Chapter 29

519K 8.9K 3.5K
                                    

Chapter 29

Andy Guzman

calling...

Ano na naman ba ang kailangan nito? Ang aga aga pa eh. =___=

"What?! You better have a good reason for waking me up this early." I snared. The hell. 9 am pa lang eh.

"Good morning, beautiful. 9 am na."

"I know, right? Bakit ka nga tumawag."

"Wala lang." Then i heard him chuckle.

"The hell, Andy. Are you possessed?" Kinikilabutan na ako kay Andy. Simula ng dumating sila Cyriel, sobrang sweet. Define sweet? Flowers every morning, chocolates every afternoon, teddy bears every evening. Mabuti na lang at napilit ko siya na itigil na yung pag hatid sundo sa akin. Kung makikita niyo lang yung bahay namin, pwede na akong magtayo ng flower shop at gift shop! Pasalamat siya at natutuwa si mama at papa sa kanya, not to mention na gusto siya ng maids dahil sila ang kumakain ng chocolates na binibigay sa akin. The hell talaga di ba?!

"Naah. In love lang." See what i mean?

"Whatevs. Bye na nga. Ginising mo lang ako."

And when i was about to end the call--- "Wait!"

"What?!"

"May gagawin ka ba ngayon?"

Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Ah, may assignment kami sa Math102. Fashion design tapos may higher math subjects kami. Kamusta naman yun? =___=

"May assignment ako eh."

"Ano'ng subject?"

"Math102"

"Ako na lang gagawa."

"Seriously, Andy? Gusto mo bang bumagsak ako?"

"Ang sama mo =___= Fine, papagawa ko na lang kay Dave. Sumama ka na sa akin?"

"Si Dave?"

"Yep. Na uno siya sa subject na yan eh."

"Tss. Bakit pinapasa mo kay Dave? Palibasa repeater ka sa subject na yun eh." Then i laughed. Unforgettable moment eh, si Andrei Guzman, bumagsak?! Eh halimaw kaya yan sa Engineering Sciences.

"Oo na. Wag mo ng ipaalala. Distracted kasi ako nun eh. So, sasama ka na sa akin?"

"San ba tayo pupunta?"

"Ewan." Tignan mo to, ang lakas mag aya tapos wala naman palang plano.

"Ewan ko sa'yo."

"Basta pupuntahan kita jan. Be ready before 11. Bye. I love you!" Call ended.

Wow. Hindi PA siya nanliligaw niyan, ha? Pano kaya pag nanliligaw na siya?!

Napilitan akong bumangon at maligo at magbihis. Sana naman worth it ang mangyayari ngayong araw. Supposedly, matutulog lang ako dapat, pero dahil sa napakademanding na hindi ko naman manliligaw na si Andy, nasira ang plano ko.

Quarter to 11 ng dumating si Andy. At kasalukuyan akong nasa dining table kumakain kasama si mama at papa.

"Nice timing, Andy. Alam na alam mo talaga pag kumakain na kami." Sarcastic kong sabi.

"Syempre. Approved naman ako kila Tito at Tita eh. Pati sinasabi sakin nila Manang Lucing pag kakain na kayo." Tapos kinindatan niya yung mga maids tapos lumapit siya at nagkiss kay mama pati kay papa. Siya ang tunay na definition ng taong feel at home.

"Oo naman, hijo. Ikaw lang naman ang makapagpapatino dito kay Dana eh." Yeah right. 

Tapos umupo na si Andy at kumain kasabay namin.

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon