Chapter Twenty Eight: A Traitor

1.1K 45 7
                                    

(Rendell POV)



"Magsiluhod kayo dyan!!" galit na galit si sister Elsie. Pati tuloy ako nadamay dito. Dapat talaga di na ako sumama sa inuman nila.



"Sorry na po sister." - Regine. Nakaluhod lang naman kaming lahat sa asin at may makakapal na libro sa magkabilaang kamay namin.



Naglalakad lakad si sister sa harap namin na nakapamalikat.



"Hindi pa ba kayo nadadala? Sa twing nakakagawa kayo ng kasalanan, alam nyo na may kapalit na parusa. Ang titigas ng mga ulo nyo!" - sister Elsie



"Ako nalang po parusahan nyo. Ako po nagsimula ng pag inom." - Lads



"Ang tapang mo din miss Campbell. Sabihin mo nga sakin kung paano mo nagawang makabili ng alak. Sinong tumulong sayo?!" - sister Elsie



Napayuko si Lads at pati din kami. Lagot na. Baka madamay pa si manong guard.



Naglakad lakad pa sa harapan namin si sister at huminto sa harapan ko.



"Mr. Lewis." tawag nito sakin. "Yes sister?" tanong ko naman ng hindi tumitingin sa kanya.



"Sino ang tumulong kay Ms. Campbell para makabili ng alak at madala ito sa loob ng dorm nyo ng hindi ko nalalaman?" paktay. Napatingin ako sa mga kasama ko. Yung mga tingin nila mas nakakatakot pa kesa kay sister.



"Wag mo silang tingnan Mr. Lewis!" nakakagulat naman si sister. Nakaka pressure.



"Hindi ko alam sister." salita ko ng mahina.



"Tumingin ka sa mga mata ko at saka mo sabihing hindi mo alam." seryoso ang tinig nya na parang may mas nakakatakot na mangyayari sakin kapag hindi ako nagsabi ng totoo.



Tiningnan ko si sister sa kanyang mata. "H-hind.. s-sist.." hindi ako makabuo ng salita sa nerbyos! Bakit ako pa kasi naisipan nyang tanungin?



Kapag sinabi ko na si manong guard, baka parusahan nya rin yun at magagalit sakin panigurado mga kasama ko. Pero kapag sinabi kong hindi ko alam, ako naman ang mananagot.



"Ano na Mr. Lewis. Naghihintay ako ng sagot mo." - sister Elsie

Haunted AcademyWhere stories live. Discover now