CHAPTER 29: SAVE MY BEST FRIEND

705 27 0
                                    

SHEA’S POV

Akala ko napuruhan sya sa ginawa ko sa kanya pero tingin ko ay nagkamali ako. Tsk? Akalain mo? Nabuhay pa ang impakta! Siguro nakipagkasundo sya sa mga demon’yo kaya ang haba ng buhay nya. Bakit ba ang tagal mamatay ng masasamang damo?

“Nagulat ka ba?” Nakangisi nyang sabi.

Binigyan ko sya ng nakakalokong ngiti. Hindi mo na ako muling masisindak, Jaira. Nakita ko kung paanong mawala ang ngiti nya at napalitan ng pagtataka. “Gulat lang, walang ka ba,” sarkastikong sabi ko.

Naiisip ko tuloy ano kaya ang magiging anak nila ni Zarch kung sakaling sila ang nagkatuluyan? Baka lahat may sungay na pangit tignan.

“And why?” tanong nya.

“Nagulat ako dahil buhay ka pa pero kaba? Bakit ako kakabahan? Bakit sino ka ba?” sarkastikong sabi ko at saka ko sya nginitian.

Hindi ko alam kung ba’t ako napangiti. Para kasi akong nae-excite na ewan? “I think you should know where your friends are,” ani nito at lumapit sya sa ‘kin.

Umikot sa paligid ko. She snap her fingers. Waw? Karakas naman nito daming ginagawa sa buhay pero nagulat ako ng makita ko ang dalawa. “Jean, Tintin.” Akmang pupuntahan ko sana sila kaso may hindi ako inaasahan na aatake sya.

Kaya naman tumalsik ako sa kabilang sulok nitong basement. “Wow… I didn’t mean to do that. Napalakas ata~” ani nito na nang-aasar pa.

Sige pagbibigyan kita. Hindi nya kasi alam kung anong kakayahan mayro’n ako. Hindi ko ibibigay ang buong lakas at kapangyarihan ko sa kanya. Baka masayang lang, e. Baka mamaya mawalan ako ng lakas.

Tumayo ako at pinunasan ang konting dugo sa labi ko. “Nice one,” puri ko sa kanya at saka ako ngumiti sa kanya ng nakakademonyo.

“Arrrrgggg! Nang-aasar ka ba!?”

“Ayy bakit naasar ka ba?”

Mabilis sya nakalapit sa ‘kin at sa pagkakalapit nya ay agad nya akong natamaan ng kanayang malakas na suntok. Tumalsik na naman ako sa kabilang sulok. Sakit na ng balakang ko. For once again, napangisi ako. Ako naman ang gaganti tignan natin kung makakaganti ka sa ‘kin pabalik. “Alam mo bang alam ni Zarch na ikaw ay pekeng ako? Pero hindi nya sinabi dahil natutuwa sigurong makipag-flirt sa ‘yo,” sabi ko at tila ba para na syang isang dragon dahil sasabog na sa sobrang galit.

Nakakatuwang tignan ang nakakainis nyang mukha at ang inaasahan ko… inatake nya ako at tumalsik na naman ako sa pangatlong pagkakataon. “Ano, Shea? Kaya mo pa? Akala ko ba malakas ka? Bakit hindi mo ‘ko gantihan?” mayabang na sabi nito.

Hindi ko sya ginagantihan muna dahil do’n ako mas lalakas sa oras na napuruhan na ako. Ngayon naman ako naman ang aatake sa ‘yo. “Now it’s my turn,” sabi ko at sa pagkakataon na ‘to ay hindi nya inaasahan ang atake ko kaya naman sya na ngayon ang tumalsik.

Pero mas malala sa kanya dahil limang pader ang tinalsikan nya. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at agad kong nilapitan ang dalawa at nagteleport paalis ng basement. Nang makapag-teleport ako ay nagulat sila Mark ng makita ang dalawa ko. “Queen! Anong nangyare? Ba’t sila puro sugat?” tanong ni Mark.

Wala akong panahon magpaliwanag kaya umalis agad ako para turuan ng leksyon ang bruhang si Jaira. Kailangan ko silang magamot agad. “Oh? Masakit ba?” pang-iinsulto ko sa kanya.

“Tsk? Hell no!” 

Aba’t masamang damo nga!

Nagpalit ako ng anyo at suot. Tumingin ako sa kanya at saka sya sinugod ulit. Napasinghap sya sa ginawa ko. “Surprise!” sabi ko at mabilis ko syang inatake gamit ang tubig.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now