CHAPTER 34: GOOD BYE (Shea's Sacrifice)

947 23 0
                                    

SHEA’S POV

Patawad Zarch. Patawad nanay, tatay, Kuya Christ at Christoper, Jean, Tintin, Xian, Reid, Zie, Shaun at Mark. Sana itong disisyon ko ay tama. Ayaw ko na ng ganito kailangan na matahimik ito. Ipinikit ko ang aking mga mata habang hawak ko ang k’wintas sa leeg ko. Lumabas dito ang libro. Hindi ko ‘to gagawin kung hindi kinakailangan. Ayaw kong mawalan ng minamahal. Maiigi nang mamatay ako kaysa sila ang mawala sa ‘kin dahil para na rin akong namatay.

“Ako si Shea Refier.

Librong aking kaibigan.

Aking bibigkasin iyong pakinggan.”

May kung anong bilog na nakapalibot sa akin.

“ARRGGHHH! SHEA!” galit na tawag ni Zack dahil alam nyang matatalo na sya once na ginawa ko ito.

Pinaulanan nya ako ng kanyang mga katana pero walang ni isa na tumama sa akin. Dahil nakapalibot sa ‘kin ang barrier ng libro na ito.

“Ako si SHEA REFIER— ZEIL.

Aking buhay ay iaalay.

Chantries iyo muling bigyang buhay.

Mga alaala nila’y aking dadalhin hanggang kabilang buhay.

Nawa’y patawarin sa aking gagawing pag-aalay.

Aking kaibigan hiling ko sana’y iyong pakinggan.”

Isinara ko na ang libro at muli ay itinago ito.

“Talaga bang makakaya mo kong tapusin, Shea?” mapang-asar ang kanyang mga tinig.

Mabilis kong pinakawalan sila Jean, Tintin, Mark, Shaun, Xian, nanay, tatay, kuya Chris at kuya Christoper. Dahil do’n dinala ko sila sa isang lugar na hindi na sila madadamay pa pati na rin sila Reid, Zei at Zarch.

“Magaling… sad’yang mabilis ka… maliksi at matalino.”

Hindi ko sya pinansin at mabilis na lumapit sa kanya. Nagulat sya sa ginawa ko at binigyan ko lang sya ng masamang tingin. Mabilis nyang nailagan ang mga atake ko kaya naman nahirapan ako. Mabilis syang nakapunta sa harapan ko buti na lang naisalag ko ang espada ko. Bigla syang naglabas ng dark magic kaya naman tumilapona ako. Na-trap ako sa mga natitirang puno kaya naman hindi ako nakakilos agad.

“Akala mo ba gano’n mo ‘ko matatalo Shea? Pinaghandaan mo pa lang plinano ko na.” Lumapit sya sa ‘kin.

Akmang hahalikan nya sana ako kaya naman ginamit ko ang kapangyarihan ko para hindi maituloy ang balak nya. “AHHHHHHH!”

Umeko sa buong gubat ang boses ko dahilan para mapatakip sya ng tenga nya kaya naman pati ‘yong mga sanga na napuluputan ako kanina ay lumuwag. Ginawa ko na ang t’yansa kaya agad kong pinatumba ang mga ito. Nahanap ko kaagad ang mga weaknesses nila.

“Alam mo, Zack. Hindi ko sana gagawin ito, e. Pero pinilit mo ‘ko,” ani ko at nagbago ulit ang anyo ko.

Hindi na ito ang totoong ako. Ang suot ko ay naging ginto. Pati na rin ang kulay ng aking mata at buhok. Maski ang aking espada. Agad ay sinungaban ako ng apoy si Zack pero s’yempre mabilis akong nakailag.

“Masarap ba?” muli ay nagulat sya sa ginawa ko.

“Aarrgg!” Mabilis akong pumunta sa harap nya.

“Masaya ba Zack? Masaya ka bang saktan ang kapatid mo at makitang mamatay ito? Masarap ba?” Mabilis ko syang pinaulanan ng yelo at apoy. “Alam mo ba ang pakiramdam ng masaktan, Zack? Hindi!” Sabay punta sa likod nya at nakailag sya sa espada kaya nadaplisan ang balat nya.

Nakita ko ang galit sa mga mata nya kaya mabilis nya akong napatalsik sa kabilang sulok. Agad naman ay bumangon ako. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ‘to?” tanong ko at pinaulanan ko sya ng patulis na parang patak ng tubig. “Sa ‘yo!” Mabilis din akong nakapunta sa likod nya at tinarak ang patalim ko. “Dahil sa sakit na pinaranas mo sa ‘kin sa loob ng maraming panahon!” ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko. “Pinaranas mo noong panahon na mahina pa ako,” idiniin ko pa ang pagkakatarak ng espada sa kanya.

“Augghhh!” inda nya.

Hinugot ko na ito mula sa pagkakabaon. Hindi ko na kaya. Nanghihina na ako. Kapalit nito’y buhay ko dahil sa oras na makapatay ako ng isang  may dugong bughaw ang kapalit nito’y buhay ko. Buhay para sa lahat. Buhay para sa taong mga mahal ko.

Paalam Zarch. Paalam aking buhay. Paalam Chantries na aking tahanan.

TINTIN’S POV

Nagising ako dahil sa pumatak na tubig mula sa mukha ko. Umupo ako at tumingala. Umuulan pala. Iginala ko ang paningin ko at nakita ko sa ‘di kalayuan ang isang babae. Pinagmasdan ko itong mabuti at nang makita ko ang mukha nito ay nanglaki ang mga mata ko at mabilis ko syang nilapitan.

“Shea! Shea!” Tinapik ko ang kanyang mukha pero hindi sya nagigising. “SHEA! Ba’t naman ganito!?” tanong ko at pumatak na ang luha ko at hindi ko na napigilan pa.

Nagkaroon na ng malay ang lahat at nang makita ako ni Zarch na hawak si Shea ay agad na lumapit si ito sa gawi ko. “SHEA!” Kinuha nya sa ‘kin si Shea.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang aming paghihinagpis. “Sabi mo mahal mo ‘ko!? Tutuparin mo pa ang mga pangako mo sa ‘kin!” sabi ni Zarch at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

“Shea!” tawag namin sa pangalan nya at umiyak na kami lahat.

Sa aming paghihinagpis ay isang liwanag ang syang pumukaw sa ‘min. Liwanag na galing sa k’wintas ni Shea. Lumutang si Shea kasabay ng k’wintas at mabilis na nawala siya kasabay ng kulog at kidlat.

“SHEA!” sigaw naming lahat.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now