CHAPTER 3: MYSTERY GUY

1.9K 73 1
                                    

KRISTINE’S POV

Napamulat ako ng mga mata ko. Isang madilim na lugar. Paano akong napunta sa lugar na ‘to.
“TAO?” sigaw ko pero ume-eco lang ito. Nangangapa ako dahil sa dilim. “MAY TAO BA D’YAN?” sigaw ko ulit pero walang sumasagot. Nasaan ba ako? Anong lugar ‘to?

“You’re only mine, Shea.” Bigla akong kinabahan dahil sa tinig na narinig ko.
Ramdam ko ang kamay nya sa bewang ko at ramdam ko ang hininga nya. Naamoy ko ito at ang bango no'n, amoy mint. Sino sya? Bakit nya ako yakap-yakap?

“Si-sino ‘yan?” nauutal kong tanong.

Lumingon ako pero wala akong makita bukod sa dilim. Sobrang dilim ng buong paligid.

“YOU ARE ONLY MINE.” Naramdaman ko ang paghawak ulit nito sa bewang ko.

“AAAAAAAAAHHHHHH” sigaw ko.

******************

“Anak, anak. Gising!” Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tinig ni Nanay.

Panaginip! Pero, ba’t gano’n? Iyong boses na ‘yon… sya pa rin ‘yong humahabol sa ‘kin sa gubat. Sino ba sya?

“Anak madalas ka atang bangungutin ngayon ah? Masama ang ganyan. Ano bang napanaginipan mo?” tanong ni Nanay at tumingin kay Tatay tapos binalik ang tingin sa ‘kin.

“Ahh… w-wala lang po. Napanaginipan ko pong nahuhulog ako,” pagsisinungaling ko.

“Gano’n ba? It’s six o’clock in the morning. Anong oras ba ang pasok mo?” tanong ni Tatay.

“7:30 po. Sige ‘Nay, ‘Tay Maliligo lang po ako tapos baba na din po,” sagot ko at tumayo na.

“Sige anak. Magpapahanda lang ako ng agahan,” ani ni Nanay.

“Opo,” sagot ko at pumasok na ako sa banyo para maligo.

Madalas ko na atang napapanaginipan ang bagay na ‘yon. Ano bang mero’n sa taong ‘yon at lagi ko syang napapanaginipan nitong mga nakaraan? Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform at bumaba. Kailangan kong kumilos ng normal na para bang walang nangyare.

“GOOD MORNING!” Masiglang bati ko.

“GOOD MORNING MA’AM KRIS,” bati ng mga kasambahay namin.

Close ako sa kanilang lahat kasi alam kong mabait sila. T’saka hindi kukuha si Nanay ng yaya na hindi trustworthy! Pagbaba ko ay masigla akong nakita ni Nanay.

“Oh? Nak, kain na,” anyaya nito sa ‘kin at agad na umupo ako sa tabi ni Nanay.

Matapos kong kumain ay umalis na ako. Kahit may kotse kami hindi ako nagpapahatid. Mas gusto kong mag-commute. Nang makarating sa school at nakasalubong ko si Mark.

“Hi, best!!!” Masayang bati sa ‘kin.

Hindi ko gusto ang ngiti ni Mark kasi nakakairita. Hindi ko alam kung anong nakita ni Tintin sa kanya. Nakakapagtaka lang.

“KRIS!” Napapikit ako ng mariin ng marinig ko na naman ang mala speaker na boses ni Tintin.

“Alam mo nakakairita ‘yan boses mo,” inis na sabi ko sa kanya.

“Tsk. E, sa ganito kita tawagin, e.” Nakangusong sabi nya.

Binatukan ko sya dahilan para mapahawak sya sa ulo nya. Nakangusong tumingin sa ‘kin at hindi maipinta ang mukha. Pumasok na kami sa room. Magkaklase kami ni Tintin si Mark hiwalay dahil criminology iyong course nya.

“May bago tayong classmates!” Masiglang sabi ng classmate ko

“Oo nga! Balita ko mga g’wapo daw!” Kilig na sabi ng isa.

Hindi ako na-inform na may bago pala kaming classmate. Ang bilis din pala kumalat ng balita lalo na kung g’wapo. “Yes! New classmate again!” Masayang sambit ni Tintin.

Sinamaan ko sya ng tingin at saka tinarayan sya. Malanding nilalang talaga ang babaeng ito. “Gusto mong isumbong kita kay Mark?” pananakot ko.

Biglang sumimangot si Tintin at ngumuso sa akin. “Hehe! eto naman makikipag friends lang naman ako!” Nakangusong sabi nya pa.

“Kahit na!” sabi ko naman.

Dumating na ang professor namin at saka kami umayos. “Ok class. Alam kong alam nyo na may new dito right?” ani ni Ma’am.

Malamang naman ‘di ba? May pakpak ang balita! Kaya alam ng lahat. “Yes, ma’am.” Masiglang sambit nilang lahat at kinikilig pa.

“Ok, Boys come in,” ani ni Ma’am at saka sinenyasan ang mga taong nasa labat at may pumasok na limang lalake.

Pero nang pumasok sila bigla akong nanghina nakaramdam ako ng pagkahilo. S’yete. Kumain naman ako kanina ah? Hindi naman p’wedeng nalipasan ako. Isa pa wala naman akong maalalang low blood ako. Hindi uso sa ‘min ang low blood.

“Kriss! Are you, ok?” tanong ni Tintin.

“Oo,” sagot ko naman.

Napahawak na ako sa kaliwa kong dibdib dahil sa sakit at sa lakas na rin ng tibok nito at parang sutong kumawala sa loob ng katawa ko.  Ang sakit.

“Miss, Kristine. Ok ka lang ba?” tanong ng prof namin pero ‘di ko sya sinagot.

Nanghihina na talaga ako pati na rin ang kalamnan ko. “There you are,” sabi ng tinig at ramdam kong malapit lang sya. Ramdam ko ang hininga nya pero hindi ko sya makita. Bakit naman kaya gano’n? “Sabi ko naman sa ‘yo ‘di mo ‘ko matatakasan,” ani ng tinig na syang nagpatayo sa balahibo ko at ikinatakot ko na rin.

Sa panaginip ko ay isang lalake ang nakita ko pro ang labo ng mukha nya at ‘di ko maaninag masyado ang mukha nya. Pero ba’t gano’n? Parang ang lungkot nya?

“You are mine, Shea.” Iyan ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now