CHAPTER 16: THE BOOK

1.1K 36 0
                                    

SHEA’S POV

Isang linggo. Isang linggo na akong nandito sa palasyo. Isang linggo na din akong walang balita kila nanay at tatay pati kila kuya. Kamusta na kaya sila matapos ang nangyare noong nakaraang linggo? Ayos lang kaya sila? Hasyt! Nami-miss ko na sila.

“TAKTE KA MARK! AKIN NA ‘YAN!” sigaw ni Tintin.

Paano ba naman ‘yong sinulat nyang love letter nakuha ni Mark. Eto namang Mark binasa ng malakas para asarin si Tintin. “I LOVE YOU BABE MAHAL NA MAHAL KITA! TANDAAN— ACCCKKKK!! SHIT,” hindi na ata naka pagpigil ang gaga at ginamit ang kapangyarihan nya.

“Ahdjfkfjdjdbdjsjsk,” ani ni Mark.

Iyong ulo nya kasi hanggang leeg may tubig. Kinuha nya na ang pakay nya pagtapos ay sinunog ‘yon. “Ayan tapos na!” Tuwa nyang sabi at inalis na ang water ball sa ulo ni Mark.

“Hasyt! Tama na nga ‘yan! Nasaan nga pala si Zarch?” tanong ko.

Hindi ko sya nakikita tuwing umaga sa palasyo. Marahil ay abala sya. “don’t know?” sabi naman ni Jean.

“Baka naman nambabae na.” Natatawang sabi ni Mark.

Bigla ay binalibag ko ang vase sa may tabi nya dahilan para mapatingin sya sa ‘kin. “Anong sabi mo, Mark?” Taas kilay na tanong ko.

“I mean baka abala… hehehehehe,” Saka sya nag-teleport dahil alam nyang mapapatay ko sya.

Nalaman kong ini-stalk ako ni Zarch. Si Zarch na g’wapo. Si Zarch na aking hari ay isa palang stalker ko? What the fuck? Pero may gumugulo pa din sa isipan ko. Ang libro ko. Kailangan kong mahanap ito. May mga tanong pa na hindi nasasagot. May mga alala na nawala sa ‘kin na hindi pa nababalik.

“Anong iniisip mo?” tanong ni Tintin at saka sya umupo sa may tabi ko.

“Iyong libro ko,” sagot ko at kumunot naman ang noo nya.

“Libro? Iyong itinago mo?” sabi naman ni Jean.

Ngayon ay nasa kabilang side ko na. Bali ako ang gitna. “Oo, inaalala ko kung saan ko ito itinago. Nando’n lahat ng mahahalagang bagay. Mahahalagang bagay na syang makakatalo kay Zack,” sabi ko.

Itinago ko iyon pero hindi ko maalala kung saan. “Pero ‘di ba’t ikaw lang ang nakakaalam kung nasaan ito?” sabi nama ni Tintin.

“Oo nga pero hindi ko na talaga alam kung nasaan. Hindi ko maisip kung paano ko iyon itinago,” sabi ko at hinilot-hilot ko ang sintido ko.

Nakakainis. Saan na ba kasi ‘yon? Ang hirap labanan ang pagiging makakalimutin. “Tara. May pupuntahan tayo,” sabi ni Jean at hinatak ako.

“Saan naman tayo pupunta?” takang tanong ko.

Nagkatinginan sila ni Tintin at ngumiti sila pareho. Mukhang nagkasundo ang mga isip nila. “Basta. Sigurado akong masisiyahan ka!” saka kami tumakbo.

Sa pagtakbo namin palabas ng palasyo may kung anon nag pa-flashback sa utak ko. Kaya naman napahinto ako at napahawak sa ulo ko. “Ayos ka lang ba?” taka at nag-aalalang tanong ni Tintin.

“O-oo a-ayos lang ako,” sagot ko naman.

“Hmm… siguro mag-teleport na lang tayo para mabilis na makapunta sa lagusan,” sabi ni Jean at hindi na ako nakapagtanong pa dahil bigla na lang kami nag-teleport ngayon ay nandito na kami sa isang malaking black hole.

“Black hole? Kailan pa nagkaroon nito?” takang tanong ko.

“Simula ng mawala ka,” sagot ni Jean.

Parang nakita ko na ito pero imposible. Bahala na nga. Hindi ko na kayang isipin ang ibang bagay. “Sino naman ang gumawa ng black hole na ‘yan?” tanong ko dahil wala sino man ang mga taga Chantries ang p'wedeng gumawa nyan.

“Hindi namin alam. Dahil sa paghahanap namin sa ‘yo noon. Napadpad kami dito at aksedenteng nahulog kami d’yan,” sabi nito at saka tinuro ang black hole.

Nahulog sila? Pa’no sila nakabalik? Pinagmasdan ko ang black hole. Kasing laki ito ng isang tangke. Pero makikita mong malalim ito.

“Tara na!”

“Wait— AHHHHHHHHH,” hindi na ako nakapagpigil pa dahil sa bigla nalang akong tinulak ni Jean sumunod naman sila sa ‘kin.

Habang pababa kami sa may baba may liwanag. Sobrang liwanag pero ‘pagtinignan mo sa taas isa lang itong butas. Sino ba ang may gawa nito?

“AHHHHHHHH,” sabay sabay naming sigaw.

ZACK’S POV
Hindi ako papayag. Hindi ako p’wedeng magpatalo ng gano’n-gano’n lang. Hindi rin ako papayag na hindi ko sya makuha ulit. Ngayon pa? Ngayon pa na nandito si Zei. Ngayon pa na isa din sya na kakalabanin ako makuha nya lang si Shea. Hindi... hindi p’wedeng makuha ng kahit na sino man si Shea sa ‘kin. AKIN LANG SYA! Ako lang ang nagmamay ari sa kan‘ya AKO LANG!

“Nahanap nyo na ba kung saan sya nagkukuta?” tanong ko sa aking masugid na alagad.

Hindi naman ako napuruhan ni Shea kaya naman ay nakapagpagaling ako kaagad. ”Hindi po talaga boss,” sabi nito.

“FUCK! WHERE IS HE? Magaling talaga maglihim at magtago ang gago.” Napa smirk ako.

Umalis na ang aking alagad. Nag-isip ako na p’wedeng gawin upang makuha ko ulit ang babaeng akin lang talaga.

SOMEONE’S POV

Isang magandang pagkakataon para sa ‘kin ito. Walang sino man ang p’wedeng humadlang at walang sino man ang p’wedeng makakaalam. Kailangan ko munang maalis sa landas ko ang mga taong p’wedeng humadalang na mapasa akin sya.

“Did you find the book?” I asked on her.

“No. She’s really smart to keep it,” she said.

Sya ang babaeng patay na patay kay Zarch. Kaya gusto nya itong mapasa kanya Magkakasundo kami dahil do’n. Sa kanya si Zarch sakin si Shea. The only thing that I need to do is to find that fucking book. Lahat ng tungkol sa lahat ay nando’n pati ang paraan para tuluyan ng mawala si Zack. Isinulat nya ‘yon bago sya mawala.

“So? What's the plan to them? Paano ko makukuha si Zarch? At paano mo masisiguradong magagamit mo ‘yan kay Shea?” masyado syang madada kaya minsan naiirita ako sa kanya.

Kaya kailangan kong magtimpi dahil kakailanganin ko sya. Tinuro nya ang kaliwang kamay ko. “Yes of course,” I confidently said. “YOU’RE MINE! ONLY MINE!”

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now