(a/n: Hey guys. It's been a while na hindi ako nakapag update. Naging busy lang si author sa mga bagay bagay. ^^v So ito na, nakapag update na rin..)
(Regine POV)
"Irish, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
Nasa locker kami ngayon. Hinihintay yung mga kasama namin. Bumili pa ng tubig. Ang tagal naman nila. Uhaw na uhaw na ako. Katatapos lang kasi naming mag p.e.
"Oo. Bakit? Mukha ba akong hindi okay?" tumango naman ako. Tumayo sya at naglakad papunta sa locker nya. Tinitingnan ko lang ang mga kilos nya.
Ilang araw na rin kasi sya tahimik.
"Pwede mo naman i'share saken kung may bumabagabag sayo." good listener naman kasi ako kaya kahit ano pa yan, maiintindihan ko. ^_~
"Hayy. Hmm. Kasi.. May naki.." hindi na nya natapos ang sasabihin nya kasi nagsidatingan na mga kasama namin.
Ang iingay talaga nila.
"Oh ayan na tubig nyo." hinagis ni Sam samin ang bottled water. Di nalang kaya iabot ng maayos?
"Irish." tawag ko sa kanya. Tumingin naman sya saken habang umiinom ng tubig. "Ano nga yung sinasabi mo kanina?"
Tinapos nya muna ang pag inom nya bago nagsalita.
"Wala yun. Kalimutan mo nalang." hindi nya na rin kami inantay. Lumabas na sya ng locker room.
"Anong problema nun?" tanong ni Lean.
"Hindi nya sinabi ee." salita ko.
"Hay. Hayaan nyo na muna. Baka may red tide." - Ceds
Sumang ayon nalang kaming lahat sa sinabi ni Ceds. Nakakapanibago lang kasi ang pagiging tahimik ni Irish. Nakaka miss na mga panenermon nya. HAHA.
**
"WHAT??? LONG QUIZ?? O.O" sigaw ni Lads.
Kahit kami nagulat sa sinabi ni Karl. Isa sa ka roommate ni Ceds.
"Oo. Kahapon pa sinabi ni ma'am kay Mercy. Teka, hindi nya ba kayo sinabihan?" bwiset na Mercy yan. Sinadya nyang hindi sabihin para mabagsak kami.
"She didn't." sagot ni Trishia.
"Ayh. Akala ko alam nyo na. Cedrics. Sorry di ko na rin nasabi sayo kagabi." paumanhin ni Karl.
"Ayos lang pare." sagot naman ni Ceds. Ayan kasi. Laging natambay sa kwarto namin. Yan tuloy hindi din sya aware na may long quiz ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/78300176-288-k306185.jpg)
YOU ARE READING
Haunted Academy
HorrorHaunted Academy is a school for boys and girls who have been in an internship programmed. The school was established for decades and was ruled by the nuns. Rumors are spreading that a lot of ghosts are living inside. Until a group of new students n...