CHAPTER 6: FIRE

1.7K 66 0
                                    

SOMEONE’S POV

Salamat at nahanap ko na sya. Matapos ang maraming taon na paghahanap ko sa ‘yo ngayon ay nakita na kita. Hindi na kita pakakawalan pa, Shea.

“So? What’s the plan now that we’ve found her?” tanong ng aking kapatid.

“Nothing for now,” tipid kong sagot.

Ako ang nakita nya noon na naka-red hoodie pero hindi nya alam ‘yon dahil mero’n akong kakayahan na hindi kaya ng mga normal na tao lang. We’re not normal and we’re not just a human.

“Oo nga, pala! H’wag kang masyadong gumagamit ng teleportation. Baka mabuking tayo ng maaga!” singhal nya.

Hindi ko sya pinansin. Gusto kong malaman kung saan at kung ano ang ginagawa ni Shea. Isa pa ayaw kong may kung sinong lumalapit sa kanya. Umalis ako tapos pinagpaplanuhan kung kailan sya pababalikin.

“Soon you’ll be mine again, my queen,” bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung bakit sya umalis noon ng walang paalam sa ‘kin. Kaya hanggang sa lumipas ang panahon hinanap ko sya. Hindi ako sumuko dahil alam kong makikita ko rin sya. Then finally now I found her.

I didn’t expect na gano’n ang mangyayare dahil nang magkita kaming dalawa ay bigla na lang syang nawalan ng malay.


KRISTINE’S POV

Ilang araw ang lumipas at naging maayos naman ang lahat. Ngayon ay sabado at mero’n kaming PE class at first subject namin ‘to. Iyong new classmates namin ‘di ko pa name-meet dahil simula daw ng martes ay wala na sila.

Nandito kami ngayon sa locker room at nagbibihis ng PE uniform. Pagbukas ko ng locker ko may nahulog na papel at npatingin ako dito saka napakunot ang noo ko. Naalala ko na naman si Mr. Hoodie at hindi ko alam kung bakit.

“Saan naman ‘t galing?” tanong ko sa sarili ko. “Malamang sa locker mo, Kristine,” ani ko pa na kinakausap ang sarili.

Bunuksan ko ito at saka ko binasa. Tila nabato ako sa nabasa ko. Hindi ko alam pero parang may nag flashback sa ‘kin nang mabasa ko ito.

YOU’LL BE MINE AGAIN MY QUEEN

From: Zarch Zeil

-

“Ok class this is your practical test. ‘Pag hindi nyo ito nagawa zero ang grades nyo,” sabi ng professor namin.

Nakakasawa ang practical. I’ve always got lowest score since hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay. “Ang daya naman.” Nakangusong sabi ni Tintin.

Kung makareklamo naman ‘to akala mo matinong estud’yante, e. “Ok! Start,” sabi ng professor namin at nag-umpisa na kaming lahat.

Hindi ako marunong mag volleyball. Hindi ko naman alam kung paanong laruin ito. Minsan talaga ang daya ng professor namin pero wala naman kaming karapatan para magreklamo. Sino bang may gustong bumagsak ‘di ba?

“Ilag!” sabi ng isang classmate ko pero huli na ng mapagtanto ko.

Tumama sa ulo ko ang bola at sa lakad no’n ay halos yumanig ang buong mundo ko. Nanay neurons ko wala na! Saan pa ako kukuha ng isasagot ko para sa test? Napahawak ako sa ulo ko saka ako napainda. “Awww. Ang sakit,” ani ko pa. Kinuha ko ang bola at saka tumayo. Ngumiti ako sa kanila at saka sinabing, “Game! Ako naman.”

Hinagis ko ang bola at saka ako tumalon at saka ito hinampas. Ramdam ko ang init ng palad ko at nabigla ako sa sunod na nangyare. Napatingin ako sa bola at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

“SUNOG!” sigaw ni Tintin na nagpapanik
Nagliyab ang bola na hawak ko sa paghampas ko at hindi ko alam paanong nangyare ‘yon.

Malamang hindi nila ‘yon sasaluhin ‘no! Apoy kaya ‘yon!

“Wow, Kris anong nangyare? Ba’t nagliyab ang bola?” takang tanong ni Tintin sa ‘kin na hindi ko rin naman alam.

“Hi-hindi k-ko alam,” nauutal kong sambit.
Napatingin ako sa palad ko at namumula ito. Pero bakit gano’n? Hindi masakit? “Gosh? Girl ‘yong palad mo namumula— AWWW.” Bigla nyang binitawan ang kamay ko. Napaso sya sa kamay ko? Bakit may apoy ba ang kamay ko? “Bakit gano’n? Ang init ng kamay mo pero bakit parang hindi ka nasasaktan?” nagtatakang tanong nya.

Ako din nagtataka. This is the first time na nangyare ‘to. Baka may powers ako? Hindi ‘yon p’wede at imposibleng mangyare. Napatigin ako sa may likod ng puno. Iyong lalake na naman. Hindi kaya sya ang naglagay ng red paper sa locker ko?

“Sandali!” sabi ko saka ako tumakbo ako sa gawi nya pero bigla na lang syang nawala. “Nasaan na ‘yon?” nagtatakang tanong ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Sino ka ba talaga? Bakit lagi mo ‘kong sinusundan kahit saan ako magpunta? Hindi ko na alam kung nasaan ako at hindi ko na alam ang lugar na ‘to. Paano ako babalik? Bakit naman napadpad na ako sa gubat. Nakakainis natakasan ako ng lalakeng ‘yon at nautakan nya pa ako.

“MAY TAO BA D’YAN?” sigaw ko.

Lumingalinga ako sa paligid pero mukhang ako lang ata. Paano ako babalik? Hindi ko nga alam ang lugar na ito. “Why the beautiful girl like you is here at the middle of the forest?” Napalingon ako sa nagsalita.

Isang lalakeng may ash ang buhok at mero’n itong abong mga mata at naka dilaw na tshirt at black short.

“Si-sino ka?” nauutal na tanong ko.

S’yete napapadalas ata ang pagiging utal ko. “I’m Shaun and you are?” Isang malapad na ngiti ang ibinigay nito sa ‘kin.

“Kristine,” sagot ko naman.

Paano ako nito makakalabas e, nasa gitna na ako ng gubat. Unang beses ko pa lang dito at hindi ko naman alam paanong makakaalis. Pinagsisisihan kong pumunta pa ako dito. “Nice to meet you, Kristine, so what are you doing here?” Nakangiting tanong nya.

“I don’t know. Kanina kasi may sinusundan ako tapos nawala, then viola I’m here na,” naiinis na sabi ko.

Grabe ang g’wapo nya! Nanatili akong nakatingin sa paligid habang tinatago ang kilig sa katawan ko.

“Tsk? Tara ihatid na kita,” pagpiprisinta nya.

Tila nabuhayan ako ng loob sa pag-alok nya sa ‘kin. “Talaga?” paninigurado ko.

“Yep. Kaya tara na. Sigurado akong hinahanap ka na nila,” sabi nito at nauna na syang maglakad sa ‘kin at sumunod naman ako sa kanya.

Iniisip ko pa rin ‘yong red paper na nasa locker ko. Sino si Zarch Zeil?

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now