CHAPTER 32: HER SACRIFICE

743 20 0
                                    

ZARCH’S POV

Kung kinakailangan lumaban ay gagawin ko. Para kay Shea at para sa ikatatahimik ng buong Chantries. Hindi ko akalain na magagawa nya ang bagay na ‘to. Na sasakupin nya pati ang mga dimension.

Bakit nga ba sya nagkakaganito?

“Alam mo Zack. Masmabuti ng ititigil mo na ito,” sabi ko at nag-iba sya ng anyo.

Red hair, Grey outfit and blue swords. “Tingin mo ba gagawin ko ‘yon?” Ngumisi sya at akmang susugudin nya ako pero naunahan ko sya. Tapos si Zei naman ay akmang maglalabas ng ice pero napigilan sya ni Zack kaya naman tumalsik sya. “Tsk? Balak nyo talaga akong pagtulungan ha?” sabat nito at saka nya sunod-sunod akong inatake.

Gano’n din ang ginagawa ko sa kanya. “Akalain mo Zack? Malakas kana ngayon dahil sa pagkuha mo ng kapangyarihan ni Zarch?” tila ba iniinsulto ni Zei kay Zack kaya naman pinuntirya sya nito.

Pero dahil mabilis kumilos si Zei ay hindi sya natatamaan. Nag-espadahan silang dalawa. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon. Dalawa laban sa isa.

 
 
SHEA’S POV

Natalo na namin ‘yong iba naming kalaban ngayon ang natitira nalang ay ‘yong kay Shaun. Nahihirapan sya dahil ‘yong mga ugat nito ay masyadong malikukot.

Bakit ba parang kiti-kiti ang mga iyon?

“Alam nyo ba kung anong gulo ang pinasok nyo, ha!” sumbat ko sa kanila.

“Oo naman alam namin kaya nga nandito kami, e. Para tulungan ka,” sagot naman ni Jean.

“Hindi ko kailangan ng tulong nyo!” sigaw ko at hindi ko alam pero parang may kakaibang kumirot sa dibdib ko ng sabihin ko ‘yon.

“Kaya ba nilihim mo ang tungkol dito? Kaya ba hindi mo sinabi sa ‘min? Ha?” ani ni Reid.

“Oo, dahil ayaw ko na may iniisip pa ako.” 

Habang kinakalaban namin ang mga malalaking puno na ito ay nag-uusap kami. Malapit ng dumilim. Pag nangyare ‘yon ay mas lalong lalakas ang mga ito. Mas lalong lalakas si Zack. Kailangan ko ng matapos para puntahan sila. Sa aking pakikipagpatintero dito ay may nakita akong familiar na mukha. Hindi p’wede. Nasa mundo sila ng mga tao kaya imposible. 

Paano sila nakapasok dito!

“Kristine!” may kung sinong tumawag sa ‘kin.

Nilingon ko upang malaman kung sino. “Kuya Chris! Anong ginagawa mo dito? Paano kayo nakapasok?” tanong ko.

Oo nga’t hindi sila ordinaryo dahil katulad namin sila. Pero paano nila nalaman ‘to? 

“Wait? Si kuya Christoper? Si nanay at si tatay?” tanong ko.

Anak ng tinola talaga. Imbis na wala akong alalahanin ay eto sila. Sa gitna ng laban may reunion. “Sige kung gusto nyong makatulong ay kayo na ang bahalang tumapos sa mga ‘yan. Babalik ako sa loob dahil ‘yong tatlo naglalaban-laban na. Hindi p’wedeng abutan ng liwanag ng b’wan si Zack dahil baka ito na ang maging katapusan nating lahat,” sabi ko at tumango sila at nag-teleport ako.

Sa pagdating ko naabutan ko silang naglalaban na tatlo. Nakita kong tumalsik si Zei. Sumunod ay si Zarch. Muntik pa ako matamaan ng katana nya pero nakailag ako kaagad. Nakangiti sya na parang demon’yo. “Akala ko ba malakas na kayo?” nang-iinsulto nyang sabi. Sinugod ko sya pero mabilis nitong sinalag ang espada ko. “Magaling ka parin, Shea.” Nakangiti nyang sabi.
Pero s’yempre nairita ako kaya naman ginamitan ko sya ng apoy. Natumbasan nya naman ito ng tubig. Sunod ay ginamit ko ang aking air blades at pinaulanan ko sya. Pero hindi iyon sapat dahil sad’yang malakas sya. Isang kisap mata ay mabilis syang nawala sa harap ko at ang sunod na nangyare ay nasa ibaba na ako dahil sa pagsipa nya sa ‘kin. Nakakainis dahil ang lakas ni Zack ay hindi ko sya magawang matalo.

“SHEA!” sigaw ng dalawa ang narinig ko.

Hindi ko ininda ang sakit. “Oh? Masakit ba?” -Zack

“Walang hiya ka Zack!”

“ZARCH!” tawag ko pero hindi nya ako pinakinggan at sinugod si Zack.

Si Zei naman ay inalalayan akong tumayo. “Okay ka lang ba?” tanong nya.

“ALA MO BANG GALIT AKO SA ‘YO!?” sigaw ko sa kanya.

“Oo alam ko.” Nakayukong sagot nya at hindi makatingin sa ‘kin ng diretso.

Naiiyak ako sa p’wedeng mangyare. Bakit ba kasi hindi nila ako sundin. Ano bang masama do’n! Nawala sa tabi ko si Zei at nakipaglaban din sa kapatid nya.

(SHEA! Hindi na namin kaya. Si Tintin may tama na.)

Mabilis akong nag-teleport. Nakita ko sila na pagod. Hindi! Maslalo na silang dumami. Tinignan ko ang kalangitan at doon ay sumilay na ang buwan.

“AAAAAAAHHHHHH.” Napatigil ang lahat dahil sa isang sigaw na umalingaw-ngaw.

Biglang nawasak ang pader sa may taas ng palasyo at nakita kong si Zei ‘yon. Simunod sa katabi ni ‘to ay si Zarch. “ARRGGHHH.” Napadaing ako sa kirot ng puso ko.

Bakit gano’n? 

“Anong nangyayare sa ‘yo, Shea?” nag-aalalang tanong ni kuya Christian.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Chris.

“Oo, ayos lang,” sagot ko kahit na med’yo kumikirot pa rin ito.

“Pagmasdan nyo ang katapusan ng dalawang ‘to!” sigaw ni Zack na ngayon ay hawak si Zei at Zarch.

“Kuya Zei, Kuya Zarch!” sigaw ni Reid sa pangalan ng dalawa nyang kapatid.

“Oh? Our little brother is here! By the way. May huli ba kayong habilin sa dalawang ‘to?” ani nito.

Wala ng malay si Zei. Si Zarch naman med’yo nanghihina na. Hindi kita mapapatawad, Zack! “BITAWAN MO SILA, ZACK!” madiin kong sabi.
Nakita kong ngumisi ito sa akin at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Hindi na ako natutuwa. “Why would I? Tingin mo ba palalampasin ko ‘to?” Bigla nyang hinagis si Zarch kaya naman mabilis ko itong pinuntahan.

“ZARCH!” naiiyak kong tawag.

Ang dami nya ng sugat na natamo sa laban nila ng ng kapatid nya. “S-She-Shea,” banggit nito sa pangalan ko kahit na nahihitapan na sya.
“Shhh! H’wag ka na magsalita… sandali,” sabi ko at sinubukan ko syang pagalingin para kahit papaano ay mawala ang sugat nya.

“SHEA!” Napatingin ako sa mga sumigaw.

Sila Jean, Tintin, Xian, Shaun at sila kuya Christoper, kuya Christian at nanay at tatay. Nakabitin do’n sa sanga ng puno at may kung anong nakaharang sa kanila. Si Reid naman ay hawak na ngayon ni Zack.

“BITAWAN MO ‘KO!” sigaw ni Reid pero ‘di sya pinansin ni Zack.

Natutuwa sya sa ginagawa nya ngayon. “Hindi nyo na magagamit ang mga kapangyarihan nyo dahil ginamitan ko na kayo ng mahika na syang maghaharang upang walang kapangyarihan ang p’wede nyong magamit laban sa ‘kin at sa aking mga alagad,” litanya ni Zack.

Ngayon ay naiyak na ako. Pero hindi ako p’wedeng sumuko. Sila lang naman ang hindi makakagamit dahil ako p’wede. Hindi na ako matatablan ng ganyan dahil kaya ko naman itong labanan. Kailangan ko na talaga gawin ‘to dahil wala na akong ibang mapagpipilian.

“Patawad Zarch, patawad sa inyong lahat. Kailangan na talaga itong matigil.”

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon