CHAPTER 19: SAVE HER

812 29 0
                                    

SHEA’S POV

Eto na naman ako sa imp’yernong lugar na ‘to. Dito na naman ako napunta at kasama ko ngayon ang g’wapo— este demonyong kakamabal ni Zarch.

Pang-ilang beses na ba akong pabalik-balik sa lugar na ‘to? Hindi ko na mabilang dahil ilang beses na ‘yon naulit. Sinubukan kong tumakas pero bigo ako dahil kahit saan ako magpunta nahahanap nya ako. “Si Zei. Hindi ba kakambal mo rin sya?” sabi ko at hindi sya kumibo. “Bakit sya isinumpa? Anong dahilan?” tanong ko at  hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para tanungin ko sya ng mga bagay na ito.

“Because he’s like a trash,” malamig na sabi nito sa ‘kin.

Pare-pareho sila. Talagang magkakapatid, e ‘no? Hindi maipagkakaila. “But, still he’s your brother,” sabi ko at hindi ko alam kung bakit kailangan nilang humantong sa ganitong sitwasyon.

“That bastard… is my brother? Are you kidding me?” sabi nito at saka sya ngumisi sa ‘kin. Ba’t pati si Zei hindi nya tinuturing na kapatid? Ang hirap naman ng sitwasyon nila. “Zarch and Zei… they are my mortal enemies, from my father to my mother. Sila lagi ang malakas para kay Ama. Why didn’t they even notice me?” para syang bata na nagsusumbong habang nagkukuwento.

“Iyon nga lang ba ang dahilan, Zack? Alam kong may iba pa bukod sa ‘kin.” Tumingin sya sa ‘kin.

Ang mga mata nya ay puno ng galit at nakikita ko ‘yon. Pero may kung ano sa loob nya na hindi ko mabasa. Talagang magaling syang magtago ng kanyang nararamdaman.

“Because of Zarch, our mother died,” gumarargar ang boses nya.

I know he’s not evil, pero kung ang galit nya ay hindi nya makontrol para syang isang demonyo na p’wedeng patayin ka ano mang oras. Nagiging mabagsik ito. “What do you mean?” nalilitong tanong ko.

When his mom was dead. ‘Ni minsan hindi nya sinabi sa ‘kin kung bakit at anong dahilan. Dapat ay alam ko iyon dahil ako ang asawa nya at ako ang reyna. “Dahil sa pagtatanggol sa kanya,” sabi nito at napangiwi ako. Tanga pala ‘to, e! Malamang naman walang ina na gustong masaktan ang anak nya. “Pareho kaming lumalaban. Hindi ko napigilan ang sarili ko para pigilan ang galit ko. Isang malakas at malaking dark light ang nagawa ko. Humarang si ina upang salagin pero huli na,” sabi pa nya at biglang may kumirot sa puso ko.

Hindi ko alam pero naawa naman ako ngayon sa kanya sa kabila ng ginawa nya. “E, si Zei, paano isimumpa si Zei?” pag-iiba ko.

“FUCK STOP ASKING ME ABOUT ZEI!” Nanlaki naman ang mata ko sa pagsigaw nya sa ‘kin.

Napaka wild nya talaga. Tumalikod sya sa ‘kin at saka lumabas sya ng k’warto. Zarch, alam kong ililigtas mo ‘ko kaya maghihintay ako sa pagdating mo.

ZARCH’S POV

“Shit nakuha nya na naman si Shea. Kailan ka ba titigil, Zack!”

“I told you. Hindi sya titigil hangga’t hindi sya kontento,” sabi ni Reid.

“FUCK SHIT, FUCK SHIT, FUCK SHIT!” paulit-ulit kong sabi habang binabalibag at hinahagis ang ano man na mahawakan ko.

Hindi na sya natuto, hindi sya makontento at hindi sya titigil. Kaya hindi ako nagpakita kay Shea dahil sa kinuha ni Zack ang kapangyarihan ko.

***FLASHBACK***

Nandito kami ngayon sa mansion at naghahanda para sa gaganaping piging para kay Shea. “Handa na ba ang lahat?” tanong ni Mark.

“Yes, H’wag kang excited dahil hindi ikaw ang hahandaan,” sabi ni Xian.

Nag-pout naman ang mokong. Iniwan ko muna sila upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa wakas ay bumalik na ang reyna ng buhay ko. Ang taong pinakamamahal ko at mahal ako. Ang taong alam kong hindi ako iiwan.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now