CHAPTER 2: SOMEONE

2.1K 80 0
                                    

KRISTINE’S POV

Nandito kami ngayon sa mall at hindi ko alam kung pang-ilang boutique na namin ito. Hindi ko alam kung anong gusto nya at ‘ni isa sa mga pinasukan namik ay wala syang mabili o ‘ni mapili man lang. Napahawak ako sa t’yan ko kasi nag-aalburoto na ‘yong mga bulate ko.

“Tintin, ano ba? Matagal pa ba ‘yan?” reklamo ko.

Tumingin sya sa ‘kin saka sya bumuntong hininga. “Tara na nga, kain muna tayo.”

Hinawakan nito ang kamay ko at saka nya ako hinila. Sa paghila nya sa ‘kin ay may nabangga ako at muntik pa akong masubsub. “So-sorry,” nauutal na sabi ko.

“Sorry,” sabi rin ng nabangga ko at ang lamig ng boses nya at parang nagyelo ang buong paligid.

Hindi ko alam kung sad’yang bumagal ang oras o sad’yang nagkataon lang. Napasinghap ako ng makita ko ang mukha nya. Parang pamilyar ito sa ‘kin at parang nakita ko na sya noon. Para akong na-estat’wa ng makita ko iyon at hindi ko alam ang gagawin ko.

“Kris, ano? Natulala ka na d’yan! Nagugutom na ako,” reklamo nya.

Teka? Ang pagkakaalam ko ako ang nagugutom, e. Muli ay hinila nya ako at halos hindi ko rin maalis ang tingin ko sa lalakeng nakabangga sa ‘kin. Kakaiba ang pakiramdam ko at sobrang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Nandito kami ngayon sa paborito naming kainan ang Jollibee, hindi kasi kami mahilig sa mga ibang mamahaling resto.

“Ano? Sa’n na tayo pupunta?” tanong ko.

“Sa... mmm? Sa park na lang!” Masiglang sabi nito.

“Teka? Anong mero’n sa park?” Kunot noong tanong ko.

“Kasi nando’n daw si Mark. Magkikita kami ngayon! Dinahilan ko lang ‘yong paglabas para sumama ka, hehehehehe,” ani nito at napatampal ako sa noo ko.

Hindi ko naisip na may jowa pala itong si Tintin at ginamit nya ako para magkita silang dalawa. Ang hirap maging third wheel. Nakakainis talaga ang babaeng ito kahit na kailan. Matapos naming kumain ay umalis na kami at pumunta ng park. Nakita namin si Mark na naghihintay din sa amin.

“Hi, babe!” Agad na tumakbo si Tintin kay Mark.

Tinarayan ko silang dalawa at naiinis ako dahil sa ginagawa nila akong third wheel para lang makasama nila ang isa’t-isa. “Bitter naman ng mukha mo, Kristine. Kailan ka ba magjo-jowa para hindi ka nagiging third wheel d’yan?” Nakangising sabi nito sa ‘kin at tila inaasar ako.

Gusto kong sapakin si Mark ng magkaroon naman ng kahit kaunting bangas ang mokong na ‘to. “Alam nyo ba nananapak ako? Iyan boyfriend mo malapit ng matamaan sa ‘kin ‘yan!" inis na sabi ko.

Pinagsisisihan kong sinamahan si si Tintin sa gala na ‘to. Gusto kong mainis din sa sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na mag-iisa na naman ako. Bumusangot ako at saka inis na tumingin sa kanilang dalawa.

“Ge, kita nalang tayo dito mamaya,” sabi ni Tintin at umalis na silang pareho.

Buti na lang talaga mahal ko ‘tong si Tintin. Kung hindi nako baka isumpa ko buong angkan nila. Umupo ako sa isang gilid at saka napatingin sa paligid. Bumuntong hininga nalang ako dahil sa nangyare.

“Shea.”

Bigla akong napalingon sa likuran ko. S’yete mukhang ‘di lang panaginip ‘yon ah? Nakakakilabot naman ‘yong tinig na ‘yon. Kinabahan ako dahil wala namang ibang tao dahil mag-isa lang ako dito. Nando’n sila sila sa may playground at naglalaro. Ako ay nandito sa isang gilid at nakaupo.

“Brrrr,” ani ko dahil bigla akong nilamig.

Tae. nakalimutan kong magdala ng Jacket. Kasi naman ‘tong babaeng ‘to. Hindi sinabi na gagabihin kami.


SOMEONE’S POV.

“You need to find her as soon as possible!” sigaw ko sa aking mga tauhan.

Where the fuck are you Shea? Why you need to do this shit things of me. Ilang taon pa ba ang kailangan kong hintayin para makita ka?

“Pero boss. Inilibot na po namin ang lahat ng sulok ng daigdig pero wala po sya,” ani ng aking tauhan at nakayuko ito.

“Kung gusto nyong mamatay ngayon sabihin nyo lang.” Nakangising sabi ko sa kanila.

“O-opo boss,” nauutal na sambit nito at umalis na.

“YOU ARE MINE, SHEA!” Nangigil ako sa galit kaya ‘yong baso na hawak ko ay nabasag. “I need to find you.”

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon