CHAPTER 33: PRESENT

780 17 0
                                    

SHEA’S POV

Wala naman mawawala kung magbabago ka basta ba gawin mo na kung ano ang tama. H’wag kang matakot sa mga bagay na alam mong kaya mo naman labanan at alam mong tama ito dahil lahat ng bagay na kahinaan mo p’wede mo ring maging lakas bandang huli.
Sabi nga nila, don’t give up. H’wag kang basta susuko sa laban kahit alam mong talo ka na. H’wag kang magpapa-agrabyado sa mga taong nasa paligid mo. You’re not perfect, and they are not perfect too. Sabi nga nila walang perpektong tao sa mundong ito. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Pero maitatama mo naman ‘yon kung sa susunod hindi mo na ulit uulitin.

“Mommy! P’wede ko po bang makita ang mga litrato nyo at kung anong itsura ng Chantries?” malambing na tanong ni Shaira.

“Of course baby, tara,’ sabi ko naman at lumapit kami sa closet ko kung saan nakatago ang mga litrati namin ni Zarch.

“Waaw! Hindi ka nagbago. Ang ganda mo pa rin at ang g’wapo pa rin ni daddy!” proud na sabi nito.

“Ahhh~ sweet naman ng baby ko,” sabi ko habang nakangiti sa kanya at saka sya niyakap.

“Oh? Si daddy walang yakap?” biglang sumulpot si Zarch kaya napatingin kami sa kanya.

“Mommy told me all about Chantries. Also lolo and lola,” sabi nya sa daddy nya.

Si Shaira ay isang mabait na bata. Her gray hair, brown eyes and red lips. She’s beautiful. Talagang naghati kami ni Zarch sa itsura nya. “Beeeeee!” Napatingin naman ako sa sumigaw at si Tintin ‘yon.

“Hindi na ba mababago ‘yang ugali mo?” mataray kong sabi sa kanya.

Minsan talaga ang sarap nyang batukan, e. “Tita Tintin,” tawag ni Shaira sa kanya at niyakap sya nito.

S’yempre niyakap nya rin ito. “Ayt!” she pouted.

Okay? Dapat pala pati pag-uugali nila binago ko, e.

“So, why are you here?” I asked.

Pumupunta sya dito ‘pag may kung anong problema. Problema nila ng Boyfriend nyang si Mark. Ako lagi hinihingan ng payo. Sarap balibagin ng b’wisit. Ako daw ba ang kanilang Mrs. Tagapayo. Aba? Nawili naman ata sila?

“I’m here kasi gusto kong makita ang aking magandang pamangks!” sabi nito at proud pa.
Maka pamangks! Hindi ko naman sya kaano-ano.

“Talaga po tita?” Nakangiting tanong ni Shaira.

“Yep! Dahil d’yan magsho-shoping tayo!” sabi nito at lalabas na sana sila pero huminto si Shaira at humarap sa ‘kin.

“Mommy p’wede po ba?” tanong nya. Ngumiti ako at saka tumango sa kanya bilang pagsang-ayon. “Yeeey! Thank you mommy!” Lumapit sya sa ‘kin saka ako kiniss sa pisngi.

“Ingat baby. H’wag lalayo kay tita, okay?” paalala ko.

“Yes mommy!” sagot nito at sinara na nila ang pinto at umalis.

“Alam mo… ang ganda mo pa rin kahit na ang daming nagbago sa mundo,” sabi naman ni Zarch dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Niyakap nya ako mula sa likuran ko. Masasabi ko bang sweet sya? Well. Oo. Pero mas sweet sya sa kama. Eme lang.

“Madaming nagbago sa mga nagdaang panahon perro nagtataka lang ako…” ani ko at humarap ako sa kanya at napakunot naman ang noo nya. “Bakit ang g’wapo mo pa rin?” Natawa naman sya sa sinabi ko.

Unti-unti ay nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko. Kailangan ko na atang mag-family planing. Ayaw ko pang magkaroon ng kapatid si Shaira. Kahit na gumawa kami ng milagro noong bagong kasal kami maninibago pa rin ako ‘no!

“Also you. Bakit sobrang ganda mo?” Unti-unti syang lumapit sa akin hanggang sa lumapat ang kanyang labi sa labi ko.

Shocks. Kapag ‘di ko ‘to mapigilan baka magkakaroon ng kasunod si Shaira.

“EHEM!” Napaitlag kaming dalawa. Pareho kaming napatigil at agad na humiwalay sa isa’t-isa. “I’m sorry to disturb both of you,” ani ni Zei.

Sobrang lapit na nila sa isa’t-isa ngayon. Hindi na sila katulad ng dati na laging magkaaway dahil ngayon ay daig pa nila ang mag-asawa sa sobrang sweet. Nagseselos na nga ako minsan, e.

“What the hell are you doing here? Idiot!” Umupo si Zarch sa kama at ako naman ay tumayo.

“To say good bye. Babalik na ako sa kaharian natin kuya. S’yempre isasama ko si Bunso. Hindi natuloy ang balak naming pagbabalik dahil sa naglihi si Shea sa ‘min ni Reid. Kaya kung iyong mamarapatin?”

Nangunot ang noo ni Zarch sa kanya. “E, anong pakialam ko?”

“I want to talk to my beautifulA— CCKKK!” Mabilis na sinunggaban ng sakal ni Zarch si Zei.

“ZARCH STOP!” Agad ay tinanggal naman iyon ni Zarch.

“Ayusin mo kasi para ‘di kita mapatay ng maaga,” inis na sabi nito at hindi nya magawang patapusin si Zei sa sinasabi nito.

Abnormal talaga ‘tong si Zarch kahit kailan. No’ng isang araw lang nagsusubuan sila ng pagkain. Tapos ngayon nag-aambahan na sila ng suntukan. “Ano ba ‘yon, Zei?” Umupo ako sa upuan malapit sa bed.

“I just want to say that please… pakiingatan na lang si Zarch. Baka kasi makapatay sya sa sobrang selos. T’saka pakiingatan din ang magiging junior nyo. Babush!” parang baklang sabi ni Zei at umalis na.

Namula ako sa huling sinabi nya. Junior? Princess gusto ko ulit, e. S’yempre joke lang. Ayaw ko pa muna! Tama na muna si Shaira.

“IDIOT!” sigaw ko at nawala na rin pati si Zarch.

Natawa ako sa sinabi nya at sa totoo lang ay masaya na ako dahil wala ng manggugulo. Sana magtuloy-tuloy na ‘to. Walang away, walang gulo at lahat ay masaya. Kung magiging ganito ba naman ang buong mundo aba? Happy-happy talaga malala! Magpapaparty pa ako kapag nagkataon. Ang saya 'di ba? Huminga ako ng malalim saka nag-teleport sa taas ng palasyo upang makita ang kabuuan nito. Walang nagbago dahil gano’n pa rin ito. Pero ngayon ay maganda at mapayapa na.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now