Chapter 62

380K 6.5K 2.3K
                                    

Chapter 62

Dana's Point of View

"Are you okay, honey?"

I turned and saw my father standing by the door frame, "dad.."

He slowly walked towards me and sat by the edge of my bed, "everything alright?"

I gave him a weak smile, "of course. Everything's alright, dad."

He moved closer to me and placed his arms around my shoulders, "Dana, alam ko naman na may tampo ka pa din sa akin dahil sa mga nangyari dati," he said, "pero sana naman kalimutan mo na yun.."

I looked at him in the eye and said, "it's all in the past, dad.. Nakalimutan ko na yun.."

He smiled at me, "but i still wonder when did you stop telling me things.."

"Dad naman.."

He smiled and patted my head, "dalaga na talaga ang baby ko.. Boy problems?"

I blushed. Boy problem nga ba?

"Ano ba yan? Baka naman kailangan mo ng fatherly advice?"

I rested my head on his shoulders, "dad.."

"Hmm?"

I took a deep breathe. Siguro eto na yung tamang oras para sabihin na break na kami ni Andy. It's been a month simula nung umalis siya.. It's been a month simula nung nagkaayos kami ni Cyriel.. It's been a month na..

"Dad?" i called out his name again, uncertain if i would tell that. He likes Andy! Bigtime. Natatakot lang ako na makakita ng disappointment sa mukha niya once na sabihin ko yun..

"What is it, Dana? Come on, sabihin mo na.."

I sighed, "wala na po kami ni Andy.." there, i said it.

I closed my eyes in anticipation for his reaction. Instead, i received yet another pat from him, "i know."

I opened my eyes, "how??"

He gave my shocked look a warm smile in return, "Andy told me."

Ano daw? Andy told him? But how? Why? Akala ko ba ayaw niyang makipagbreak sa akin? Pero bakit siya pa yung nagsabi??

"He told me before he left for the States. He's really a great guy, Dana. He loves you too much. Sabi niya sa akin na alam niyang mahihirapan kang sabihin sa akin yun kaya siya na lang ang magsasabi. He also told me that he's the one who caused the problem kaya kayo nagkaproblema. He told me not to blame you for ruining whatever you guys had."

I smiled, bitterly. Si Andy talaga..

"You know how much i like Andy for you, right?"

I nodded.

"And he will still be the best guy for you. But i am your dad above everything else and your happiness is still my first priority..  And if you're happy with whoever that is, i'll support you, hija," he said then he stood up, "just be happy and we will always be there for you."

I smiled as he went out of my room. Tama si Dad. Happiness.

**

Andy's Point of View

NO GLORIE FOR TODAY!!

Yes naman! Nakawala din ako sa pouty na 'yun! Tsk! Puntahan ko na nga si Berdy ko dun. Mamaya isipin nun inabandona ko siya. Hindi kaya ako nang iiwan, si Dana lang yun. Hehe. De, joke lang.

-Dandy Veterinary Clinic-

"Good morning, Sir," bati sa akin nung nurse.

"Good morning, nurse Em," bati ko sa kanya. Nabasa ko sa name plate eh. Hehe. Nagblush naman yung nurse. Gwapo mo talaga, Andy. Walang kupas. 

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon