CHAPTER 25: I'M BACK

717 29 0
                                    

SHEA’S POV

Ngayon ay babalik na ako sa Chantries, ang kaharian na kinalakihan ko. Walang kaalam-alam ang mga tao sa mga mangyayare ngayon o sa susunod na araw. “H’wag kayong mag-alala dahil hindi ako papayag na may mangyare sa Chantries pati na rin sa inyo.”

Pinagmasdan ko sila at napangiti ako dahil nakikita ko silang masaya. Sana wala na lang gulong mangyare. Sana ay ‘wag na lang ituloy ni Zack ang binabalak nya. Umalis na ako at pumunta sa palasyo. Hindi ko rin isasakripisyo ang mga kawal dito pero kailangan ko ang tulong nila. Sa pagdating ko tila ba nagbabad’ya ang luha kong bumagsak.

“Maligayang pagdating, Queen Shea,” bati no’ng kawal.

Ito ang totoong tahanan ko. Nandito kaya sila ina? Sana nandito pa sila at sana ay hindi nila ako nakalimutan matapos ang mahabang panahon. “Nandito ba ang aking ama’t, ina?” tanong ko sa kawal.

“Opo.” Nakayukong sabi nya.

Tumakbo ako dahil excited akong makita sila. Umak’yat ako sa taas at binuksan ko ang bawat silid. Sa huli kong pagbukas nakita ko ang dalawang taong importante sa ‘kin. Taong ‘pagnakikita ko pakiramdam ko kompleto na ako.

“Shea?” Nagulat na sabi ni ina.

Isang magandang babae ito. Bilog na mata, mapupula ang labi at matangos na ilong. Sa kanya ko nakuha ang malaporselana at brown kong buhok. “Ina.” Dinamba ko sya ng yakap.
Na-miss ko sya, na-miss ko sila. Na-miss ko ang palasyo ko. “Ikaw ba talaga ‘yan anak?” tanong ni ama.

Sa kanya ko naman namana ang aking mata. Mapupungay ito at kulay brown. “Opo ama,” sagot ko at niyakap ko din sya.

Na-miss ko tuloy sila nanay at tatay. “Pa-paanong nakabalik ka?” hindi makapaniwala si ama.

“Sinumpa kong babalik ako ‘di ba, Ama? Eto na ako ngayon… nasa harapan nyo.” Tuwa kong sabi.

“Tama… ang munti naming prinsesa ngayon ay nandito na,” sabi ni ina na naluluha. “Isa itong magandang balit,” ani pa ni ina.

“Oo aking mahal. Ano kaya kung tayo’y magdiwang?” sabi ni ama at natuwa naman ako.

Sobrang saya nila dahil alam nilang nakabalik ako at masaya rin ako na makasama sila. Katulad ng sinabi ni ama ay naghanda sila nagkaroon ng konting salo-salo. Wala sila Jean dito dahil hindi ko pinasabi. Ayaw ko munang maputol ang kasiyahan ni impostora dahil may surprise ako sa kanya sa pagbalik ko sa Prilium kingdom. Ang aming mundo ay binubuo ng ibat-ibang dimensions.

Chantries kingdom is the most powerful kingdom in all dimensions. Ang kasunod ay ang Prilium kingdom ang kaharian kung saan ako naligaw. Kaharian kung saan naninirahana sila Zack, Zei, Zarch at Reid. Plajion kingdom ay dito naninirahan ang mababangis at malalakas na nilalang. Phalion land ang land kung saan ang mga kalahating tao kalahating leon naninirahan. Chanque kingdom dito naman naninirahan ang mga paroa kung tawagin. Eto ‘yong kalahating tao kalahating paro-paro. Light kingdom kung saan may tatlong b’wan. Dito walang dilim pero makikita mo ang tatlong b’wan dahil sa sobra nitong lapit at dito din naninirahan si Jarea. Dark Kingdom Katulad din ng light pero walang liwanag. Dahil kahinaan nila iyon pareho. Air kingdom dito naninirahan si haring Airon at ang asawa nyang si Aira at ang anak nilang si Tamaro. Water kingdom katulad nila Tamaro at Jarea dito nakatira si Akira. Earth kingdom dito naman kanatira si Takira at ang huli ay fire kingdom kung saan naninirahan si Thea.

“Oh, Anak. Bakit nand’yan ka? Halika at makisalo sa amin,” sabi ni ina.

Nandito kasi ako ngayon sa ko silid. Ayaw ko makisalo sa kanila. “Ayos lang po ina. Sige na po baka hinahanap na kayo ng ating mga bisita,” sabi ko at tumango sya.

“Sige anak. Magpahinga ka nalang muna. Mahal kita Shea,” sabi nito at saka nya ako niyakap.

Wala talagang makakatalo sa pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang anak. Umalis na si ina sa k’warto ko. Gusto ko munang irelax ang sarili ko. Madami ng nangyare simula ng bumalik ako at sana matapos na itong gulo. Gusto ko nang bumalik ang lahat sa dati.

JEAN’S POV

Alam mo ba ‘yong pakiramdam na nandidiri ka? Maski nga laway ng ibang tao ayaw mong dumadapmi sa ‘yo, e. Kasi ako ‘yon ang pakiramdam ko. Ngayon na malapit na namin makumpleto ang sangkap parang gusto kong sumuko dahil sa pang huli naming kukunin.

“Ikaw na ang gumawa kaya mo na ‘yan.” Pagtataboy ko kay Tintin tutal sya naman nakaisip nito lahat.

“Teka? Bakit ako lang? Samahan mo ‘ko tungangot ka.” Hinila nya ako papasok ng banyo.

“Oh, paano tayo kukuha ng ihi aber?” pagtataray ko.

“Tsk? Manahimik ka muna p’wede?” inis na sabi nya at natahimik naman ako. “Paparating sya,” ani nya at nataranta kaming dalawa. Saan kami magtatago? “Alam ko na.” Ginamit nya ang kapangyarihan nya upng maging ivisible kaming dalawa at hindi kami makita ng fake na Shea. “H’wag kang gagawa ng ano mang ingay ha,” bulong nya at narinig namin na bumukas ang pinto ng banyo.

Anak ng tokleng naman oh! Hindi ko alam kung ano bang binabalak nitong babaeng ‘to. OMG My virgin eyes. Huhuhuhu. Ipinikit ko ang mata ko at maya-maya ay narinig ko ang pag-flush ng toilet. “I got it!” tuwang sabi ni Tintin.

Ang galing naman? Paano nya nagawa ‘yon?

“Saan?” Pinakita nya sa ‘kin ang isang maliit na bote.

“So? Ano na ang gagawin natin?” tanong ko sa kanya.

“Malamang aalis na. Pumunta na tayong basement.”

Nag-teleport na kami sa basement. Pinaghalo-halo namin ang sangkap. Pakukuluan mo sya tapos may bibigkasin kang magic word para tumalab ito. Ewan ko nga ba dito sa babaeng ‘to ang daming alam. Wizard ba sya?

“Finish!” Pinakita nya sa ‘kin ang bote na may lamang kulay orange.

“Tara na. Kailangan na natin maialis ang impostorang gumagaya kay bessy!”

Yes! I’m so excited para masabunutan ko sya ng TODO!

SHEA’S POV

Ngayon ay pupunta na ako ng Prilium. Babalik na ako sa kaharian ng pinakamamahal ko. Ang kaharian namin ni Zarch. Teka nga… pano ‘to, e, may fake na Shea sa bahay? Baka mamaya hindi ‘yon maniwala sa ‘kin. Hasyt bahala na nga! Ilang minuto lang ay nandito na ako sa palasyo. Napangiti ako kahit na may impostor dito wala naman makakatalo sa ‘kin dahil ako ang mas mahal ni Zach.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko sila Shaun, Mark, Xian at Reid. Gulat na gulat. “Queen? Hindi ba nasa loob ka? Paanong napunta ka d’yan at iba na ang suot mo?” takang sabi nila at hindi talaga nila alam na peke ang isang ‘yon.

“I’m not that one, idiot!” Napakunot naman sila. “Where’s your king?” tanong ko at nagsitinginan sila sa isa’t-isa.

“Nasa loob kasama mo,” sagot naman ni Mark.

“Kasama ko o kasama ng impostorang ako?” inis na sabi ko at hindi nila alam ang isasagot sa ‘kin.

Umak’yat ako para makita ang babaeng impostora. Humanda ka sa ‘kin dahil magtutuos tayong dalawa. Sa pag-ak’yat ko nakita kong bukas ang silid namin ni Zarch. Hindi naman litiral na naka bukas dahil naka awang lang sya kaya sinilip ko ang loob. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. WALANGYA KA ZARCH!

(Ang reyna ay nagbalik na,
Impostora’y mapapalayas na,
Ang na-iisang tunay at walang katulad na reyna,
The lost queen of the king… Shea)

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now