Chapter 33

481K 8.9K 2K
                                    

Chapter 33

"Baby, gising na.. Nanjan na si Andy sa baba.."

Inalis ko yung comforter sa mukha ko tapos, "Sabihin mo mauna na siya kila Nof. Wala pa kong tulog eh.." Tapos nagtaklob ulit ako.

Narinig kong umalis na si mom kaya natulog na ulit ako. Sobrang puyat ko kasi after nung party ni Ynna, dumiretso kami sa bar ni Dave. Nagyaya kasi si Andy ng celebration dahil kami na daw tsaka si Dave naman gustong magcelebrate dahil babalik na si Cy sa grupo. Inaya ni Dave si Cy na sumama samin pero tumanggi daw kasi sasamahan niya si Ynna. Okay lang naman samin since valid yung reason, birthday ng girlfriend niya. Syempre mas priority yun. Tsaka okay naman yung pagkakasabi niya, 'Next time, Dave. Sasamahan ko pa si Ynna eh.' Yun yung exact words na sinabi niya according to Dave.

After couple of minutes, naramdaman kong may umupo sa kama ko. 

"Dana ko.. Gising ka na.." 

Hindi ko siya pinansin kasi inaantok pa talaga ako =___=

"Dana ko.."

Dana ko talaga yung tawag niya sakin simula kagabi. Inangkin na niya ako. Magkaka diabetes yata ako sa lalaking to eh. Hahaha!

Kanina pa niya ako tinatawag kaya nagsalita na ako, "2 hours. Let me sleep for 2 hours."

Narinig ko siyang nag sigh tapos, "Pasalamat ka--- Ayoko na ngang sabihin, lalaki na naman yung ulo mo eh."

Tignan mo to. Nababaliw na talaga =___=

"Dave? Yeah. Mamaya pa kami dadating. Oright. Sige. Enjoy na kayo jan." Kausap niya siguro si Dave. 

Biglang may naramdaman akong nakahiga sa tabi ko kaya napabangon ako ng wala sa oras!

"Andy!! Wag mo nga akong manyakin sa sarili kong kwarto!"

Nagkamot naman siya ng batok, "Aish! Bakit ba napakadumi ng utak mo? Matutulog lang din naman ako eh." Tapos tumayo siya at naglakad palabas.

Dana naman! Bakit ang sama sama mo kay Andy? Boyfriend mo na yun! You should at least learn to trust him!

Kahit antok na antok pa ako, hinabol ko siya, "Andy.."

"What?" Sagot niya habang nakatalikod.

"Sorry na.."

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan eh."

"Basta sorry na.. Tulog na tayo sa kwarto.."

"Dun na lang ako sa kotse matutulog. Gisingin mo na lang ako pag aalis na tayo." Tapos naglakad na siya palabas.

Aish! First day na first day namin, LQ na agad. Nakakainis naman.

Bumalik na ako sa kwarto pero hindi ako makatulog. Nakokonsensya kasi ako eh. Tinawagan ko na lang si Sara.

"Hello?"

"Sara.."

"Bakit ganyan na naman yung boses mo? May problema ka noh?" Tanong niya. 

"Eh kasi.." Hindi ko masabi, siguradong papagalitan na naman ako ng babaeng to eh.

"Eh kasi?"

"Nag away kami ni Andy.."

"What?!" Sigaw niya, "Naku, Dana! For sure ikaw ang may kasalanan!" Tignan mo to. Hindi pa alam, ako na agad ang pinagbibintangan.

"Fine! Ako nga! Eh kasi naman, tinabihan niya ako sa kama. Nagka nostalgia yata ako. Naalala ko yung nangyari dati.."

Natahimik naman siya. 

"Hindi mo naman ako masisisi di ba? Natatakot pa din kasi ako.."

"Hindi nga kita masisisi. Pero Dana, i think sapat na lahat ng pinakita ni Andy para pagkatiwalaan mo siya.. Gusto mo bang ipaalala ko lahat ng ginawa niya para sa'yo?"

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon