Chapter Thirty: Cabeya

1.3K 51 10
                                    

(Cabeya POV)


"Patay na ba silang lahat?" tanong ko kay Chinee. Nakaupo ako ngayon at nakaharap sa malaking bintana. Mula sa likod ko ay sumagot si Chinee.


"Hindi pa. Pero unti-unti na silang namamatay lahat." sagot nito.


Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinarap sya.


"Ano bang klaseng lason ang nilagay mo sa mga pagkain at ganun na lamang KATAGAL ang pagkamatay nila?!" gosh! Umiinit ang ulo ko dito!


"Wag ka ng mag-alala Cabeya, darating din tayo doon." - Chinee


"Whatever. Anyway, yung magkakaibigan, patay na ba?" tanong ko.


"Nakita ko sila sa hallway na tumutulong sa panggagamot sa mga naghihingalo. At sa tingin ko ay hindi sila kumain ng may lason na mga pagkain" nilapitan ko si Chinee at sinampal ito ng malakas! Napahawak ito sa pisngi nya.


"Hindi ba't inutos ko sayo na dapat sila ang unang una na mamamatay?!!"


"Oo nga. Pero ang alam ko din ay kumain na sila. Nakita at nakausap ko pa nga si Cedrics kanina." paliwanag nya.


Sa pangalawang beses ay sinampal ko ulit sya. "Wala akong pakialam sa mga eksplenasyon mo!! Ang tanong ko ay bakit hindi mo nagawa ang inutos ko sayo!!"


Humangin ng malakas na halos tangayin si Chinee palabas sa pintuan. Ang mga gamit dito sa loob ay nag liparan at nagulo. Ng makalma ako ay agad ring tumigil ang paglakas ng hangin.


"Patawarin nyo ho ako Cabeya." lumuhod ito sa harapan ko. Huh. Takot lang nya na baka patayin ko sya.


Bago ko tapusin ang buhay ng mga magkakaibigan — isisiwalat ko muna sa inyo, mga mambabasa ang aking buhay at kung bakit kasapi ko ngayon ang paslit na si Chinee.


Flashback...


"Cabeya! Huli ka nanaman sa klase!! Ba't hindi mo tularan 'tong si Elsie? Masipag na, matalino pa. Eh ikaw? Napaka iresponsable mo!" - sister


"Pasensya na po sister. I'm just slept over. Tsaka isang minuto lang naman ho akong nali'late." paliwanag ko.


"Ano? Anong I'm just slept over? Iresponsable ka na nga, bobo ka pa!" sigaw nito at pinukpok ng stick nya ang ulo ko.


"Sorry na sister."


"Halika dito!" hinawakan nya ang collar ng uniform ko at kinaladkad ako papunta sa bodega. Tinawag pa nya ang mga kaklase ko para sundan kami.


"Sister. Ano po ginagawa natin dito?" - takot na takot kong tanong sa kanya.


Hindi nya ako pinansin. Humarap sya sa mga kaklase ko at nagsalita. "Ito ang mangyayari sa inyo kapag hindi kayo sumusunod sa panuntunan ng paaralang ito!"


Pinadipa nya ako sa pader at tsaka kumuha ng kahoy at ipinalo sakin ng ilang ulit.


"Sister! Tama na po!" nagmamakaawa na ako pero hindi pa rin sya tumitigil. Sigaw ako ng sigaw sa sakit ng pagpalo nya. Humihingi rin ako ng tulong sa mga nanunuod sa amin pero walang may nakiusap kay sister.


"Sister.. hindi ko na po kaya." tuloy tuloy ang agos ng mga luha ko sa sobrang sakit ng paghahampas ng kahoy ni sister sakin. Nararamdaman ko rin ang kirot at hapdi ng mga sugat na natatamo ko. Halos napaupo ako sa sahig pero pwinersa ako ni sister na tumayo.


Haunted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon