CHAPTER 1: INTRO

3K 78 1
                                    

KRISTINE’S POV

“ANAK GISING!”

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Nanay. Panaginip. Panaginip lang pala. Pero bakit parang totoo? Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin dahil sa panaginip ko. Para akong napagod dahil do’n.

“Anak ok ka lang ba? Binabangungot ka na naman,” nag-aalang sabi ni Nanay.

Pang-ilang beses ko na ‘yon napanaginipan. Pero ngayon ko lang napanaginipan na tinawag nya akong Shea. Sino naman si Shea?

“Ok lang po ako, ‘Nay,” sabi ko at bumangon na.

“Sige handa na ang almusal sa baba. Nand’yan nga pala ang tatay mo. Kakarating lang nya.” Napangiti ako dahil do’n.

Nand’yan na si Tatay. Buti naman galing kasi syang ibang bansa dahil sa trabaho. Hindi ko alam kung ilang buwan ang lumipas. Pero lagi akong naghihintay para sa pagdating nito. Si Tatay ay close na close ko at sya lang ang masasabi kong the best man ever. Naligo na ako at nagbihis at pagkatapos no’n ay bumaba na ako para makasalo si Tatay sa almusal. Ang daming nangyayareng kababalaghan sa buhay ko nitong mga nakaraan. Nang makababa ay nakita ko si Tatay na nagsisimsim ng kape nya at nagbabasa ng diyaryo.

“’Tay!” Masayang bati ko at niyakap ito.  

“Mmm! Miss mo talaga ako ah!” ani ni Tatay.

“Opo naman po!” Nakangiting sabi ko at umupo na ako tabi ni Nanay.

“How was your school?” tanong ni tatay sa ‘kin.

“There’s no new, but it was fun after all.” Nakangiti kong sabi.

“Ow? That’s good. How’s your love life?” Napabusangot ako ng ‘yon na ang tinanong ni tatay.

“Tay, naman! Walang ganyanan. Alam nyo namang wala ako no’n, e.” Nagkatinginan sila ni Nanay sa isa’t-isa at saka tumawa. “’Nay, naman pati ba naman ikaw kumakampi kay, Tatay?” Nakangusong sabi ko saka sumubo ng pagkain.

“Ow. I’m sorry baby I can’t stop to not laugh because of your tatay said.” Natatawa nitong sabi.

Mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi ni Nanay. Tinuloy namin ang pagkain ng salo-salo at masaya akong kasama ko sila ngayon, kahit na wala sila kuya.

“KRIS!” Halos mapatalon ako sa upuan ko ng dahil sa mala speaker na boses ni Tintin.

Iyong kutsarang gamit ko ay tumilapon dahil sa gulat ko sa kanya. Inis akong tumingin sa kanya at natatawa naman sila Nanay na naiiling. Nasanay na lang talaga sila sa ganitong ugali ni Tintin.

“Hindi mo ba kayang hinaan ang boses mo, Tintin?” inis na sabi ko.

“Hehe. Serrey! Yayain sana kitang lumabas kung ok lang?” ani nito at saka ako bumuntong hininga at tumingin sa pagkain ko at tumingin ulit sa kanya.

“Are you nuts? Hindi mo ba nakikitang kumakain ako?” Sabay turo sa pagkain ko.

“Sige na bess! Please?” sabi pa nito at saka sya nag-puppy eyes sa ‘kin.

Ang hirap maging maawain sa totoo lang. Konting paawa lang talaga nitong babae na ‘to ay mapapa-oo na ako. Ang hirap nyang tanggihan at gusto ko syang sabunutan pero dahil nga mabait ako at bumuntong hininga na lang ako.

“Sige ‘Nay, ‘Tay una na po kami!” Paalam ko.

“Yey!” Masayang sabi nito.

“Teka! ‘Di ka pa tapos mag-almusal!” ani ni Nanay.

“Sa labas na lang po, ‘Nay,” sabi ko at saka ko ninuha ang bag ko.

“Sige ingat kayo!” sabi naman ni Nanay at saka kumaway sa ‘min.

Nang makalabas ng bahay ay iba ang pakiramdam ko. Kanina ko pa ‘to nararamdaman mula ng magising ako at mapanaginipan ang humahabol sa ‘kin at tinawag akong Shea. Ramdam kong may kakaiba at parang may hindi maganda. Gano’n pa ma’n ay tumuloy kami sa pupuntahan namin.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now