CHAPTER 5: RED HOODIE JACKET

1.7K 62 4
                                    

KRISTINE’S POV

“Stay with me wife,” sabi nya habang nakayakap sa ‘kin. Hindi ko maintindihan. Bakit ko sya hinahayaan na yakapin ako? Sino ba ‘to? “Don’t leave me again. Please,” pagmamakaawa nito. I don’t understand. Where am I? And who he is? Ba’t nakabihis ako ng isang royal gown? “Come with me. The dinner is ready,” sabi nito at sumama ako sa kanya.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung tama akong hinala pero, parang isa itong palasyo. Madaming kawal sa paligid. Bawat dinadaanan namin ay mero’n. Ang daming k’warto. Hindi ko mabilang.

“Magandang gabi, Mahal na Reyna Shea,” bati ng isang katulong.

Pero tinawag nya akong Shea? Ang pagkakaalam konay Kristine ang pangalan ko at hindi Shea. Kailan pa napalitan ang pangalan ko? Hindi man lang ako na-inform na napalitan na pala ang pangalan ko.

“So-sorry but I’m not, Shea,” ani ko at nauutal pa at biglang nag-iba ang aura ng lalake.

“What did you say? You’re not Shea? You are Shea!” galit na sambit nito.

Napapikit ako dahil sa sigaw nya. Eto na naman ang kaba sa dibdib ko. Ang takot ko at biglang nanginig ang kamay ko. “Hindi… hindi ako si Shea, hindi ako ‘yon!” sigaw na sabi ko at saka ako tumayo ako at tumakbo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Isang maze ang napasukan. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko alam saan ako lalabas. Nasaan na ba ako? Sa pagtakbo ko ay natisod ako kaya naman ‘yong paa ko ay na-injured. Hindi ako makatayo. Bakit naman kasi napakatanga kong tao.

“Where do you think you’re going?” Napatingin ako sa kanya.

“LEAVE ME ALONE!” sigaw ko pero hindi nya ako pinakinggan at nagulat ako ng hinawakan nya ako sa braso at kinaladkad nya ako pabalik sa palasyo.

Ang sakit ng sugat ko. Huminto sya kaya napahinto din ako. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa at hindi ko inaasahan. Umupo sya pero nakatalikod sa ‘kin kaya naman mas lalo akong nangunot ng noo.

“A-anong gagawin mo?” tanong ko.

Pero hindi nya ako sinagot at tinitignan ko lang sya at hindi ko alam ang kung anong gagawin ko. “Anong hinihintay mo? Pasko?” nagtaka ako sa tinuran nya. “Naiinip na ako. I know you’re injured. Bilisan mo at pagod na ako,” pagmamaktol pa nya.

Pagod? Kasalanan ko bang napagod sya? Mas napagod ako kasi ako ang tumakbo. Hindi ko naman sinabing sumunod sya at ngayon ay magrereklamo sya. Pumasan ako sa likod nya at naamoy ko ang pabango nya.

“Sino ka ba talaga?”

****************

“Uyy! Kristine! Gising!” Napamulat ako ng mata ko at napatingin sa buong paligid.

“Inaantok pa ako, e,” reklamo ko.

“Ayt? Grabe! Uyy! Kahapon ka pa natutulog inaantok ka pa din?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

“WHAT?” gulat na tanong ko.

“Tsk? Hindi mo ba naalala? Kahapon nahimatay ka. Hindi lang once, kung ‘di twice! Ano bang nangyayare sa ‘yo?” tanong nya at humiga sa kama ko.

Kapal ng mukha neto ah? Twice, hindi ba girl group ‘yon? Pero bakit naman kaya ako nahimagay kahapon na naman? Hindi na talaga maganda ang nangyayare sa ‘kin mula ng mapamaginipan ko ang tungkol sa lalakeng ‘yon. Ang bangungot na laging dumadalaw sa ‘kin gabi-gabi.

“I don’t know,” tanging sagot ko dahil ayaw ko alalahanin. “Teka? Paano ako nakauwi?” takang tanong ko.

“Hinatid ka namin ni Mark pero hindi si Mark ang nagbuhat sa ‘yo,” sabi nito dahilan para mapalingon naman ako sa kanya at nangunot ang noo.

“What do you mean?” takang tanong ko.

“Iyong new classmate natin! Grabe girl ang g’wapo!” kilig nyang sabi. “Sayang nga, e. Hindi mo nakita. S’yete pati ‘yong apat nyang kasama ang gaga-g’wapo.” Hindi na nya napigilan pa ang sarili at napatili na.

“Shhh! Manahimik ka nga!” iritang sabi ko at tumayo na pumunta na akong banyo.

Matapos kong maligo ay nagbihis ako ng school uniform papasok parin ako kahit second subject na. Sayang ang araw at alam kong mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. Kailangan kong makahabol sa lessons.

“Oh? Kaya mo na ba?” tanong ni Tintin.

Naka school uniform syang pumunta dito sa bahay. Halatang ‘di pumasok. Kahit kailan ang babaeng ito ay mahilig mag-skip ng klase.

“Oo,” walang ganang sagot ko.

Bumaba na kami at agad na lumapit sa ‘kin si Nanay nang makita ako. Halata ang pag-aalala sa mukha nya. “Oh? ‘Nak, papasok ka pa rin?” tanong nya.

“Opo. Kaya ko na man na, ‘Nay,” sagot ko. “Una na po kami, ‘Nay, sa labas na lang po kami kakain,” paalam ko at saka ko sya hinalikan sa pisngi.

Umalis na kami at kumaway pa ako kay Nanay nang makalabas ng bahay. Nag-abang na kami ng masasak’yan ni Tintin at ayaw pa sana nya dahil dala nya 'yong sasakyan nya pero ‘di ako pumayag. Habang nasa jeep kami may napansin akong lalakeng nakahood. Teka? Napapadalas ata ang pagkikita ko sa kanya? Kilala ko ang jacket nya na may hood. It’s color red. Hindi ko maintindihan pero ‘di ko na lang pinansin at itinuon ang tingin sa labas. Pero nararamdaman kong nakatingin sya sa ‘kin. Pang-ilang beses ko na ba syang nakita?

“Para po!” Pumara na kami ni Tintin sa harap ng school.

Sa pagbaba ng jeep ay may nagkukumpulang mga babae. “Anong mero’n?” nagtatakang tanong ko.

“Excuse us!” sigaw ni Tintin.

Aba? Natahimik ang lahat at binigyan kami ng daan. Ayos? Sya na ba ang boss ngayon? Naglakad na kami pero lahat ng mata nila nasa amin. Nakakailang.

“Hi, babe!” Masiglang bati ni Mark kay Tintin. Itong mag-syotang ‘to walang pinipiling lugar. ”Oh? Bes? Ayos ka na?” tanong ni Mark sa’kin.

“Oo,” sagot ko at nauna na.

Pumasok nalang ako ng room kesa tumambay sa labas. Umupo nalang ako sa upuan ko at sa pag-upo ko may napansin akong naka red jacket na may hood na naman. Napasinghap ako ng tumingin ito sa ‘kin.

“KRISTINE!”

“AY TAE!”

“Ang ganda ko naman para maging tae?” ani nito. “Ba’t ka tulala? Sinong tinitignan mo sa likod?” tanong nya.

“Iyong lalakeng---” Ituturo ko sana ‘yong lalakeng naka-red jacket na may hood pero wala na sya do’n. Namamalik mata lang ba ako? “Ah… w-wala,” sabi ko na lang.

“Ok,” sabi ko at tumabi na sya sa ‘kin at umupo.

“Sino ba ‘yon?” bulong kong tanong sa sarili ko.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now