CHAPTER 17: BACK AGAIN (Family)

1.1K 40 1
                                    

SHEA’S POV

Alam nyo ‘yong pakiramdam na para kang nag-suicide? Iyong akmang tatalong ka sa mataas na building? Iyan ‘yong pakiramdam ko ngayon. Pero ‘di ko naman balak magpakamatay ‘no! May misyon pa ako. Sa pagkakahulog namin sa black hole napadpad kami sa isang mansion. Kanino naman ‘to?

“Kanino naman ‘tong mansion?” tanong ko sa kanila.

“Kay King,” sagot ni Jean.

Maganda sya at ang daming halaman may maze pa nga dito, e. Napaisip ako sa naisip ko at saka ko tinitigan ang maze. Hindi ako p’wedeng magkamali dahil ito ang maze na nasa panaginip ko. So, ibig sabihin si Zarch ‘yon?
Pumasok kami sa loob para din syang palasyo pero mas malaki naman ang palasyo kaysa dito. Unang bumungad sa pagpasok namin ang hagdan na may red carpet. Tama nga ako ito din ‘yong binabaan ko nang oras na ‘yon.

“Naiisip mo ba minsan kung bakit hibang na hibang sa ‘yo si Zack?” tanong ni Tintin.

Napatingin ako sa kanya. Oo nga, naiisip ko ‘yon pero ni minsan ‘di naman sumagi sa isip kong gagawin nya ang mga bagay na hindi kayang gawin ni Zarch. Pero dahil sa kahibangan ng kapatid nya na makuha ang trono at kapangyarighan at pagharian ang buong Chantries.

“Naiisip,” tipid kong sagot at umak’yat.

Ang ganda ng mansion. May naisip ako para mas lalong gumanda ‘to. Ginamit ko ang kapangyarihan ko at nilagyan ko ng konting palamuti ang buong lugar. Iyong chandelier ay nilagyan ko ng konti pang kinang.

“Ayan. Maganda na,” sabi ko at pumasok na ako sa k’warto.

Tsk? Pink ang buong room. Binago ko ang kulay nito at saka ko ginawang asul. Saka ko nilagyan ng design para ma-feel ko na nasa himpapawid ako.

(Shea)

Napatigil ako sa ginagawa ng may bigla na lang tumawag sa pangalan ko. Narinig ko ang mga foot step papalapit sa ‘kin. “Zarch?” Tinignan ko sya at napansin kong iba ang aura nito.

Hindi basta-basta papasok ng pinto si Zarch kung wala akong sinasabi. Iba din ang kulay ng mata nya, it’s green. This is full of anger. Hindi din sya si Zack. Hindi kaya si— “Zei,” hindi ko pa nakikita si Zei pero alam kong sya ito.

Hindi naman p’wedeng sya si Reid dahil bunso iyon. “Tsk. How did you know that I’m Zei?” tanong nya.

Tila ba nagyeyelo ang k’warto dahil sa malamig nyang boses. “Dahil kay, Zarch,” sabi ko at nakita ko ang pagkuyom nya ng kamao nya ng marinig ang pangalan ng kambal nya.

What’s wrong with him?

“That bastard,” sabi nito na may boses na galit.

Ba’t ba galit sila kay Zarch? Ano bang maling nagawa ng isang anak na ipinagtanggol ng kanyang ina?

“Ano bang ikinagagalit nyo kay, Zarch? Wala naman syang ginagawang masama ah!” sabi ko na para bang matagal na kaming magkakilala.

“Dahil sya ang rason kung bakit hindi ako makabalik sa Chantries. Sya ang rason kung bakit ako isinumpa ni ama’t, ina. Sya ang rason kung bakit ang dapat sa ‘kin ay napunta sa kanya,” sabi nito at hindi ko maintindihan.

Pa’no sya isinumpa? Biglang may kumatok sa pinto at sa isang iglap ay nawala si Zei at pumasok si Tintin. “Sinong kausap mo, Queen?” tanong nito.

Naiirita ako sa pagtawag nya sa ‘king Queen. “Dont call me, Queen,” walang ganang sagot ko.

Pumasok na ako sa banyo para maligo dahil sa putik kami napunta dahil do’n sa black hole.

ZARCH’S POV

“Kailan tayo kikilos kuya? Kung kailan mawawala sya ulit sa ‘tin?” sabi ni Reid.

May punto sya. Hindi p’wedeng madawit pa sya sa away naming tatlo. Nang dahil lang sa isang maling pagkakamali. “Hindi ko akalain na aabot ng ganito na pati si Shea ay kukunin nila.”

Hindi lang basta tungkol ito kay Shea. Gusto ko ng tapusin ang gulo sa pagitan naming tatalo pero paano ko gagawin ‘yon?

“Kung hindi lang sana namatay si ina dahil sa pag-aawat sa inyo ni Zack hindi sana hahantong sa ganito. At kung hindi lang sana isinumpa ni ama si kuya Zei ng dahil sa ‘yo e’di sana tahimik at walang away,” sabi nito.

Isa lang naman ang gusto ng bunso kong kapatid ang kapayapaan sa aming tatlo. Kung hindi sana naging sakim si Zack at nagsinungaling kay Zei. E’di sana buhay pa si ina. Kailangan kong masulusyunan ang gulong sinimulan ni Zack. Ang gulong syang naging dahilan ng pagkamatay ng aming ina. Sya ang puno at alam kong sya din ang dulo at hangganan.

“Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo,” sabi nito at umalis na.

Ayaw ko din naman na madamay sya dito. Sana maayos na ang gulong ‘to. Gulong si Zack naman talaga ang may gawa at hindi ako.

JEAN’S POV

Matapos kong maligo ay napanganga ako sa nakita ko. Hindi talaga sya mapakali kapagwalang bulaklak ang paligid. Tapos kumikinang-kinang pa. “Oh? Pasukan na ng langaw ‘yang bunganga mo, Jean!” sabi ni Tintin sa ‘kin.

Napatikom naman ako ng bibig ko. Nandito na pala sila hindi ko man lang naramdaman ang presensya nila. “Tara na!” sabi ko at hinila ko ulit si Queen.

Kahit ayaw nyang tawagin syang Queen ay tinatawag parin namin syang Queen. Malamang ay naninibago pa ito dahil matagal na rin mula ng huling matawag syang Queen.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong nito at hindi ko sinagot ang tanong nya at pinasakay ko na sya ng kotse.

After a minute here we are, here outside of their house to her family. Hindi alam ni Kristine ang sasabihin at hindi makapaniwala na nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila. “Bahay namin ‘to ah?”

“Tara sigurado akong naghihintay na sila sa ‘yo,” sabi ko at pumasok na kami sa loob.

Nakita kong nanonood ang tatay nya at ‘yong nanay nya naman naghahanda ng pagkain. Iyong dalawang kuya nya naman ay may kung anong pinag-aagawan.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora