng magamit sa ritwal para sa pag cast out kay Cabeya sa katawan ni Mercy at gawin nyo agad. Maghahanap kami nina Paul, Trishia at Regine ng magagamit panlaban sa kanila. Magkita kita tayo sa oratory." mabilis na pag kaka sabi nya.





Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon