Chapter Fifteen: Suspicious

1.4K 69 6
                                    

(a/n: hello readers. Again, I'm sorry for the long wait and by the way, thank you so much for the 1K reads! ^^)



(Paul's POV)


Bago ang lahat. Ako si Paul Clark. Tahimik lang ako at hindi gaanong nakikipag kaibigan sa kahit sino. Pero ewan ko ba. Bigla nalang ako napalapit sa grupo ng magkakaibigan. Lalo na kay Regine.


Lagi ko syang nakakasama at nakakausap. Mabait sya at matalino.


Sa totoo lang ayoko sanang lumapit o makipag usap sa kanya kaso kailangan. Masama man na pakinggan pero ginagamit ko lang sya para pag selosin si Lean.


Nakakairita na kasi si Lean. Ayaw akong tantanan. Oo alam ko na gwapo ako pero ang hirap naman neto. Halos wala na akong privacy. Kingina.


Heto ako ngayon naglalakad papuntang bodega. Hindi ko alam kung bakit ako pinapapunta ni sister Elsie doon. Sinabi lang saken ng mga kaibigan nila Regine na pumunta raw ako. Masama talaga kutob ko dito.


Ilang minuto pa ako naghintay sa bodega hanggang sa nakatulog na ako.


**


"Sino yan?! Buksan nyo ang pinto!! Ano ba!! Palabasin nyo ako dito!!"


Napamulat ako ng mata. Madilim pero rinig na rinig ko ang pagsisisigaw ng babae. At umiyak na ito. Tumayo ako.


"Wag ka nga umiyak. Masakit sa tenga." sambit ko sa kanya.


Dahil sa madilim ay hindi namin nakikita ang isa't isa.


"S-sino ka?? Wag mo akong papatayin. Please!" pagmakaawa nya na parang naiiyak.


"Hindi ako mamatay tao. Sino ka?" tanong ko sa kanya.


"Lean pangalan ko." teka. Si Lean? So, set up pala 'to. Hays.


"Excuse me mister? Andyan ka pa ba?" tanong naman ni Lean.


"Inutusan mo ba mga kaibigan mo para ikulong tayong dalwa dito?" nakakainis.


"Paul?" nagtanong pa sya. Hindi pa rin ba malinaw sa kanya na ayaw ko sya.


"Ako nga." sabi ko.


"Hindi ko alam na sinet up nila tayo. Sorry kung naabala ka ng mga kaibigan ko." bwiset. Wala akong makita. Ang dilim.


"Lean, sinabi ko naman na sayo na hindi kita gusto." gusto pa ata ulit-ulitin ko.


"Alam ko naman na yun e. Kaya nga umiiwas na ako. Sana maging masaya na kayo ni Regine. Kahit masakit saken pero.." di ko na sya pinatapos.


Haunted AcademyWhere stories live. Discover now