CHAPTER 31: THE BATTLE (Part 2)

646 19 0
                                    

SHEA’S POV

Alam nyo ‘yong pakiramdam na para kang naiihi na ewan? Kasi ‘yon ‘yong pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o maging normal na lang sa mga bagay. Pero dahil kailangan kong harapin ang takot na kinalakihan kailangan kong maging abnormal— este normal.

“Miss me?” Nakangising tanong nya.

Hindi ko gustong nakikita ang ngisi nya na ‘yan. Nakakairita at hindi ako natutuwa. “No. Why should I?” mataray na tanong ko.

Tingin nya ba mami-miss ko sya sa dami ng ginawa nyang kasalanan sa ‘kin at sa iba. Mala-imp’yerno ang buhay na mayro’n ako dahil sa kanya. “You know, Shea. If you choose me, kaysa do’n sa kakambal ko. E’di sana hindi tayo hahantong sa ganito,” sabi nito at umikot sya sa paligid ko.

Hindi mangyayare ang bagay na gusto nya at kahit naman na sya ang piliin ko alam kong hindi naman sya makokontento. Dahil maraming bagay sa mundo ang gusto nyang maging kanya. “Hell no, Zack. Alam ko naman na gagawin mo lang akong parausan at alila mo.” Galit na tono kong sagot.

Hindi ko namalayan ang ginawa nya kaya naman tumalsik ako. Ilang pader ang nilagpasan ko. Shocks! Balak nya ba akong patayin? Kung sa bagay, ganito naman ang ginagawa nya sa ‘kin no’ng kinuha nya ako kay Zarch.

***Flashback***

Isang masamang araw ang bumungad sa ‘kin dahil pagkagising ko akala ko si Zarch na ang katabi ko pero hindi dahil si Zack ‘to. Tinulak ko sya kaya naman nahulog sya. “FUCK! Why did you do that!” sigaw nya sa ‘kin.

Hindi naman siguro sya tanga para hindi mapagtanto ang mga bagay-bagay ‘di ba? “Tsk. Akala mo si Zarch na ang nasa tabi mo? Hindi na mangyayare ‘yon, Shea.” Tumayo sya at inayos ang sarili nya.

“Kung ako na lang sana ang pinili mo e’di sana hindi ‘to mangyayare,” ayaw ko talaga sa kanya dahil hindi nya kaugali si Zarch.

“No,” nagalit sya sa ginawa ko kaya naman isang malutong na sampal ang natanggap ko.

Hinagis nya pa ako kaya naman tumalsik ako sa sulok nitong silid. Kung isa lang siguro akong ordinaryong tao marahil ay namatay na ako dahil sa pagkakatalsik ko. “Hindi ka na makakaalis dito, Shea dahil ako na ang nagmamay-ari sa ‘yo tandaan mo ‘yan.” Hindi ako nakakilos agad kaya naman ayon. Sa pangalawang pagkakataon ay tumalsik na naman ako.

***End of flashback***

Makakayanan mo bang makisamahan ang mga ganyang tao? ‘Di ba’t hindi? Kaya sino naman ang taong magta-t’yaga sa ugali nyang napaka makasarili at sakim. Sa pagkakatalsik ko sa pader ay may sumalag. Naradaman ko ‘yon kaya sa huling pader na natalsikan ko ay naramdaman ko sya. Aba? Iba din pala ang pakiramdam ko.

“Ahhrrggg,” daing nya
.
Med’yo nanghina ako. Pinilit kong tumayo. Lumaban ka Shea. “Ayos ka lang ba?” Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

“Zarch! Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.

Alam ko hindi nya alam kung anong plano ko pero ba’t nandito sya? 

“To save my Queen?” he said at tumayo na sya.

“What? Zarch! Laban ko ito hindi mo laban kaya umalis ka na.” 

Tila ba nagbago ang aura nya. Tumingin sya sa ‘kin. Matalim na tingin. “Shea, hindi mo sinabi ang bagay na ‘to! Tapos naabutan ko pa ang ganito. Tangina lang,” naiinis na sabi nya.

“Kaya nga hindi ko sinabi para hindi ka madamay!” sabi ko sa kanya.

“Oh? What a sweet couple of the year!” sarkastikong sabi nya at saka pumalakpak.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now