CHAPTER 30: THE BATTLE

655 23 1
                                    

SHEA’S POV

Ngayong araw na ‘to ang pinaka ayaw kong araw. Why? Kasi mamaya ang kabilugan ng b’wan. Dahil do’n mamaya na magaganap ang matinding laban. Sana patnubayan ako ng mga goddesness. Patnubayan nila ako sa malaking misyon na gagawin ko ngayon. Sana pagnatapos ‘to ay wala ng kasunod. Sana ‘pagnatapos ‘to ay maging ayos na ang lahat. Nandito ako ngayon sa hardin ng palasyo. Tumingin ako sa taas. Bughaw na langit at payapa kung tignan. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. May kung anong makirot dito at parang tinutusok ng maraming crayom.

Nangunot ang noo ko nang magningning ang gitnang dibdib ko at nang tinignan ko ito ay nakita ko ang k’wintas. Oo nga! Tama! Ang k’wintas na ‘to ang libro ko. Nahanap ko na! Hinawakan ko ang dulo nito kaya naman lumiwanag ito. Kailangan nga pala ng key word para mabuksan ko ito. Pero ano nga ba iyon? Inisip ko muna ngunit ‘di ko talaga maalala. Ano nga ba ‘yon?

“Hayst! Mamaya na lang nga.” Inilagay ko na lang ‘yong kwintas sa loob ng damit ko.
Aalalahanin ko muna kung ano nga ba ang key word nito.

***Flashback***

Sa isang liblib na lugar ako napadpad kakatakbo ko. Isa itong masukal na gubat kaya ‘di malayong maraming mababangis na hayop dito. Lingon ako ng lingon dahil baka maabutan nya ako.

“AKIN KA!” sigaw ng isang malademon’yong tinig.

Hindi nya ako p’wede ulit makuha. Ayaw ko na. Sa pagtakbo ko ay nadapa ako kaya naman napaiyak ako. “Lubayan mo na ako! Hindi ako mapapa sa iyo kahit anong mangyare!” sigaw ko at tumayo ulit ako at tumakbo.

Bakas sa akin ang pagod. Gulo-gulong buhok. Napapagod na ako. Hindi ko na kaya pang tumakbo. “KAHIT SAAN KA MAGTAGO MAHAHANAP KITA! AKIN KA LANG SHEA!” papalapit ng papalapit ang tinig.

Nagtago ako sa isang malapit na malaking puno. Umupo ako para makapagpahinga. Mula ro’n ay napahawak ako sa aking dibdib at pilit na pinapahupa ang hingal. Napaubo pa ako dahil na rin sa sobrang kakatakbo.

“Sana ‘di nya ako makita,” ani ko sa isip ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung pa’no nya ako nakuha kay Zarch. Maliban sa magkamukha sila hindi ko alam na sakim pala sya pero ngayon alam ko na. Sinusundan nya ako san man ako magpunta. Kahit na kasama ko pa so Zarch nakikita ko sya. Hindi ko alam na si Zack pala ‘yon.

Hanggang isang araw wala si Zach no’n kaya kinuha nya ako. Kahit naman na sapilitan akong kinuha ni Zarch ay napamahal na ako sa kanya. Kaya naman may minsan na tinakasan ko sya pero hindi ko alam kung bakit tila ba hindi ako natatakot sa kanya. Hinayaan nya ako pero ako naman ang bumalik ng kusa. Ewan ko ba.

“Pinagod mo ko mahal ko! Sabi ko naman sa ‘yo AKIN KA LANG!” Napaitlag ako dahil sa sindak.

“AAAAAAAAAAHHHHHHHHH,” umalingawngaw ang sigaw sa buong kagubatan ang aking sigaw. “BITAWAN MO ‘KONG HAYOP KA!” Pilit akong kumakawala pero sad’yang malakas sya.

“MANAHIMIK KA!” balik nyang sigaw sa ‘kin at sinuntok ako sa t’yan.

Kaya naman ‘di na ako nakapalag at nawalan ako ng malay. Nang magising ako ay nandito na naman ako sa palasyo ng isang demonyo. Umupo ako. Nakita ko ang libro na syang sinusulatan ko ng mga bagay na importante. “Kailangan ng matapos ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na hindi ko sya malabanan. Hindi ako papayag na habangbuhay nya akong bilanggo sa imp’yernong lugar na ‘to.” Hinawakan ko ito at binuksan at saka ito lumutang.

“Sa aking bibigkasin iyo sanang dingin.

Aking bathala iyo sanang patnubayin.

Ako’y bigyang lakas at dingin ang panalangin.” 

Lumiwanag ang libro ko. Lumutang din ako. Lumiwanag ang buong k’warto.

“Libro ng kapangyarihan at kalakasan na syang aking kailangan upang ako’y muling isilang.

Akin sanang hiling iyong pagbigyan.”

Ipinikit ko ang aking mga mata.

“Sa aking muling pagsilang iyong bigyan ng lakas at kapangyarihan.

Mas malakas sa kahit na sino man.

Sa aking ikalabing walong kaarawan.

Mga alaala’y aking babalikan.” 

Nawa’y magtagumpay ako sa gagawin kong ito.

“Librong makapangyarihan na aking kaibigan.

Lahat ng aking bibigkasin iyong markahan.

Si Zack na aking kinasusuklaman maglalaho ng tulad ng abo sa kawalan.

Shea ang aking ngalan ngunit iba sa aking kakalakihan.”

Kailangan kong itago ito upang walang kahit na sino man ang makaalam sa kung saan ko ito itinago.

“Libro kong makapangyarihan na s’yang saksi sa aking ginagalawan.

Ikaw ay mawalala hindi mahahanap nino man.
Hindi ka mabubuksan kung wala ang aking ngalan.

Shea, Shea ang kailangan upang ikaw ay muli kong mabuksan.

Gagawin kitang aking k’wintas at hindi matatanggal hangga’t wala ang aking pahintulot… ngayon na!” 

Nagliwanag ang buong kapaligiran at hinihiling ko na sana ako ay magtagumpay.

***End Of Flashback***

Tama! Ang pangalan ko. Napatampal ako sa aking noo. Hasyt! Bakit ba ang tanga ko? Ngayon na naalala ko na kung anong keyword upang mabuksan ito. Ngayong gabi na matatapos ‘to. Ngayong gabi ang huli. Ngayong gabi na magwawakas ang kasakiman mo Zack. Sana nga ay magtagumpay ako sa gagawin ko. Katulad ng ginawa ko sa nangyare no’n. Wala naman akong balak na gawin ‘yon pero wala akong ibang mapagpipilian. Ayaw ko na talaga sa malaimp’yerno nyang kaharian.

Babalik na muna ako sa silid para magpahinga muna pero may kung ano akong naramdaman. Hindi ‘to maaari. Masyado pang maaga para dito. May naramdaman akong kung anong kamay na gumagapang sa bewang ko kaya humarap ako para makita kung sino at napasinghap ako nang makita sya.

“Zack.”
 

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now