CHAPTER 27: SORRY

750 23 0
                                    

SHEA’S POV

Alam nyo ba ‘yong pakiramdam na pilit mong pinipikit ang mata mo pero ‘di ka makatulog. Anak ng tinola. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kasi kung nasaan ‘yong libro at
‘yong kalagayan ng Chantries.

“Hayst.” Bumangon ako at saka umupo.

Tumayo ako para lumabas. Gusto ko munang magpahangin at magliw-aliw. Lumabas na ako ng silid at pumunta sa hardin. Pagkarating ko do’n ay nagliwanag ang mga halaman at bulaklak. I smiled when I saw it. It’s beautiful. “Ang ganda nyong pagmasdan!” Nakangiting sabi ko.

Alam ko naman na para lang akong tanga pero sa totoo lang nakakausap ko talaga sila. “Maraming salamat, Queen,” sabay-sabay nilang sabi.

Kitams? With chorus pa ‘yan. 

“Walang ano man,” sabi ko at umupo ako sa batuhan.
Timingala ako sa langit. Ang daming bituwin. Ba’t kaya ang taas nila? Ang hirap nilang abutin. “Kasing kinang mo ang mga ‘yan.” Napasinghap ako nang may nagsalita.
Nang tignan ko ito ay nakita ko si Zarch na nakangiti sa ‘kin. “What are you doing here?” tanong ko.

“Pumunta ako sa k’warto mo pero nakita kita na bumaba kaya sinundan kita dito,” sagot nito at lumapit sya sa ‘kin at ngayon at nasa harapan ko sya.

Yumuko ako. Ayaw kong makita ang g’wapo nyang mukha sa ngayon. Nasisilaw kasi ako.

“Shea…” tawag nya sa panagalan ko pero ‘di ko sya tinignan. Nanatili akong nakayuko. “Look at me,” sabi pa nya pero hindi ko sinunod.
“Ayaw ko. Ang panget ng mukha mo!” inis na sabi ko.

“Shea, I said look at me,” ang seryoso ng tono na ‘yon kaya ngayon ay tinignan ko na sya.

“What?” Taas kilay kong tanong.

“I’m sorry.” Nangunot ang noo ko sa kanya.
“Sorry for what?” Tumayo ako at saka humakbang ng lima para lumayo ng konti sa kanya.

“Sorry kasi tinago ko—”

“Enough,” pagputol ko sa sasabihin nya.

Ayaw ko nang marinig ang narinig ko na kanina. Hindi naman ako unli. Humarap ako sa kanya na ngayon ay nakaharap na din sya sa ‘kin. “Alam mo Zarch hindi naman kita sinisisi sa mga nangyare, e. Ang sa ‘kin lang ba’t mo tinago sa ‘kin na kinuha pala sa ‘yo ni Zack ang kapangyarihan mo?” tanong ko at hindi ko talaga matanggap.

Pa’no kaya maibabalik ‘yon? Kung nandito lang ‘yong libro ko kaya kong baguhin ang lahat. Hindi ko pa talaga maalala kung pano ko iyon itinago. Lumapit sa ‘kin si Zarch. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Bigla nya akong niyakap at para bang walang bukas.

“Sorry about that, my Queen. I didn’t know what would happen if he took you away from me,” sabi nya habang yakap ako.

Tinulak ko sya ng bahagya upang makita ang mukha nya. “Hindi nya ako makukuha sa ‘yo dahil hindi ko kahit na kailan naging kanya. Hindi nya ako naging pagmamay-ari. I’m only yours,” sabi ko saka ko sya niyakap ng mahigpit.

“Salamat, Shea.” Humiwalay na ako sa pag-kakayakap at tinignan ang mukha nya.

“You know the first time I saw you. You’re brown eyes, brown long hair, the way you talk. My whole world was stopped.” Napangiti ako sa sinabi nya.

Ano ba Zarch! H’wag kang ganyan. 

“I love you, Shea… more than my life.” Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

Nagulantang pa ako dahil dinamba nya ako ng halik na hindi ko inaasahan. Hindi ko namalayan ay sinabayan ko na din ang halik nya. Mabagal pero banayad, at ang sarap.

“Ehem.” Pareho kaming mabilis na kumalas.
Putik istorbo naman. Inayos namin ni Zarch ang sarili namin. Chocks! Pakiramdam ko lahat ng dugo ko nasa mukha ko na, e!

“Zei?” takang sabi ni Zarch saka humarang sa p’westo ko at nasa likod nya ako ngayon.

“Zei? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.

Nakangiti syang lumapit sa ‘min. “Mukhang naistorbo ko ata kayo.” Nakangisi nyang sabi habang nakatingin kay Zarch.

Oo istorbo ka talaga. Sinamaan ko sya ng tingin. “What do you want,” malamig na tanong ni Zarch.

“I’m here because of Shea,” sabi nito at tumalim naman ang tingin nito kay Zei na tila ba ano mang oras ngayon ay mangangain sya ng tao.

“Heyy! Eeas. I’m here because of you, Zarch.” Sumeryoso naman ang mukha ni Zei ngayon.

“Aahh… mukhang nakaka-istorbo ako sa inyo kaya maiwan ko muna kayo,” ani ko at tingin ko ay kailangan ata nila ng masinsinang pag-uusap kaya mabuting umalis muna ako.
 
 
 
ZARCH’S POV

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya dahil inistorbo nya kami. Hindi ko alam kung bakit sya nandito ngayon. Mukha naman wala syang gagawing masama.

“Now, talk,” sabi ko at alam kong nabitin din ang Queen ko sa nangyare kanina.

Napatawa na lang ako dahil kahit na hindi ko nakita ang mukha nya kanina alam kong namumula sya sa hiya. “I just want to apologize,” umpisa nya saka umupo.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Si Zei ba ‘tong kausap ko o baka sinapian ang gago? “Are you kidding me?” sagot ko saka sumandal sa may pader.

“I’m fucking serious, Zarch.”

“Okay, then.” Aalis na sana ako ng tumayo sya at nagsalita pa.

“Gano’n na lang? Hindi mo man lang ako susumbatan o gagantihan?” tanong nya at humarap ako sa kanya.

“For what? May mapapala ba ako ‘pagginawa ko ‘yon?” malamig na tanong ko sa kanya.

I don’t want to waste my time because of this nonsense. “Tsk? You’re right. Wala ka talagang mapapala. Si Shea… alam mo na ba?” Kumunot ang noo ko sa kanya.

“Anong alam na ano?” tanong ko.

“Si Zack… lulusubin nya ang pinakamalakas na kaharian. Ang Chantries kung saan lumaki si Shea, Kung saan ang tahanan nya.” Napakuyom ko ang kamay ko. Hindi ako papayag na lumaban si Shea kay Zack ng mag-isa. “I know what is on your mind, Zarch. Pero paano mo sila lalabanan kung wala ka ng kapangyarihan?” tanong nya at hindi ko na napigilan at nasuntok ang pader.

Naramdaman kong may kung anong enerhiya ang lumabas sa palad ko at nagulat ako sa nangyare. Napatingin ako sa palad ko. Paanong nanyare ‘yon? Akala ko ba wala na akong kapangyarihan? Sa pagsuntok ko dito ay nasira ito hanggang dulo. Tinignan ko ang kamay ko pero walang bahid ng sugat.

Nilagitik ko ang daliri ko at nagkaroon ng apoy. “Woow! Mukhang bumalik ang kapangyarihan mo!” ani ni Zei. Tumingin ako sa kanya at tila naguguluhan sa nangyayayre. “Hindi mo nga pala alam. Oras na kinuha ng kadugo mo ang kapangyarihan na mayroon ka ay babalik ito at mas malakas kaysa sa una. Congrats, Zarch, binabati kita.” Matapos nyang sabihin ‘yon ay nawala na sya sa harap ko.

Napangiti ako dahil do’n. Mas malakas kaysa sa una. Ibig sabihin bumalik ang kapangyarihan ko at mas malakas pa kaysa sa naunang kapanghayrihan ko. Humanda ka Zack. Magtutuos din uli tayo.
 

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now