CHAPTER 8: KISS

1.6K 57 1
                                    

TINTIN’S POV

Ang tagal naman ng babaitang ‘yon! Kanina pa sya nasa cr ah? Ano nilamon na sya ng inidoro? Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na para puntahan sya sa banyo dahil may kakaiba akong nararamdaman. Nang makapunta ng cr ay napahinto ako at binuksan lahat ng cubicle pero walang, Shea.

“Where is she? Hindi kaya umuwi na? Pero ‘di naman nya alam ang pauwi dahil fist time nya lang dito.” Sa pagtambay ko sa banyo habang nag-iisip ay may nahagip ang mata ko at lumapit ako do’n saka ko ito pinulot. “Bracelet ‘to ni Kristine, ah? Bakit nandito?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko. “Nasaan si Kris?” Bigla akong kinabahan.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito. Kinuha ko ang phone ko at dinaial ang number ni Tita. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko at sa totoo lang ay labis ang kaba na nararamdaman ko.

“Hello?”

“Amm? Nand’yan na po ba si Kris?” tanong ko.

“Huh? Wala pa sya bakit? ‘Di mo ba sya kasama?” balik na tanong naman ni Tita.
Walang pasintabi ay pinatay ko ‘yong tawag. Hindi ako p’wedeng magkamali sa iniisip ko.

“Hindi ‘to maari… sya ‘yon.”



KRISTINE’S POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa ‘kin. Umaga na pala. Napabangon ako at napatingin sa paligid. Nangunot ang noo ko dahil hindi ako pamilyar sa k’warto. Teka? Hindi ko naman ‘to k’warto ah? Nabigla ako ng may kumatok at napasapo pa ako sa dibdib ko dahil na rin sa gulat. Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtagtulog-tulugan ako. Bumukas ang pinto pinikit ko ang mata ko.

“I know you’re awake,” isang lalake ang nagsalita. Hindi ko sya pinansin. Paki ko ba sa iyo? Kakaloka mga tao ngayon ah? “Tss. Paghindi ka bumangon hahalikan kita,” pagbabanta nya.

Hindi ko pa rin sya pinakinggan. Paki ko ba sa ‘yo? Naramdaman kong gumalaw ang higaan ko at papalapit na sya sa ‘kin. H’wag nyang sabihin gagawin nya nga? Takte! Iminulat ko ang mata ko at saka umupo. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. Tsk? Man’yak!

“Kala ko makaka score na ako, e,” sabi nito at saka humarap sa ‘kin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ito kung sino. Hindi ko aakalain na makikita ko sya ulit. “Shaun?”

“AKala ko ‘di mo ko makikilala, e,” sabi nito at tumayo at umupo sa may sofa.

Sinilip ko ang ilalim ng kumot. Wushh! Buti na lang. “Don’t worry, nothing happened between you and me,” he said calmly.

“Bakit ako nandito?” tanong ko sa kanya. “Si Tintin? Nasaan sya?” dugtong ko pa.

“Easy! Isa-isa lang. Nakita kita sa labas ng cr na nakahandusay. Then I called, Tintin earlier. Later she will be here.” Tumayo sya at binuksan ang pinto. “I know that you are hungry! Bumaba ka na, breakfast is ready.” Saka sya tumayo at lumabas saka nito sinarado ang pinto.

Napaisip ako. Anong ginagawa ko sa labas ng cr? Pero hindi kaya sya si Mr. red guy? Pero imposible naman. Pero baka p’wede rin? Pero imposible talaga, e. Kasi naman mas t’yak ko mas g’wapo ‘yon kaysa kay Shaun.

“Tama na nga kakaisip!” Tumayo ako at pumuntang cr.

Nagmumug muna ako kasi nakakahiya naman kung ang baho ng hininga ko. Bumaba na ako at nakita kong may kasalo pa syang isang babae. Hindi kaya kapatid nya ito?

Napalingon ito sa ‘kin matapos nyang maramdaman ang presensya ko. “Oh! She’s here!” sabi nito. “O to the M to the G.” Agad na tumayo ito at lumapit sa ‘kin saka ako niyakap.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now