Chapter 61

385K 6.7K 5.3K
                                    

Chapter 61

"Oh? Nandito din kayo?" i said as i sat on one of the couch.

Kim nodded, "yup, DK! Ewan ko kay Nof, she texted me awhile ago na pumunta dito sa bar ni Dave eh," she said as she sipped her martini.

Nandito din si Kim eh sa Area06. Ano 'to? Girl's night out? 

"Ano daw agenda?" i said as i ordered rhum on the rocks. Kim and Sara just shrugged. Ano bang pakana na naman ni Nof? Ano bang meron ngayon? Oh God!! Don't tell me iaannounce niya sa amin na sila na ni Josh? Like what the heck? Agad agad? Gaano na ba sila katagal magkakilala? Less than a month? Besides, who knows what that British guy is planning? Afterall, he's her cousin for all i care.

Finally, Nof arrived.

"What's up?" Sara asked. Buti talaga okay na si Sara at Nof. It was really way, way awkward nung hindi sila nag uusap! Bakit ba kasi sobrang cute ni Dave na dalawa sa kaibigan ko ang nag aaway para sa kanya? -_-

Nof just smiled, "i'll tell you later. Order muna tayo?"

"Kill joy ka talaga!!" Kim whined, "sabihin mo na!!"

We laughed. Kim talaga, isip bata. Buti hindi pa siya iniiwan ni Clarence eh mas maigsi pa sa posporo ang pasensya nun!

"Aish, excited? Later nga. Kainis," she said to Kim then bumaling siya sa amin, "ano sa inyo? My treat," then she beamed.

It's really getting the best of my curiosity. Ano ba yung sasabihin niya para ngumiti siya ng ganito?? News of the year??

"Kuripot!" Kim commented, "lilibre na lang, sa bar pa ni Dave. Hindi man lang sa fine dining."

Nof stucked out her tongue, "eh di wag ka. Daming alam."

"Che!"

We ordered the usual drinks. Margarita for Kim, Absinthe for me, Tonic for Nof, and Bloody Mary for Sara. 

After couple of time, dumating na yung order namin. Yeah, nasa second floor kasi kami ng bar ni Dave. VIP. Libre 'to. Nuxx. Syempre, kasama namin ang girlfriend niya eh! Ibuko ko pa kay Sara yung proposal niya eh. Hahaha!

"So, ano nga'ng meron?" Kim asked for God only knows how many times.

"Aish, hindi makapaghintay?" Nof said.

"Eh kasi eh!! Nabitin ako!!" Kim answered.

"Mamaya na yun. Save the best for last nga eh," tapos tumingin siya kay Sara, "ikaw. Kamusta? Buhay pa ba?"

We laughed. Ang haggard lang kasi ni Sara! Parang hindi pinatulog ng ilang araw! Pasalamat siya mahal talaga siya ni Dave kaya natitiis yung deranged look niya.

She let out a sigh, "kaya pa. Shet! Nauubos na yung dugo ko sa accountancy! Buti na lang OJT na next sem. God, gustung gusto ko nang grumaduate!!"

We all laughed kasi with matching pagyuko pa siya sa mesa. Hahaha! One of the best decisions na nagawa ko talaga ang pagsshift!

After naming pag usapan yung acads, nalipat naman kami kay Kim. She raised a brow, "bakit kayo nakatingin lahat sa akin???"

"How's married life, Kim?"

O//////o

"Blushing bride! Hahaha!"

Hindi nakapagsalita si Kim! Gagang babae yan! Wala talagang balak sabihin sa amin. -_- Buti talaga narinig ko silang nag uusap ni Nof! Akalain mo, sisters-in-law na pala sila ni Ynna! Great life, isn't it??

"Shut up, guys!! Kinikilig ako!! Hihihi," Kim said.

I smiled. Good thing she's happy. I want all of my friends to be happy. Kahit napaka kumplikado ng buhay ko, sana kahit sila na lang yung magkaroon ng simple na buhay. It's really a pain in the neck. All these complications!

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon