CHAPTER 9: TRUST (She will coming back again)

1.5K 60 0
                                    

KRISTINE’S POV

Hindi ko alam kung ano ang inaarte ko. Pero nakakainis kasi nawala na ang first and second kiss ko. Nakakaiyak talaga. Magnanakaw sya. Napatingin sya sa ‘kin at napakunot ang kanyang noo.

“Shit, why are you crying?” iritadong tanong nya.

“Kasi naman, e.” Nakangusong sabi ko at hindi ko maituloy.

“Tsk. Fuck. I do that because you are so noisy!” iritadong sabi nito sa ‘kin.

“So, kailangan mo akong nakawan ng halik para lang manahimik ako gano’n? Hindi ‘yon makatwiran! Kahit na,” pabulong kong sigaw sa kanya.

Teka? Ba’t ba kasi kami nagbubulungan? Tinignan ko sya, hindi na masama. Matangos na ilong, cold eyes, amoy mint na hininga at ang bango nya. Anong perfume kaya gamit nya? “Tsk. Stop that nonsense of thinking!” Napanguso ako.

Nabasa nya ang iniisip ko. Hinila nya ako papuntang pinto ng bahay namin. Sa may likod, tapos binuksan nya at pumasok kami na para kaming magnanakaw ginagawa namin dahil nakayuko tapos tingin sa paligid. Nakakaabnoy lang.

“Teka. Tara sa taas,” sabi ko at sa pagkakataon na ‘to ay ako ang naunang maglakad saka kami umak’yat sa taas.

Wala naman na siguro ‘yong mga tao kanina at sa tingin ko ay hindi naman sya kasabwat no’ng mga ‘yon. Pagpasok namin sa loob ng k’warto ko ay bigla naman akong kinabahan. Iba ang aura ng k’warto ko. Ramdam kong may pumasok. Binuksan ko ang ilaw at saka ko nakita ang dalawang lalakeng nakaitim na suit.

“SINO KAYO!?” sigaw ko sa kanila.

Nabigla ako sa sunod na nangyare. Fire ball. Tinignan ko kung saan ito nang galing at nanlaki ang mata ko dahil kay Mr. Red guy. Kulay pula ang buhok nya at asul naman ang mga nata nya. Iyong dalawang lalake kanina nag-iba ng itsura. Naging parang isang halimaw. Ay mali HALIMAW TALAGA.

“Teka? Ano bang nangyayare, ha?” naguguluhang tanong ko.

“Later you will know,” sagot nya sa ‘kin sa malamig na tono.

That voice. I know his voice. Pero ba’t gano’n? Ang gulo? Magkapareho sila ng boses? “Ano? Tatanga ka na lang ba?” Bigla nya akong hinila papunta sa likod nya.

Ok lang sanay naman na ako, e. Baka sa susunod may pilay na ‘tong braso ko dahil sa kakahila. “Aray naman!” reklamo ko.

“Both of you! What do you want?” tanong nya do’n sa dalawang mukhang unggoy.

“Wala ka na do”n,” sagot nito at biglang may lumabas sa palad nila na kulay itim.

“Oh? Really?” mapang-asar nyang sabi.

May kung anong lumabas din sa palad nya. Ice! WOW! Para akong nasa FANTASY LAND! Dahil sa kakapanood ko sa kanila hindi ko namalayan na nandito na sila nanay at tatay. Agad kong sinara ang pinto at hinayaan silang mag-away sa loob. Nangunot naman ang noo ni nanay dahil sa ginagawa ko. Nakakainis naman oh, bakit naman kasi nandito ang mga kulugong ito.

“Oh, anak? Ano bang ingay ang nand’yan sa k’warto mo? At saka ba’t nand’yan ka? ‘Di ka pa ba inaantok?” sunod-sunod na tanong ni tatay.

Mag-isip ka ng reason Kristine! Hindi ko alam kung anong irarason pero bahala na si batman. “Ah? Ano kasi ‘nay, ‘tay. Iyong ano… ‘yong daga at pusa. Oo tama ‘yong daga at pusa. Naghahabulan sa loob ng k’warto ko,” sabi ko at nauutal pa.

Hindi ko alam saan ko napulot ‘yon, nakakainis. Nagtinginan sulang dalawa at kumunot ang noo. “Huh? Paano nagkaroon ng pusa d’yan, e, wala naman tayong alagang pusa?” nagtatakang sabi ni nanay.

Takte! Oo nga pala. Ang tanga mo talaga kahit kailan, Kristine. Hindi ko naisip na wala pala kaming alagang pusa. “What I mean is our neighbors cat. Nakita ko kanina sa labas. Tapos ano... pinasok ko sa loob kasi ano… may nakita akong daga,” pangangatwiran ko pa.

“Gano’n ba? Oh, sya, matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Paalisin mo ‘yong pusa d’yan. Palilinisin ko na lang kay, Jessy ‘yong k’warto mo bukas,” sabi nito at saka sila umalis.

Salamat naman!

[Nice reason]

Huh? Sino naman ‘yon? Tumingin ako sa paligid ng hall way pero walang tao. Narinig kong bumukas ang pinto ng k’warto kaya naman pumasok na ako. Nanlaki ang mata ng makita itong magulo. Anak ng putik! Dinaanan ba ‘to ng bagyo? Gulo-gulong higaan, nagkalat na unan, librong nagkasabit-sabit. Nakakainis namang buhay ‘to. “Don’t worry. I’ll help you to clean this mess,” sabi nito at nakita ko syang nakaupo sa cauch ko.

Ang kapal ng mukha! Bigla s’yang nawala. Iginala ko ang tingin ko pero wala talaga. Nagulat ako ng makita ko ‘yong k’warto ko na malinis na. “Nanaginip ba ako ng gising?” hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili ko kaya naman sinampal ko ang sarili ko at nakaramdam ako ng sakit. “Aray! So, hindi ako nanaginip ng gising! Pero ano ‘yong mga nakita ko? Ice cristals? Dark light? Fire ball?” sabi ko at para akong nababaliw sa kakaisip.

Naalala ko ang nangyare sa practical namin. Nasunog ‘yong bola. Pumasok ako ng cr saka ko binuksan ang ilaw at napatingin ako sa palad ko. Baka naman nagkataon lang ang lahat? Binuksan ko ang gripo at tinapat ang kamay ko doon. Nanlaki ang mata ng bilga itong naging yelo ang tubig. Tinignan ko ang palad ko nagliliwanag ng kulay blue. Tumingin din ako sa salamin napaatras ako sa sunod kong nakita. Iyong mata ko naging blue at pati na rin ang buhok ko. Agad naman itong uti-unti nawala at bumalik sa dating kulay.

“Ano bang nangyayare?” sambit ko.

SHAUN’S POV

Her name changed, but not her face or attitude. I’m one of her friends, as well as her husband. Matapos ang mahabang panahon na paghahanap namin sa ‘yo sa wakas ay nakita ka na namin. Her true name is SHEA REFIER—ZIEL. Her husband is ZARCH ZIEL. Ilang daang taong syang naghintay para sa muling pagbabalik ng aming reyna. Hindi namin alam kung bakit sya umalis noon ng walang paalam. Pero sa tingin ko ay hindi nya kami iiwan ng walang dahilan. Hindi sya aalis ng walang paalam kahit sino man sa ‘min.

“Hey, brother! Ang lalim ah? Hindi na ma-reach!” sabi ni ate Jean.

“Tsk,” sabi ko na lang.

“Hindi pa rin sya nagbabago. But it’s hurt! Because she didn’t remember me. She didn’t remember us!” malungkot na sabi nito. “But I know… maaalala nya tayo at babalik sya sa ‘tin!” Nakangiting sabi nya.

Alam ko namang peke ang ngiti nyang ‘yon. Alam kong nami-miss nya si Queen Shea. Naging matalik silang magkaibigan kahit magkalayo ang edad nila. “I think kailangan na natin sabihin sa kanya ang totoo para bumalik na sya ulit.” Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. “Tsk! Alam kong miss mo na rin sya. Pero kailan natin sasabihin? Kung kailan huli na ang lahat?” sabi nya at sa totoo lang ay may point sya.

Alam kong babalik sya sa ‘min. Hindi man ngayon alam kong sa tamang panahon at pagkakataon.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon