CHAPTER 4: UNKNOWN

1.7K 62 0
                                    

KRISTINE’S POV

Nagising ako na nakikita ko ay puro puti. “Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Tsk, nakakainis. Bakit naman nangyayayre ‘to sa ‘kin?” ani ko sa isip ko. Napahawak ako sa ulo ko.

“Kris! Buti naman at gising ka na!” nag-aalalang sabi ni Tintin.

“Hindi Tintin. Baka picture ko lang ‘tong nakikita mo. Sampal ko sa ‘yo esopagus mo, e. Teka nga? Ano nga bang nangyare?” Napatingin ako sa buong paligid at saka ako tumingin kay Tintin. “Nasaan ako?” tanong ko.

“Nasa clinic ka. Heller! Bigla ka na lang nahimatay ng walang dahilan. Ano bang nangyare?” balik na tanong nya sa ‘kin.

“Hindi ko alam,” tanging sagot ko.

Napaisip ako sa kung ano ang nangyare kanina at naalala ang bago naming mga classmates. Sino kaya ‘yong bago naming classmate at bakit ng pumasok sya ay nawalan ako ng malay? Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na kami sa clinic. Kahit na hinanghina pa ako pinili kong umalis na dahil pakiramdam ko mas lalo akong magkakasakit kung nasa clinic pa rin ako.

“Tara kain tayo! Libre ko!” Sabay hila na naman nya sa ‘kin.

“Ano ba naman, Tintin. Hila ka ng hila kita mong nahihilo pa ako!” ani ko at saka sya napahinto at saka bumagal ang lakad nya.

Simula nang mapanaginipan ko ang bagay na iyon ay parang may sumusunod sa ‘kin. Bawat kilos ko may nakatingin. Hindi ko alam kung mas’yado lang ba akong pilingera o totoo na? Baka naman napaparanoid lang ako. Um-order na si Tintin ng pagkain at ako naman ay naghihintay. Maya-maya ay dumating sya dala ang isang tray, kasunod no’n ang crew na may dala pang dalawang tray.

“Here!” Binaba nya ito at nanlaki ang mata ko.

“Bibitayin na ba ako?” iritang tanong ko.

Ang dami nya kasing in-order. Hindi ko alam na ito na pala ang huling araw ko sa mundo. “Hehe, sorry I forgot to ask you. Wala naman akong maisip na i-order,” sabi nya saka umupo.

“E, ba’t ‘di ka bumalik ‘di ba?” mataray kong sabi.

“E, kasi naman nakakatamad kaya!” maarteng sabi nya. Pinitik ko ang labi nya. “Awww! Masakit!” reklamo nya.

“Naman, Be, sa dami ng i-norder mo pa’no natin ‘yan mauubos aber?” naiinis kong sabi.

“Malapit na labasan. Nand’yan na si Mark para mag-ubos nito,” sabi nito habang natatawa.

Matakaw ‘yon si Mark at sya lagi taga ubos ng pagkain. Kinuha ko ‘yong isang slice ng pizza at kinuha ko ‘yong tubig. Napatingin naman ako sa labas ng canteen. Huh? Parang may nakatingin mula sa may puno. Hindi kaya guni-guni ko lang ‘yon? Mukhang hindi na maganda ang nangyayare.

“Wait! Hindi kaba kakain ng spag? Iyan lang kakainin mo?” tanong ni Tintin.

“Busog na ako,” tipid kong sagot at tumayo na.

“Teka! Saan ka pupunta?” tanong nya.

“Tatae, sama ka?” Nakataas kilay kong tanong.

Nag-iba ang mukha nya at saka ngumiti sa ‘kin ng napipilitan. “Ok. Balik ka agad ha!”

Pumunta ako ng banyo na nagmamadali. Hindi ako lumingon kasi baka mapagkamalan akong baliw pero para kasing may sumusunod sa ‘kin kaya patakbo akong pumasok ng banyo. Naghugas lang ako ng kamay tinignan ko ang itsura ko. Ok pa naman maganda pa naman ako! Char lang! Napasinghap ako sa nakita ko. Isang lalakeng naka-hood ang bigla na lang lumitaw at napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil do’n.

Nakita ko na sya sa may mall pero ba’t nandito sya sa restroom ng mga babae? Sa kabila ang banyo para sa lalake ah? Nakikita kong itim ang kanyang aura at sa totoo lang ay hindi ko gusto ang aura na ‘yon. Nilingon ko sya pero nawala bigla na lang syang nawala. Dali-dali akong lumabas ng banyo papuntang canteen. Nangunot ang noo ni Tintin ng makita akong hinihingal nang makalapit ako.

“Oh? Anong nangyare? Bat hingal na hingal ka? may humahabol ba sa ‘yo?” tanong ni Mark.

Nandito na pala ‘tong kulugong ‘to? Ang bilis ah? Tumingin ako sa paligid at saka ako pumikit at huminga ng malalim pero nakaramdam ako ulit ng hilo at kasunod no’n ay wala na akong naalala pang nangyare.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now