CHAPTER 12: THIRD ELEMENT AIR

1.4K 38 0
                                    

KRISTINE’S POV

Alam mo ‘yong pakiramdam na parang may kulang sa pagkatao mo? Parang may part sa ‘kin na may kailangan akong malaman. Nandito ako ngayon sa veranda namin. I want to be alone. Nakikinig ng music habang iniisip ang mga bagay na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba. Ilang araw na mula ng aksidenteng iyon. Iyong araw na sumakit ng matindi ang ulo ko.
Sa ngayon, I want to relax myself. But, how? Kung palagi kong naiisip ang mga bagay na gumugulo sa ‘kin. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko minsan gusto na nga nitong sumabog, e.

“Sabi na nga ba nandito ka lang, e,” isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Kahit naman naka headphone ako naririnig ko pa rin ang bunganga nyang walang humpay kung dumada. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng headphone ko saka ko sya tinignan.

“Anong ginagawa mo dito?” Kunot noong tanong ko.

Kahit kailan panira sya ng moment. Hindi ba sya tinuruan na katok muna bago pasok. Talaga ‘tong babae na ‘to, e. “Ano ba naman ‘yan! Lagi mo na lang akong pinapaalis! Hindi mo na ba ako mahal?” Nakangusong sabi nya sa ‘kin na parang ako pa ang may mali sa aming dalawa.
“Kailan ka pa natutong guman’yan?” tanong ko.

“Mmm? Lately?” nag-aalinlangang sagot nya.
Hindi ko alam kung ano ang sapak nitong babae na ‘to. Kaya naman binatukan ko sya sa ulo. “Awww! Neurons ko naman!” reklamo nya habang hinihimas ang ulo nya.

“Para ka kasing bata.” Tumayo na ako at balak ko munang maligo dahil wala lang.

“Hayst! Malapit na birthday mo ah? Anong balak mo?” tanong nya.

Humarap ako sa kanya at nakanunot ang noo ko. “Malapit na birthday ko?” tanong ko sabay turo sa sarili ko.

“Hala? Eng-eng ka? Tumingin ka naman sa calendar, ‘day!” sabi nito at inginodngod ang mukha ko sa kalendaryong nakasabit sa may pinto.

“HALA! OO NGA!” Napatalon ako dahil sa excitement.

Tae! Ba’t nakalimutan ko? 1 week from now before my 18 birthday. Sana umuwi na sila kuya! Excited na ako makukumpleto kami sa araw na iyon. “Nako-nako girl! So ano nga gagawin mo?” tanong nya ulit.

Ano nga ba? Hindi ko alam. Gusto ko ng simple lang. Salo-salo kasama ang pamilya at kaibigan. Hindi ko lang alam kung papayag sila nanay sa gusto kong iyon.

“I don’t know. Maghihintay na lang sa imposibleng mangyare!” sabi ko at hindi ko alam pero na-excite ako.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Magbababad muna ako sa bathtub. Pagpasok ko ay nagulat ako sa nakita ko. Tama ba? Nag-iba ang kulay ng mata ko? Naging parang abo ito at pati na rin ang buhok ko. Humangin sa loob ng banyo at nilipad ang lahat ng mga nasa loob. Hindi ko alam pero parang may p’wersang gustong kumawala sa ‘kin. Hindi ko kaya para akong kinokontrol. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at saka ako huminga ng malalim.

Naramdaman ko ang unti-unting paghina ng hangin sa paligid ko at naramdaman ko din ang pagbaba ko. Iminulat ko ang mata ko at nagulat naman ako sa sunod na nangyare. Takte! Parang binagyo ‘yong banyo. Iyong kortina nasira pa. Iyong shampoo, sabon at ‘yong iba pang gamit ay nagkalat. Tumingin ako sa salamin at nagulat pa ako sarili ko. Pano ba naman gulo ‘yong buhok ko na akala mo ‘di nagsuklay ng ilang taon.

“3rd element Air,” hindi ko alam pero kusa ‘yan lumabas sa bibig ko.

Kahit no’ng umapoy yung bola at nag-freez ang tubig sa gripo. Fist element fire, 2nd element ice/water, at ngayon ay ito, air. Napabaling ang tingin ko saking kanang balikat. Kailan pa ako nagkaroon ng balat?

“Saan naman ‘to galing?” tanong ko sa sarili ko.

Ngayong ko lang ito nakita.

TINTIN’S POV

One week from now. One week na lang at babalik na sya. Nae-excite na ako. Napaintag ako ng biglang mag teleport si Mark sa harap ko. Wengya! “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

“Nandito sila! Nalaman na nila. Kailangan natin lagyan ng barrier ang buong bahay.” Napatayo ako sa sinabi nya.

NO. HINDI P’WEDE ‘YON! Kung kailan babalik na sya saka magkakaproblema? Hindi talaga sila marunong pumili ng araw kung kailan sila lulusob. Nakakainis.

“Sige,” sabi ko at sabay kaming nagteleport.

Nandito sila Shaun, Jean, Xian, At Reid. “Bilisan nyo na,” kalmadong sabi ni Xian.

Nilagyan nga namin sya ng barrier pati na rin ang buong bahay. “Kailangan hindi ka aalis sa tabi nya. Susunod si King sa inyo,” sabi nito sa ‘kin at tumango ako bilang sagot.

“Shit kung kailan babalik na sya saka nagkaganito?” ani ni Jean.

Alam ko nami-miss nya na rin si Queen. “Kailangan natin ma-secure si Queen Shea. Hindi p’wedeng gano’n na lang. Sa tagal ng panahon na ating paghihintay ngayon pa masisira?” inis na sabi naman ni Shaun.

Tama. Hindi p’wedeng mangyare ‘yon dahil naaawa na rin ako kay King. “Mukhang wala namang mangyayare ngayon kaya tara na,” sabi naman ni Xian.

Kahit kailan nagmamadaling umuwi. “Let’s play!” sabi ni Mark na parang bata.

“Tsk? I don’t want to waste my time on your nonsense of game,” sabi ni Shaun.

Si Jean ay enjoy na enjoy sa kakatingin do’n sa mga bulaklak. “Alam nyo no’ng nasa palasyo pa si Queen ‘yong mga halaman at bulaklak lagi nyang kausap. Lagi nya itong dinidiligan. Hinahalikan pa nga nya ‘to,” sabi nito at tinatanaw nya ang al-ala ng nakaraan. “Sa tuwing nakakakita sya ng halamang may sira ay agad nya itong inaayos. Using her power of light,” dagdag nya pa at bumuntong hininga. Humarap sya kay Mark na akala mo wala lang. “Tara Mark. Karerahan sa paglipad!”

“Sure!” Napa-smirk naman ang loko.

“’Pag ako ang nauna girlfriend na ni Shaun si Tintin! ‘Pag ikaw nauna. I kiss mo si Tintin sa lips! Deal?” sabi nito at napatulala naman ako sa kanya.

What the?

“DEAL! Takot ko lang mapunta ang mahal ko sa kapatid mo!” sabi nito at saka sila umalis at iniwan kami.

Para namang mga bata ‘tong dalawa. Magaling sila sa ganyan, e.

KRISTINE’S POV

Paglabas ko ng banyo ay wala na si Tintin. Saan naman kaya ‘yon pumunta? Bumaba na ako. Nakita ko si nanay na naghahanda ng hapunan at si tatay na nakaupo sa salas. “Oh? Anak kain na,” anyaya ni nanay habang nakangiti.

Ang ganda talaga ng nanay ko. Lumapit ako sa kanya. “Mmm! Mukhang masarap lahat ng ‘yan, ‘nay ah?” Nakangiti kong sabi habang inaamoy ito.

Bakit gano’n? Parang mami-miss ko sila na ewan? Hindi naman ako aalis.

“Sus! Nambola pa ‘tong batang ‘to. Hala umupo ka na,” sabi nito at umupo na ako at hinainan na ako ni nanay ng pagkain.

Saktong tatawagin na ni nanay si tatay ay pumunta na ito sa dinning erea. “’Nay! Kelan po uuwi sila kuya?” tanong ko.

Malapit na birthday ko kaya baka uuwi na rin ‘yong mga ‘yon. “Bukas daw anak,” sabi naman ni nanay.

Yeey! Uuwi na sila! Excited na ako.

“Yes!”

SOMEONE’S POV

Malapit na! Malapit na sya ulit mapa sa ‘kin. Palampit ko na sya uli makuha. Konting tiis na lang. “Handa na po ang lahat.”

“Magaling.” Napangiti ako. “Malapit na ulit kitang makuha Shea. Akin ka na ulit… dahil akin ka naman talaga.”

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now