CHAPTER 26: GIGIL SI SHEA

759 32 0
                                    

TINTIN’S POV

“It’s almost done!” Natutuwa kong sabi.

Shocks! Humanda ka na fake Shea!

“Tara na para mapaalis na ang impostora,” sabi nito at sa totoo lang ay excited sya masyado.

“Wait! H’wag tayong magte-teleport. Maglakad naman tayo,” sabi ko at saka ko sya hinila.

“Tinatamad akong maglakad, Tintin.” Nakangusong sabi nya.

“Ano ba, Jean. Hindi ito ang tamang oras para mag-inarte ka,” inis na sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa loob ng palasyo. Pagpasok namin nakita namin na naglalaro ng tumbang braso si Xian at Mark. “Hey! Where’s the King and the  Queen?” tanong ko sa apat na kumag.

“Sa taas,” sagot ni Xian.

Umak’yat na kami at hindi pa man kami makakatuntong sa huling baitang ay may nakita kaming babaeng sumisilip sa k’warto nila King. Nagulat sya sa nakita nya sa loob. “Si Queen,” sabay naming sabi ni Jean.

Akmang bubuksan na sana nya ang pinto pero pinigilan namin. Hinila namin sya. “TEKA SANDALI—” Tinakpan namin ang bibig nya.

“H’wag kang maingay, Queen,” bulong kong sabi sa kanya.

Tila naman natauhan sya ng makita kami. Tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bibig nya. “Alam nyo ba kung sino ang kasama ng King nyo ha!” pabulong nitong sigaw sa aming dalawa at nangigigil pa. “Alam nyo bang impostora ‘yang malading, Jaira na ‘yan! HUMANDA TALAGA SA ‘KIN—” Hinila na naman namin sya ni Jean ang lakas nya talaga nakakainis.

“Sandali lang Queen alam namin na hindi ikaw ‘yon,” sabi ni Jean.

“Alam nyo naman pala, e. ALAM NYO RIN BANG NAKIKIPAGHALIKAN SYA SA BABAENG ‘YON? HA!” sigaw nito sa ‘ming dalawa ni Jean.

“Hindi,” mabilis na sagot ni Jean.

“Alam na namin ang totoo. Kaya easy lang, okay?” pagpapahinahon ko sa kanya. “Eto na nga oh!” Pinakita namin ‘yong potion at salamin.

“Sa’n nyo naman nalaman ‘yan?” tanong nya.
“Sa libro mo,” sagot ko naman.

“Iyong libro ng truth and lies?” tanong nya.

“Oo, kaya kailangan na natin syang maibunyag. Kaya tara na.” Hinila ko sya papunta sa k’warto nila.

Sa paglapit namin sa pinto nanguna na si Queen. Anak ng tinapa. Ganto ba talaga kaselosa si Queen.

“HOOYY! WALANGYA KA! AKALA MO BA MAGAGAYA MO ‘KO? AKALA MO BA HINDI KO ALAM NA IKAW SI JAIRA HA!” Gulat na gulat si King sa nakita nya.

Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. “Tsk? Sabi na nga ba at impostor ‘to, e,” sabi ni King sa kanyang isipan. Alam naman pala hindi pa gumawa ng paraan? “Nagseselos sya. Ang cute nya talaga kapag nagagalit sya.”

Anak ng tinola. Gusto nya pa ang nangyayare?

“HOYY! HINDI AKO IMPOSTORA! BAKA IKAW!” sigaw ng fake na Shea. 

Tsk? Tignan lang natin.

“Ah? Talaga? Tignan mo ang sarili mo sa salamin.” Tinapat ko ang mukha nya sa salamin at sabay buhos ng potion.

“AHHH! WHAT THE— EIIIWWW! BA’T ANG PANGHE!” sigaw nya.

“TANGA! SARILI MONG IHI ‘YAN! Ayan at lumabas na ang totoong ikaw,” sabo ko at sa totoo lang ay maganda naman sya pero mas maganda naman si Shea.

“ARRGGG! WALANGYA KA! SINIRA MO ANG PLANO KO!” Bigla naman itong nagbago ulit ng anyo.

Wengya. Mukhang may laban na magaganap ah?

“E’di waw,” pilosopa nyang sabi.

Ayan ang totoong Shea. 

“PAPATAYIN KITA, SHEA!” Susugudin na sana ni Jaira si Shea pero humarang si King. 

Wooow?

“Tara kuha tayong pop corn!” Tuwang sabi ni Jean.

“King! Anong nangyayare-” naputol ang sasabihin ni Xian dahil sa nakita nya.

“May bisita pala tayo ‘di nyo kami na-inform?” ani ni Reid.

“Uyy! Si Jaira pala ‘yan?” saad naman ni Mark.
Kilala nila si Jaira? Waw? Hindi rin po kami na-inform na kilala nyo! Mga b’wisit!

“Kilala nyo ‘yang impostora na ‘yan?” Kunot noong tanong ko.

“Oo sya ‘yong babaeng patay na patay kay King,” sagot ni Shaun.

“Ah gano’n?” sabi naman ni Shea.

Tumingin sya kay King na ngayon ay nakatingin sa Jaira. Nanlaki ang mata naming lahat dahil sa nakita namin at nasaksihan. Paano ba naman sa isang iglap lang natalo na agad ni Shea si Jaira. No’ng tumingin sya kay King ‘yong iyong kaliwang palad nya ay nakatapat kay Jaira at viola… isang malakas na light magic ang pinakawalan nya at ayon tumba ang Jaira.

Napatingin naman sa kanya si King. Gulat at hindi makapaniwala. Pakiramdam ko nga mamatatawa ako dahil sa nakikita ko ngayon. “How did you do that?” gulat nyang tanong.

“Alam mo ba ang pakiramdam na ‘yong taong mahal mo nagsinungaling sa ‘yo?” sabi nito sa malamig na tono.

“W-what d-do you mean?” tila ba nanlamig si King sa sinabi ni Shea.

“Bakit mo tinago na kinuha ni Zack ang kapangyarihan mo?” tanong nito at makikita sa mga mata ni King ang nagbabad’ya nitong luha sa mata ni Shea ay nagbabad’yang pumatak.

“I-I’m sorry,” niyakap ni King si Queen.

Tila ba nanonood ako ng Korean nobela sa kanila. Ang sweet talaga ng King Zarch kay Queen Shea. Pashnea WALANG POREBER!

“Zarch, hindi mo ‘ko kailangan palaging protektahan sa kapatid mo, e. Hindi mo naman kailangan palaging nasa tabi ko para lang masiguradong ligtas ako,” sabi nito habang umiiyak.

Ramdam ko ang sakit sa salitang binibitawan ni Shea at sa totoo lang ay nakakainis kasi na naglihim pa si King pero ang ganda talaga ni Queen Shea kapag umiiyak. Ang cute ng ilong e, namumula. “I’m sorry dahil tinago ko sa ‘yo. Lalo na noong kinuha nya ang kapangyarihan ko.” Kumalas sa pagkakayakap si Queen.

“Zarch… kung mahal mo ‘ko dapat may tiwala ka sa ‘kin… tiwala na syang makakapagpalakas sa ‘kin na syang magbibigay inspirasyon sa ‘kin!” sabi nito at sa totoo lang ay hindi ko na kinakaya ito.
 

 
SHEA’S POV

Kahit manlang konting tiwala maibigay nya sa ‘kin. Gusto ko syang suntukin pero hindi p’wede g’wapo sya, e. “I’m so sorry my Queen. Hindi ko inaasaan na gan’to ang mangyayare,” paghihingi nito ng tawad.

“P’wes! I-EXPECT MO NA ‘YON ZARCH! ALAM MO NAMAN KUNG GA’NO KA TUSO ANG KAKAMBAL MO HINDI BA?” sigaw ko sa kanya.

Nakita kong babangon ‘yong hinayupak na Jaira. Kaya tinapat ko ang palad ko at napayuko sila sa sobrang lakas ng ginawa ko. Dito ko tuloy naibuhos ang galit ko. Baka mapatay ko ng tuluyan ang babaeng ‘yan pag nagkataon.

“Tapos na ang usapang ito. Kailangan ko ng magpahinga.” Umalis ako sa harap ni Zarch.

Pero ‘di pa man ako nakakalayo bigla ko syang sinuntok dahilan para mapaupo sya sahig. Pasensya na ‘di ko napigilan, e kahit sya pa ang King. Kahit pa ang g’wapo ng mukha nya. Masarap kayang lagyan ng konting bangas. Umalis na ako at pumasok sa k’warto ko. Med’yo nahimasmasan ako dahil sa ginawa ko. Gano’n pala ang pakiramdam ‘pagnakasuntok ka?
Gan’yan talaga ‘pag ‘di ko napigilan ang galit ko sa kanya. Hindi lang ‘yan ang unang beses na nasuntok ko sya dahil ‘yong una ay no’ng tumabi sya sa ‘kin no’ng nasa palasyo nila ako. Tsk? Ang manyak kasi.

(Pagsubok na iyong kakaharapin
Lakas loob na harapin.
Maging ang pinakamalakas ay iyong tatalunin.
Puso’y pigalan na tuksuhin.)
 

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon