PROLOGUE

4.7K 117 4
                                    

Sa isang liblib na lugar ay isang babae ang tumatakbo sa isang masukal na gubat. Halos hindi nya alam ang gagawin nya at hindi nya alam kung paanong tatakasan ang humahabol sa kanya. Lingon sya ng lingon sa kanyang likuran dahil sa kung sinong humahabol sa kanya.

“AKIN KA!” sigaw ng isang malademonyong tinig.

Tumakbo ng tumakbo ang babae hanggang sa nadapa ito patuloy na umiiyak. “Lubayan mo na ako! Hindi ako mapapasa iyo kailan man!” sigaw nito at tumayo ulit at saka tumakbo.

Bakas sa mukha nito ang pagod dahil sa kakatakbo. Hindi nya alam kung anong gagawin para lang makatakas. Hindi nya alam sa’n sya magtatago at paanong tataguan ito. Ang tinig ay nakakatakot at nakakapangilabot na tila ume-eco sa buong gubat.

“KAHIT SAAN KA MAGTAGO MAHAHANAP KITA! AKIN KA LANG, SHEA! AKIN KA LANG!”

Ang tinig ay papalapit ng papalapit kaya naman nagtago ito sa isang malaking puno. Napahawak sya sa kanyang dibdib at pilit na pinapahupa ang hingal. Napaubo pa ito dahil na rin sa sobrang kakatakbo at pagod na kanyang nararamdaman.

“Sana ‘di nya ako makita,” ani nito sa kanyang isip.

“Pinagod mo ‘ko mahal ko! Sabi ko naman sa ‘yo AKIN KA LANG!”

“AAAAAAAAAAHHHHHHHHH” Umalingaw ngaw ang sigaw sa buong kagubatan.

--------

Hi my dear babies! Gonna edit this novel now! Dahil nga maraming ekek na hindi maintindihan dito at mga wrong grammar or anything na ewan ko kung anong nangyare. Chariz.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora